Nandito na naman ako
Napapaisip at nalilito
Mga alaalang bumabalik
Nais ko na ring humintoSimpleng taong nakilala
Nagbigay ng mga alaala
Handog ay lungkot, pati saya
Hindi ko malimutan, nakakapagtakaNoong una pa lamang
Alam kong siya'y ibang iba
Ang mga hatid at ipinapadama
Pati mga aral na galing sa alaalaNoon palang, alam ko na
Hatid niya'y inspirasyon sa umaga
Ngiti ang hatid tuwing nakikita
Nakakahibang, nakakatangaUna pa lang, ako'y nabihag na
Napapasaya at iyong napapatawa
Noong una pa lang, alam ko na
Sa mundong 'to,tayo'y walang pag-asa