Unang Bahagi-Ikalawang Tula

64 5 0
                                    

Damdaming hindi maamin
Ako'y nalilito't napapaisip
Bakit ba hindi kayang sabihin?
Ako'y natatakot na sayo'y iparating

Mga salitang puno ng mahika
Akin nang isusulat, sinta
Tulang puno ng istorya
Bawat salita'y, may ipinapadama

Gagawing inspirasyon sa mga tula
Luha, saya, kahit mga alaala't salita
Na mula sa'yo, sinambit mo't ginawa
Hayaan mo, mamahalin pa rin kita

Sa mga tulang isusulat ko
Ipapahayag, damdaming tinatago
Ako ma'y masaktan dahil sayo
Patuloy na magmamahal, buong puso

Hahanapin pa rin ang saya
Kahit minsa'y lungkot iyong dala
Mga alaala na iyong iniwan
Mananatili at pahahalagahan

Saksi, mga luha't tinta 
Sa bawat tulang isinulat na
Hindi ko lang alam
Paksa pa ba'y mag-iiba?






Behind Those TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon