Chapter 2

2K 44 5
                                    

Aelin's POV

After our class to ma'am Natty ay sumunod na ang subject na Filipino ni sir JM. Naging alive ulit ang buong klase kahit na golden hour at sobrang nakakatulog dahil magaling mag turo si sir JM at hinahaluan pa nito ng kalokohan pagka nag didiscuss ito. After sir JM ay dismissal na ulit. Hanggang alas tres lang kasi talaga ang pasok namin considering konti na lang din subjects namin.

"Lin, samahan mo ako magbihis. Hinila na ako ni Janus papunta sa cr kahit na hindi pa ako nakaka oo sa gusto nito. Habang naglalakad kami rito sa corridor ay may mga schoolmates na akong nakikita na naglalakad na rin. Sa tingin ko ay early dismissal din itong mga ito kaso sadly mamayang alas kuatro pa mag oopen ang gate. Kailangan pa nilang libangin ang sarili nila for an hour saka sila makaka alis pero may mga services naman nang nag susundo sa iba at kapag napuno na ay aalis na kaya makaka uwi na ang ibang early dismissal.

Pagkarating namin sa cr ay may magilan ngilang estudyanteng umiihi at ang iba ay mag trotropang nagtatawanan. Nang makapasok na kami ay nag batian si Janus at ang mga junior high students na magtrotropa. Yung usual na batian na may shoulder bump at hawakan ng private part. Napailing na lang ako at saka may napansing junior high na parang hindi maka daan dahil na occupy ng mga lalaking ito ang space. I can feel na we're the same by just looking at him dahil nahihiya itong mag excuse me sa mga kalalakihan. I think we really need comfort rooms for third gender dahil I can feel the feeling of entering a boys cr.

"Janus tabi, may dadaan." I grabbed him para makalabas yung junior high na hindi makalabas.

Nang maka daan ay saka niya ako pinasalamatan. "Thank you po."

"Welcome." Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas na ito.

"Kilala mo ba yon?" Tanong sa akin bigla ni Janus. Ngayon ko lang na realize na nakahawak pa pala ako sa braso nito dahil hinila ko siya kanina kaya naman inalis ko na.

I shook my head. "Hindi pero I want to help him that's all." Tumango naman si Janus at saka sa akin pinasa ang sports bag niya.

"Magpapalit na ako. Kunin mo nalang yung uniform ko at saka mo ibigay ang jersey ko." Saad nito at lumuob na.

Janus is a basketball player. I don't know what his position dahil hindi naman ako ganon ka focus in discovering basketball so wala rin akong kaalam alam. Umalis na rin ang mga magtrotropa na kausap kanina ni Janus kaya naman balik tahimik ang buong cr except sa cubicle kung nasaan si Janus dahil nagpapalit. After about a minute ay inabot nito ang uniform niyang gusot gusot na nirolyo nalang. I grabbed his uniform at saka ko rin kinuha ang jerseys niya at saka ito binigay sa kaniya. I waited for about a minute at saka na ito lumabas.

Tumabi ako para makadaan ito paalis and as he leaves I can feel a different aura from him. Siguro ay nasa mood itong magtraining kaya ganiyan. Dumiretso ito sa salamin at saka inayos ang buhok nito.

"Lin, gusto mo bang magpakulay ng buhok?" Tanong nito bigla at saka ako hinarap using the mirror.

Kumunot ang ulo ko. Ano na namang nasa ulo nito at naisipang magpakulay?

"I just want to try coloring my hair. Yung kahit dark brown lang para hindi halata. Hindi naman bawal yun diba?"

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang ay yung mga nakaka shock na colors is hindi pwede tulad ng violet or pink ganon."

"Hindi naman nakaka shock yung brown diba? Okay lang siguro yon. Gusto mo ba?"

"Not sure tho. Pag isipan ko muna."

Tumango ito at saka kami bumalik sa classroom para kunin ang bag namin. Usually nanunuod lang ako ng trainings nila sa ganitong oras or kung minsan ay nagbabasa na ako. Medyo malamig din kasi sa gymnasium kaya na eenjoy ko.

"Ikaw na mag dala ng sports bag ko? Hindi naman yan mabigat." Wow as in wow. Tinaasan ko ito ng kilay pero nginitian lamang ako.

"The audacity oh my god." I rolled my eyes at naramdaman kong hinila niya ako papalapit sa kaniya at inakbayan ako putting his hand in my hair at bahagya itong ginulo.

"Please, ngayon lang naman. Medyo masakit kasi yung right shoulder ko." He teased me at nagpaawa pa na akala mo ay masakit talaga.

Kumawala ako sa pagkaka akbay niya at saka ko sinuntok yung right shoulder niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa itsura niya pero halatang gulat na gulat ito.

"What was that for?"

"Para mas lalong sumakit. Hehe." I smiled at him like I'm teasing him at saka ako nagsimulang tumakbo. Ayaw kong hintayin na makabawi pa ito. Mas masakit ito sumuntok sa akin.

"Hoy! Ang daya nito!" He tried to chase me but he failed. Tawa lang ako nang tawa hanggang sa maka rating na kami sa gymnasium at pumasok na.

May mga tao na sa gym at nagtre training na ang iba. Yung ibang hindi varsity ay nakiki shoot muna sa kanang bahagi ng court while the varsities are training on the left side. May mga naka upo rin sa bleachers. Mostly ay mga naghaharutang couple lang at ang iba ay pinapanoo ang kanilang jowa sa court.

"Hintayin nalang kita dito. Doon lang ako pupuwesto sa medyo taas." Saad ko sa kasama ko at tumango naman siya. Naglakad na ako papuntang taas samantalang siya ay naglakad na papunta sa mga basketball players na nagtre training na sa court.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fine (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon