Again

6.6K 86 1
                                    

Paguwi namin ni Aya nagbihis agad kami saka ginamit ang sarili naming kotse. Pinaandar ko lang ang makina ko at saka ko narinig na pinaandar ni Aya ang sa kanya.

Mahaba haba din ang byahe namin papuntang club. Magkasunod lang kami lagi ni Aya sa pagmamaneho.

"Aya hinay hinay ah uuwi pa tayo" Sabi ko kay Aya nang pagbaba namin sa kotse namin. Baka mamaya gutay gutay na naman sya, ay kami pala -__-

Nginitian nya lang ako at saka naunang pumasok sa club. Napailing na lang ako at saka sumunod sa kanya. Ang tahimik naman ng club nato.

Pagpasok namin love song ang pinapatugtog. may mga couples na sumasayaw sa dance floor na parang debut ng mga babae. Inggit si ako >,<

Nang nakita ko si Nathan agad agad kong itinuro ito kay Aya at saka kami naglakad papunta doon.

Papalapit kami ng papalapit. May napansin akong lalaking nakayuko lang.

Tugtug

Tugtug

Tugtug

Kabog ng dibdib ko habang papalapit kami sa upuan nila Nathan. Nang napansin kami ni Nathan sumigaw sya at naibaling ang tingin ko sa kanya.

I think napansin din kami nung lalaking nakayuko. Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa upuan nya. Pero wala na sya. Mygod Zia may nakikita kang hindi nila nakikita!

Ilang oras na din ang lumipas kaya medyo may tama narin ako. Siguro nga mumu yung lalaking yun kasi hanggang ngayon hindi ko na ulit sya nakita.

Isinandal ko na lang ulo ko sa sandalan ng couch na inuupan namin. I think may something na sa tummy ko kaya agad agad akong tumayo at tumakbo papunta sa bathroom.

"Oopss!"

Aya's PoV

Nawala sa tabi ko si Zia kaya agad kong inikot ang paningin ko.

Whatt theeee..!?

Agad agad akong tumakbo papunta sa lugar ni Zia.

"What happened?" Tanong ko habang kinukuha si Zia.

I saw Zia hugging someone. Pero nakita ko yung damit nung someone na yun, parang suka kaya agad kong kinuha si Zia sa kanya.

Zia nakakahiya ka! Mygoddd!

Nakaupo ako habang nakahiga sa kandungan ko si Zia. Buti wala pa ko masyadong tama.

Lumuhod ang lalaking nakabanggan ni Zia "Is she okay?" Tanong nito habang nakaluhod at nakatingin lang kay Zia.

Tinignan ko lang sya ng ilang segundo saka ko narealize na ako pala ang kinakausap nya.

"Hmm..I think she's not" Sagot ko kaya naibaling nya ang tingin nya sakin.

Umalis na lang ang lalaking yun, at ang nakakahiya hindi man lang ako nakapag sorry sa nagawa ni Zia >,<

Nagpatulong lang ako sa mga kaibigan namin na dalhin si Zia sa couch para makapagpahinga muna sya.

"She fell to someon-"

"I know, I saw her" Sabi nya kaya naputol ang pagsasalita ko.

Lourenz's PoV

Every step she takes, i know. Every blink she do, i see.Nang makita kong kasama sya ni Aya papunta sa couch na inuupuan namin, lumayo ako.

Ayokong makita na masaktan sya kaya ako na lang ang lalayo. Habang umiinom sya alam kong masaya sya, kaya for sure kung nandoon ako, hindi sya magiging masaya nang ganun.

Tatakbo sana ako nang tumayo sya at parang tutumba, pero bumigay na sya sa isang lalaki. Dapat ako yun e. Dapat ako yung sasalo sa kanya.

Nang alam kong wala syang malay, pumunta na ako sa couch namin. Alam ni Aya ang plano ko, sumang ayon naman sya.

Inihiga ko ang ulo nya sa binti ko para gawing unan. Hinimas ko ang noo nya, Napakaganda nya, She's so perfect.

Ibiniba ko ang ulo ko at saka hinalikan ang noo nya. Tinagalan ko ang paghalik dito at itinaas ko lang ito nang maramdaman kong tutulo na ang luha ko.

Pinunasan ko iyon at inalok ko si Aya na ako na lang ang magmamaneho ng kotse ni Trixia seems wala din naman akong dalang kotse.

Binuhat ko si Zia papunta sa kotse nya at pinaandar ko lang ang kotse nya at ang mga kasama naman namin ay nagkanya kanya na.

Nang makarating kami sa unit nila, halos magkasunod lang kami ni Aya nang dating. Pinatay ko lang makina at saka ako lumabas, binuhat ko papalabas si Zia ng kotse nya.

Inihiga ko lang si Zia sa kama nya habang nakasunod sakin si Aya.

Humarap ako kay Aya "It won't happen again" Sabi ko sabay ngiti. Hindi ko na ipaparamdam sa kanya na laruan ko lang sya.

Ngumiti na lang sya sakin at saka nya ko hinatid sa pintuan.

Bago ako lumabas ng gate hinintay ko munang isira ni Aya ang pinto nila at saka nako naglakad palabas sa condo nila para pumara ng masasakyan.

--

"Ayaaaa!" Sigaw ko.

Narinig kong tumakbo ng mabilis si Aya papunta sa kwarto ko.

"Nagugutomm ako!" Sigaw ko nang makapasok na si Aya sa kwarto ko habang hawak ang tiyan ko.

"Okay!" Sigaw nito sabay salute sakin. Alam nya na nya ang gagawin kapag may hangover ako. I'm wasted -__-

Huminga ako ng malalim at saka umupo mula sa pagkakahiga ko. Inipit ko lang ang buhok ko at saka ako lumabas ng kwarto.

Paglabas ko dumiretso ako sa kusina dahil nangangamoy ang nilulutong hotdog ni Aya. My favoritee! >,<

Umupo ako at saka nilagay ni Aya sa mesa ang pagkain na niluto nya pero napansin kong isa lang yun. Di ba sya kakain?

Tumalikod ulit sakin si Aya para kumuha ng tubig "Di ako kakain dito, kakausapin ako ni papa" Sabi nito nang nakatalikod parin sakin. Ramdam nya talaga yung nasa isip ko lagi.

Inumpisahan ko nang kumain habang nakikinig lang sa kanya.

"Dating gawi, Ipapadate na naman ako" Sabi nito habang nilalapag ang pitsel at baso sa mesa. Syempre ako nguya lang ng nguya.

"Guess who? the brother of your baby" Sabi nito kaya bigla akong nabulunan. Iniabot nya agad sakin ang baso na may tubig at ininom ko ito.

Nang nakakahinga na ako ng maayos "Name?" Tipid kong tanong habang hawak parin ang baso.

"Louzer Piolo" Sabi nito sabay upo. Louzer and Lourenz? Cute >,<

"At sabi ni papa susunduin daw ako ng mga kapatid nila" Dagdag nito kaya napatingin ako sa kanya.

"Mga? It means maraming Lourenz?" Sabi ko nang may halong irita sa boses. Marami pang ka ugali ni Lourenz? Urgh!

"4 Girls and 3 boys" Sabi nito sabay tayo papunta sa kwarto kaya naiwan lang ako dito sa hapag kainan.

Marami sila? 4 Girls? ang gaganda siguro nila. Di ko itatanggi na gwapo si Lourenz kaya malamang gwapo at maganda din ang mga kapatid nya.

"I think you have an interest to meet his whole family" Sabi nito, hindi ko namalayan na nakaupo na ulit sya sa harap ko. Tulala pala ako >,<

"Don't worry, wala si papa dun. Hindi daw sya makakapunta e" Dugtong nya para kumbisihin ako. Lagi kasi akong sinusumbong ni Tito Larry kay Mama kapag humaharot ako e.

"You want to come with me?" Sabi nito habang nilalabas ang makeup kit nya. Sasama ba ko? baka kasi isipin ni Lourenz na papansin ako--

"In count of 1--"

"Yes!" Sigaw ko kaagad ng biglang magbilang si Aya. Goodluck Zia.

Goodluck..



------

My Maniac Boyfriend (MMB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon