BreakUp

3.1K 47 4
                                    

Lourenz?

Gulat kong tanong sa sarili ko. Tinitigan ko lang sya at tuluyan ng umagos ang mga luha ko.

Di ko na kayang makita na inaalalayan nya ang babaeng yun kaya dali dali akong tumakbo palabas sa bar.

Paglabas ko napaupo ako sa hagdanan. Bakit Lourenz? Kala ko ba mahal mo ko? Nararamdaman ko naman lahat e, bakit aabot sa ganitong sitwasyon? Ok naman tayo kagabi diba? Sinurpresa mo pa nga ako diba? Ano lahat ng yun? Pagpapanggap lang? Lourenz naman..

Ang daming tanong na gusto kong ikaw mismo ang sumagot. Lourenz.. sobrang sakit..Sana hindi mo na lang ako ginirlfriend.

"Zia?" Tawag sakin ni Pia sabay tabi sakin.

Tama na Zia. Wag ka nang umiyak. Mapapagod ka lang.

"Iuuwi ka na namin ha? inaayos lang ni Nathan yung gulo sa taas" Sabi ni Pia.

Pinunasan ko ang mukha ko na pulang pula na dahil tuluyan na kong tinamaan ng alak at ng sakit.

Tumayo ako pero hinawakan agad ako ni Pia.

"Zia ihahatid ka na namin, nakainom ka baka mapano ka" Sabi ni Pia habang hawak parin ako ng mahigpit.

"Bitawan mo ko" Sabi ko nang hindi lumilingon sa kanya.

Binitawan nya na lang ako at saka ako nagpatuloy sa paglalakad.

Bahala na kung saan ako pupunta basta ayoko munang umuwi. Naglakad lang ako ng naglakad kung saan ako dinadala ng mga paa ko.

Umupo na muna ako kung saan pwedeng umupo.

Yung babaeng yun ba ang lagi mong kasama sa paginom mo? yung babaeng yun ba ang kasama mo habang wala ako? Kung nagiinuman kayo so may nangyayari sainyo? E may nangyayari din satin? Kung paano mo ba ko hawakan ganun mo din sya hawakan?

Patuloy lang ang pagagos ng luha ko hanggang sa nandilim na ang paningin ko.

Nakahanap ako ng pwedeng makainan sa kabilang kalsada kaya dali dali akong tumawid dahil hindi pa ko kumakain.

*Beep*

Pagdilat ko, nakita ko ang mga taong nakapalibot sakin at tuluyan ng nandilim ang mga paningin ko.

--

"Are you okay?" Bungad sakin ng nurse pagdilat ko.

Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla ito ng kumirot "Ano po nangyari?" Tanong ko habang hawak parin ang ulo ko.

"May mga nakakita po sayo na nakahandusay sa daanan, kaya dinala ka po nila dito" Paliwanag ng nurse.

"Nila? Nasaan sila?" Tanong ko sa nurse.

Nginitian lang ako nito saka naglakad palabas ng kwarto. Nasa hospital pala ako, ano bang nangyari?

Ipinikit ko ang mga mata ko at inalala ang mga nangyari.

"Lourenz?"

"hoy! Kinakausap kita diba bat ayaw mong magsalita?"

"Hey Talk to me--"

Nang maalala ko lahat ng nangyari unti unting tumulo ang luha ko. Akala ko panaginip lang yun..

Agad akong dumilat at pinunasan ang luha ko. Gusto kong maghiganti pero naaawa ako sa sarili ko. Ano nga bang laban ko doon sa babaeng halos kita na kaluluwa?

My Maniac Boyfriend (MMB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon