Day 56: Hidden Feelings

41 5 1
                                    

" The more you hide your feelings, The more they show. The more you deny your feelings, they more they grow." ✨
-Relationships, @ohteenquotes

*****

9:50 pm

MylabsQ is typing...

MylabsQ: Huy! psst!
Good evening!
gawa mo?

MylabsQ: Ang sakit ng ulo ko hahaha. grabeeee!

9:52 pm

MylabsQ: Ay kyah, bakit parang di ka na yata active sa mga blogs mo? binabasa ko kaya yun. galing mong mag-advice eh.

MylabsQ: Hulaan mo suot ko ngayon?

Corny King is typing...

Corny King: Nakasuot ka ng T- shirt na Hello kittie 'no?
Ahahaha akala mo ah.

MylabsQ: Paano kung hindi?
anong gagawin mo?

Corny King: Eh di wala hahahaha

MylabsQ: Ah ganun? sapakin kita dyan. Ay alam mo ba yung mga kaklase ko dati takot sa akin yun.eh pfft lalo na si Marco. Laki-laki ng katawan napakaiyakin .

9:57 pm

Corny King: Sml? Hahahaha

MylabsQ: You want diz ?---> 💪

Corny King: Syempre hindi no. hahahaha ikaw naman di na mabiro.

MylabsQ: So yun nga, pirmi yung tumatakbo sa nanay niya. napakasumbungero.

Corny King : Sabi ko na eh tomboy ka talaga. hshahaha

MylabsQ: Bakit? ano bang masama doon? Self defense kasi tawag doon. And siya rin naman ang nagsimula eh.

Corny King: Maiba pala tayo, bakit nga pala kayo nag-break ng ex boyfriend mo? Ano raw ang dahilan, Sinabi niya ba kung bakit?

MylabsQ: Actually hindi eh. pero nakapagusap ako sa kanya yun nga lang ay through phone calls lang. Tapos yun, nung kausap ko na siya. May naririnig akong boses ng isang babae tapos sumagot siya ng 'Sige na ibababa ko na ah.' Alam mo yung ganung feeling. Minsan hindi ko siya maintindihan. Minsan naiisip ko may kulang pa ba sa akin? Nakakapanibago lang yung mga kinikilos niya. yung treatment niya towards sa 'kin.

Corny King: Grabe naman 'yun. Kutusan ko siya ng wamport eh. :< Qiqil niya si aq -_-

Corny King: Akala ko naduwag sayo eh. grabe ka daw kasi manapak eh.:D

MylabsQ: Yun na nga eh. Palagi kasi akong napapaaway dati nung kami pa. Pero kahit kailan di niya ako tinanong kung nasaktan ba ako? o may sugat ako? lahat ng inaasahan ko . biglang nawala. Oh di ba ang sakit. Tapos sinama niya pa yung bago niya. nakakabadtrip eh. Teka nga muna. Di ako makahinga.

Corny King: Uy ok ka lang ba?
Ano bang nangyayari?
I'm worried na.
Umiiyak ka ba? sorry kung sinabi ko kanina na malakas kang manapak. pasensya na talagaaaa huhuhuhu TT_TT Pinapatawa lang naman kasi kita. Mas bagay kasi sayo yung nakangiti ka palagi. Maganda ka naman talaga. Uy ngingiti na yan. yiiiieee.....

10:18 pm

Corny King: Hindi mo sinasagot tawag ko? Mahina ba ang signal dyan? uy reply ka naman oh... :<

Seen.

****
Dedicated To these awesome peeps : @jela

C AND E ( A WATTPAD ONLINE SERYE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon