Minsan ba, naranasan mo na ring kapag lilingon ka, may tumitingin sa iyo? Sa tuwing naglalakad ka, pakiramdam mo may taong sumusunod sayo? Kapag saan ka pumunta may nakasubaybay sayo?
Yung tipong nararamdaman mo ang bawat titig niya na para bang ikaw ay hinuhubaran na? Yung mga titig na parehong karayum at kutsilyo na dahan dahan kang tinutusok? Minsan nga, unti-unting tumatayo ang maliliit na balahibo sa buong katawan ko, dahil sa makapanindig balahibong titig niya.
Pero, hindi ko naman alam kung sino siya. Kung bakit niya ba ako sinusundan? Kung bakit ba siya nakatitig sa akin, 'palagi?'
Gusto ko siyang makita, makausap at makilala, pero sa tuwing may pagkakataong 'sana' tsaka naman siya nawawala, tsaka naman siya maglalaho, tsaka naman siya aalis.
***
Paalala!
Ang kwentong inyong mababasa ay tanging imahinasyon lamang at hindi nagpapakita ng totoong tao (karakter), pangalan, lugar, organisasyon, at insidente. Ito ay tanging gunità (guni-guni) ng may akda.
Ang alin mang pagkakahalintulad sa isang tao (buhay man o patay) at insidente ay nagkataon lamang.
Babala!
Maaari pong makasalubong ninyo ang mga maling pagbaybay at balarila.
Not Edited!
"PLAGIARISM is a CRIME!"
Pahayag ni Awtor:
Para sa mga Nagagandahang Binibini at Nagagwapuhang Ginoo,
Sa lahat ng gustong bumasa ay malaya kayong makakabasa ng aking istorya. Ikinagagalak kong nawa sana'y inyong ikaligaya ang pagbabasa ng istoryang ito.
Maraming Salamat po (Gracias).
=Ate Tala=
BINABASA MO ANG
Sullen Wind Series: Badly Close to you
ChickLitMinsan ba, naranasan mo na ring kapag lilingon ka, may tumitingin sa iyo? Sa tuwing naglalakad ka, pakiramdam mo may taong sumusunod sayo? Kapag saan ka pumunta may nakasubaybay sayo? Yung tipong nararamdaman mo ang bawat titig niya na para bang ika...