Chapter 2: Getting to Know MaryDale aka "Ms. Sungit"

386 22 2
                                    

Kwento sa Pinas

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kwento sa Pinas

Scene 1: The Drama-Rama Entrata

(Marydale, naglalakad sa kalsada hawak hawak ang 5-inches heels at laylayan ng gown)

***Napadaan sa Tindahan ni Aling Nena, para bumili ng suka***

Aling Nena: Uyy Ineng, posturang postura ka ahh, ikaw na talaga ang pinaka-magandang kontesera dito sa Barrio Bigyang-Buhay (sabay abot ng suka)

MaryDale: Ahehe, Aling Nena talaga! Alam nyo na, kailangan po eh, sayang ang pa-scholarship

ni Mayor B para makapag-kolehiyo ng kahit na anong kurso. Halos 2 years na rin ako nag-stop. (serious face)

Aling Nena: Aba! tama yan iha, laban lang!, huwag kang gumaya kay Lorna na akala mo eh kaka-debut lang kung umasta (pang-aalaska habang ngingisi-ngisi)

MaryDale: Aling Nena ahh, Nanay ko yun ahh! Grabe, naman ho kayo! (gulat na nagtataka sa nasabi ng tindera)

Aling Nena: Eh basta iha, magsumikap ka! (pang-korean fighting!)

(Naglakad na papuntang bahay si MaryDale ng makita na nakabukas ang mala-disco ball sa bahay nila)

MaryDale: (iiling-iling at nagsisimulang kumunot ang noo na tila ba isang malaking delubyo ang senyales na ipinapakita ng iba't ibang ilaw na kumukutikutitap sa harap nya)

MaryDale: (binuksan ang pinto at nanlaki ang mata sa nakita) Ay demonyo! (malakas na bigkas nito)

Mother L: (bumitaw sa pagkaka-akbay mula sa isang pamilyar na mukha ng lalaki sa tabi niya) Ang maganda kong anak, halika at mag-mano ka sa tatay mo

MaryDale: (pinilit itago ang mukha na galit na galit, habang inilalagay sa box ang mataas na heels na bitbit nya) pssssssshhhh!

Tatay: Bakit ba ngayon na nga lang tayo nagkita eh, busangot na mukha ang ipapakita mo sa tatay mo? May dala akong groceries at lechon manok.

Nabanggit sa akin ng nanay mo na sumali ka daw sa pa-beauty contest ni Mayor B? Nananalo ba naman ang tulad mong payatot sa ganoong contest?

(tatawa-tawang pananalita ng tatay nya)

Mother L: Naku anak! huwag mong pinagpapapansin itong tatay mo (tono na ipinagtatanggol ang asawa-biglang iniba ang topic) Kumusta anak? Panalo ba tayo?

MaryDale: Oho! (naiinis na sagot at bumulong) Kanina alam ko panalo ako, pero nung nakita ko yang asawa nyo, mukhang Talo!

Tatay: anong sabi mo? (mabilis na tanong ng ama, na tila narinig ang sinabi ng anak)

MaryDale: ay wala ho, pasok na ko Nay, ang sakit na ng mga paa ko eh (tumalikod patungong kwarto)

(tumakbo si Mother L para yakapin si MaryDale, alam niya ang nararamdaman ng anak)

Is it Never Too Late To Love?Where stories live. Discover now