Scene 1: Morning Dose of Kilig!
5AM- lumabas si Yaya Nig ng kwarto sinundan ang mga nagkalat na damit at sapatos sa sahig papunta sa kwarto ng kanyang "Hilaw na Anak".
Dahan -dahan ang hakbang nito at puno ng pag-aalala kung napano na ang kanyang alaga na ibinilin sa kanya ng kanyang mga amo. Talaga namang kahindik-hindik ang mga susunod na pangyayari ng may makita siyang isang lalaki na nakabalot ng kumot at naghahalwat ng damit sa loob ng cabinet ni Edward. Humablot siya ng matigas na bagay at talagang handang-handa na sa pag-hampas sa taong naaaninagan ng kanyang mata.
Yaya Nig: (sabay bukas ng ilaw) Hoyyyyyyy! ssssiiiiiinooo.... (sigaw nito)
Edward: (no reaction) Yaya , anong problema mo? (habang naghahanap ng damit na susuotin nito)
Yaya Nig: (nagtataka) Loko ka talagang bata ka, Ikaw ang kikitil ng buhay ko, kahit kailan ka? (sabay gulo sa buhok ni Edward)
Ano bang ginagawa mo, at hanggang sa labas ng kwarto nagkalat lahat ng damit at sapatos mo. Daig pa natin ang nanakawan kung makapag-halwat ka jan!
Edward: (serious face) I can't find a good shirt and pants and shoes that would match! I'm going crazy! I can't believe that this is just all the clothes I brought from home.
Yaya Nig: Serrrr! At bakit mo naman kailangan ng "geed shert, geeed pents and geed shezzz" eh sa eskwelehan ka lang naman pupunta
Edward: Of course, I have to look good. It's my first da.... daym to go outttttttt (palusot nito)
Yaya Nig: anong daym? (ngongo ka) First Time! (pag-correct nito)
Edward: yeah yeah, please don't disturb me Ya-Mmy, Just please prepare the snack for me and my beautiful cousin (lambing ng boses nito)
Yaya Nig: naku Edward, maganda talaga yun si Ganda, kaya huwag mong papabayaan yun sa school ahh. Alam mo bang bata pa lang eh ako na ang kasa-kasama nyan sa mga Contest. Aba talaga naman..
*** Flashback ni Yaya Nig***
Marydale (9years Old): Ta Nig, ayaw ko na po sumali dun. Wala rin naman pong manonood. (habang nagkakanda haba ang nguso sa sulok)
Ante Nig: Ano ka ba naman Ina-angkin? Eh andito naman ang Ante at ang nanay mo susunod daw kumuha lang ng labada sa kabilang Barrio
Marydale: Paano kapag walang bumoto sa akin? Balita ko may makakalaban daw akong anak ni Kapitana. Maraming pera yun!
Ante Nig: Marami nga silang pera, mukha naman susong bukid yung anak niya. Ganda at talent ang laban natin dito. Eh sa ganda mo pa lang baka landslide na tayo
Marydale: Sige na nga po! (pilit na pag-oo nito)
Announcer: And our "Little Miss Barrio Bagong-Buhay" is Marydale Entrata
(napatayo at napatakbo sa stage si Ante Nig, at talaga namang proud na proud sa pamangkin)
(Si Batang Marydale naman palingon-lingon hanap at abot ang tingin hanggang sa abot ng tanaw upang hanapin kung naroon ba sa basketball court ang Nanay, pero Wala)
Ante Nig; Ohhh bakit ka umiiyak Ina-angkin ko? Tears of Joy ba yan!
(sa puso ni Nigra alam niya ang bigat ng nararamdaman ng pamangkin, nakita niya simula pagkabata, alam niya at ramdam niya ang takot ni Marydale mag-isa, ang maiwan mag-isa.... kaya naman di na rin niya mapigilan pumatak ang luha habang yakap ang pamangkin)
Ante Nig: May pambili na tayo ng gamit mo sa school (sabay appear kay Marydale) at sabay sigaw ng malakas "ang Ganda ganda talaga ng Ina-Angkin ko"
YOU ARE READING
Is it Never Too Late To Love?
FanfictionEdward- a Prince Med student, who came from an Elite family and left his hometown in search for True Love MaryDale - a simple girl, who does not believe in Love at all after her father left them. How will these 2 hearts meet, when they are going on...