Let Her Go

544 25 4
                                        

[AN: short update lang, matagal na rin tong nasa drafts ko.. still working sa 10signs next update!]

~

Only know you love her when you let her go

''Pupunta ka naman sa kasal ko diba?'' tanong ni Karylle na bakas ang pagiging hopeful sa tono ng pananalita. Umiwas ng tingin si Vice na halatang ayaw sumagot sa tanong. ''Gusto ko kasi sana pag umalis ka wala na tayong issue..'' sabi ni Karylle at nag-smile sadly. ''Namimiss ko na kasi yung bestfriend ko eh.'' 

''Wala ka namang kinalaman dito K..'' sabi ni Vice matapos matahimik ng ilang minuto. ''Wala na sakin yung issue natin ni Yael, choice ko lang kasi talaga 'to.'' Vice said while looking down at the floor but continued anyways, ''Marami lang talagang gumugulo sa isipan ko ngayon.''

''Kaya ba hindi mo ko pinapansin? Pwede mo naman sabihin sakin yang mga gumugulo sa isipan mo eh.. bestfriends tayo diba?'' sabi ni Karylle at slight na nag-crack ang boses. Vice saw glint of tears at the edge of her eyes kaya nasaktan siya seeing her like this. Umiling si Vice habang pinipigilan rin maging emotional, ''Hindi mo kasi maiintindihan Karylle.''

''Then tell me!!'' malakas na sabi ni Karylle at hindi na napigilan umiyak, nagulat naman si Vice at gustong sapakin ang sarili sa pagiging insensitive. ''You ignored me for almost two months, Vice!'' sabi ni Karylle habang umiiyak. Vice took a step forward para yakapin si K but Karylle shook his arms away. ''Gumigising ako sa umaga ng hindi ko alam kung magkakaayos pa ba tayo.. one reason would not hurt, Vice!"

''Mahal kasi kita eh..'' bulong ni Vice at napayuko nalang bigla. He hates her seeing like this. Napatigil si Karylle at tinignan siya ng matagal. ''What?'' Hindi sumagot si Vice at nanatiling nakayuko lamang. . ''W-what did you say?'' 

''Mahal kita Karylle.'' mahinang sabi ni Vice but enough na para maintindihan ni Karylle ang sinasabi niya. ''Bakit.. bakit ako pa Vice?'' tanong ni Karylle at lalong naiyak, naalala niya ang mga oras na magkasama sila ni Vice pati ang pagiging sobrang sweet nito, little did she know it was already love.

Tinaas ni Vice ang ulo niya and wiped his tears away. ''Hindi ko alam eh, ang tanga rin kasi ng puso ko. Maiinlove na nga lang, sa taong hindi pa ako kayang mahalin pabalik.. yung sa ikakasal pa. Haha!'' sabay pilit na tawa ni Vice.

''Bestfriend tayo Vice.. akala ko kasi-'' Vice waved his hands dismissively in a way na parang sinasabing okay lang, ''Hindi mo kailangan mag paliwanag Karylle.. naiintindihan ko naman eh, tsaka ikakasal ka na noh makikigulo pa ba ako, pero atleast nasabi ko na rin yung matagal ko ng hindi masabi-sabi. Kahit papaano nabunutan na rin ako ng tinik sa dibdib.'' sabi ni Vice at nagsmile sadly.

Nalungkot naman si Karylle at lalong nasaktan ng makita ang sincerity sa mata ni Vice, wala na siyang nasabi at yinakap nalang si Vice ng mahigpit which Vice reluctantly returned. They stayed like that for a minute before Vice pulled out at pinunasan ang luhang namuo sa gilid ng mata ni Karylle.

''Sorry kung nilayuan kita, akala ko kasi makakalimutan ko tong nararamdaman ko e. Hindi pala epektib.'' sabi ni Vice at nag-chuckle lightly but he can feel his tears streaming down his face. ''Sorry kung paasa ako, sorry talaga.. I missed you Vice.'' bulong ni Karylle habang nakabury parin ang ulo sa sa shoulder at leeg ni Vice.

''Pag sinaktan ka ni Yael, wag kang magalala, sasaluhin kita. Chos.'' biro ni Vice kaya naman natawa si Karylle at pinalo siya sa shoulder lightly. ''Tara na nga!! Pumasok na nga tayo sa loob.'' sabi ni Karylle habang hinihila si Vice pabalik sa lounge. Vice secretly looked at her and realized all the lies he has been saying from the very first; he can't let go of her, or never did he try. 

~

''I prounounce you as husband and wife.'' tumingin naman ang pari kay Yael na naluluha sa pangyayari, ''You may now kiss your bride.'' Yael removed Karylle's veil and stared at her before leaning in for a kiss. Nagpalakpakan naman ang lahat ng tao sa simbahan. 

Watching from afar, palihim naman na pinunasan ni Vice ang kaniyang luha habang nakikipalakpak sa ibang tao habang pinapanuod si Yael at Karylle. Napansin niyang hinahanap siya ni Karylle kaya he tipped his toe para makita siya ni K. Karylle waved at him and mouthed, ''Thank you for attending.'' before walking through the aisle with Yael papalabas ng simbahan. 

''I'm letting you go, kahit masakit, kahit mahal na mahal kita, handa na akong palayain ka.'' bulong ni Vice sa sarili habang pinapanuod si Karylle na masayang masaya na kapiling si Yael.

 And you let her go

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

vicerylle // oneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon