Two years ago.......
"Dad." Naiiyak kong sabi. Kakauwe ko lang galing school. As usual, nabully na naman ako. Madalas talaga ako mabully. Dahil narin sa itsura ko. Kahit pa sabihin na anak ako ng isang kilalang tao sa lugar namin, di parin makakaligtas ang itsura ko sa mata ng mga tao.
"What happened to you, Trisha?!" Gulat na bungad ni daddy sakin. Kakapasok ko lang sa office niya habang siya ay busy sa ginagawang trabaho ng makita niya ako.
"Dad lipat na ako ng school, please."
"Anak hindi pwede. Nakailang lipat ka na this school year." Napabuntong hininga nalang si dad. Alam na niya kung bakit gusto ko lumipat.
Bakit nga ba ako nabubully? Dahil ba mataba ako? Dahil wala na akong mommy? Ang hirap ng ganito. Yung wala ka namang ginagawang masama pero pinapamukha sayo ng mga tao na parang hindi ka mabuting tao. Para kang may nakakahawang sakit na bawal hawakan. Dahil lang sa itsura? Ganun ba yun? Porket hindi ka "in" at wala ka sa uso ganun ba? Porket hindi ako pasado sa standards ng itsura na gusto nila gagantuhin nila ako? Alam ko naman na kahit saang lugar may bully. Pero wala bang school na lahat ng rejected sa society dun nag aaral? Kasi hindi ako mag aatubiling mag enroll dun kahit anong course pa meron sa school na yun!
"Dad mag home study nalang po ako." Mabilis kong tugon.
"Hindi anak. Ilang taon nalang ang kailangan mo gagraduate ka na. Ngayon ka pa ba susuko?"
"Ayoko na ng ganito daddy..." hikbi ko. Ayoko na ng hinuhusgahan ng mga tao.
"Gagawan natin yan ng paraan Trisha. Please hush now, okay? Hindi ako makakapag trabaho ng maayos pag ganyang ang itsura ng unica ijah ko." Malabing na pagcomfort sakin ni dad. Kahit patay na si mom ni minsan hindi ko naramdaman na nagkulang ako sa pagmamahal ng magulang. Kasi yung mga taon na wala si mommy, dinodoble ni daddy ang oras niya sakin. Yung mga dating ginagawa ni mommy siya ang gumagawa.
-*-*-
Dumating ang weekend at medyo nakaluwag luwag ako sa pag hinga. Sawakas walang bully! Andito ako sa garden nagpapahangin at dinadama ang pagtama ng araw sa mukha ko. Hindi mainit dahil umaga palang naman.
"Ish anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Nagbago na isip ko. Wala ngang bully, pero may epal.
"Wala masaya lang ako kaso bigla ka dumating" nakaupo kong sabi
"Ouch! Grabe naman" kunwaring nasaktan ang feelings ni Jek kala mo totoo. Best actor!
"Ano ginagawa mo dito? Aga-aga andito ka na." Kunyari naiinis kong sabi.
Naglakad siya papunta sakin tas ginulo yung buhok ko. "May ibibigay lang ako kay tito. Tapos na kasi yung pinapagawa niya sakin." Tss epal talaga!
"Ano ba yan!" Singhal kong sabi sa harap niya.
"Ang baho ng hininga mo!" Aba't! Lakas talaga manira ng araw ng mokong! Binugahan ko pa sa mukha niya at agad na nagtatakbo papasok sa bahay para makalayo sakin. Arte talaga!
"Mas mabaho utot mo! Amoy bulok na itlog!" Natatawa kong sigaw sakanya. Hahahaha. Mas asar na naman siya sakin. Ang sama makatitig e. Lilingon lingon pa ang loko.
Oo nga pala, lagi palang may pinapagawa si dad sakanya. Parang anak narin kasi ang turing niya kay Jek. Since ako lang naman ang anak ni dad. Alam ko naman na gusto niya din sana magkaroon ng anak na lalaki kaso maagang nawala si mom. Sayang edi sana may baby brother na ako.
Anak si Jek ng kumpare ni dad sa Zamboanga. Kaso dito na siya lumaki sa maynila noong namatay ang pamilya niya nung mag highschool kami. Mas matanda siya sakin ng 2yrs. Kaya parang kuya ko narin si Jek. Kaso utak itik nga lang ang isang yun. Di naman nasabi sakin ni dad kung anong nangyari sa magulang ni Jek. Ayoko rin magtanong sakanya kasi baka di pa siya ready sa topic na yun. Baka sariwa pa sa ala-ala niya. Syempre masakit kaya mawalan. Akin nga nanay lang e. Paano pa kaya siya na buong pamilya.
Di ko alam bat hindi nalang dito tumira samin si Jek samin. Siguro gusto niya ng privacy sa buhay niya. Pero nagtatrabaho siya kay dad kaya nakaipon siya at nagkaron ng sariling bahay. Hindi naman ganun kalakihan sakto lang para sakanya. Siguro gusto niya maging independent. Yung walang aasahan. Kasi wala narin naman siyang ibang aasahan kundi si dad lang. Nahihiya siguro siya kay dad na mamalagi dito sa bahay at magbuhay prinsipe. Ang alam ko kasi hindi naman galing sa mayamang pamilya si Jek.
Maya-maya lumapit sakin si dad kasama si Jek. "Nasabi mo na ba kay Trisha?" Narinig kong sabi ni dad.
"Di pa po tito kayo nalang po magsabi baka sakin magalit yun" papalapit na sila sakin.
"Dad ano po yun?"
"Anak pinahanapan kita ng magiging bodyguard mo sa school mo. Para hindi ka na api-apihin at para narin sa nalalapit na eleksyon. Luckily Karlito here found a perfect bodyguard for you. Hinding hindi ka na ulit uuwe ng umiiyak." What?!
Parang ayaw mag sink-in sa utak ko nung sinabi ni dad. Bodyguard? "Ano po dad? Anong meron sa eleksyon?"
Huminga muna ng malalim si dad bago nagsalita. "Im going to run as a senator this coming election, Trisha. So please don't do anything stupid at wag mong hindian ang bodyguard na sinasabi ko. It's for your own safety."
"But dad!" Pangongontra ko sa bigla-biglang desisyon ni dad. Ano bang meron sa politics at gusto tumakbo ni dad? Sakit lang yan sa ulo!
"No buts young lady. My decision is already final." At tinalikuran na ako ni dad. Eto namang si Jek ngingisi-ngisi pa! Naman talaga!
"Ok lang yan Ish atleast safe ka palagi." Parang kuya talaga magsalita. Eh ano pa nga ba magagawa ko? Siguro di naman masama magkaron ng bodyguard. May pasok narin bukas at parang mas okay nga yun para wala ng manggulo sakin sa school.
"Sana nga." Ito nalang ang tugon ko kay Jek at pumasok na kaming dalawa sa bahay.
BINABASA MO ANG
No Need For Comeback, Love
RomanceEverything falls apart when Trisha Marie lost her loveone. But time heals and she found someone. But what if the loveone comes back? Will she take him back and be with her loveone? Or continue her life whit her someone....