Naniniwala ako sa pag-ibig dahil hindi 'to nakikita ng mga mata,
Kundi nadadama 'to ng pusong tanggap kung sino ka.
Palagi kang nasa isip ko kahit saan man ako mapunta,
Ikaw lang ang tanging gusto kong makasama.
Sa panalagin ko'y kasiyahan at kaligtasan mo lang ang gusto ko sinta,
Sana'y naiisip mo rin ako dahil ikaw lang ang mahal ko at wala ng iba.
Ipinanganak akong bulag... totoo... kung ano man ang nakikita mo tangging imahinasyon lang sa akin.
Isang babaeng mahilig sa musika... kumanta... at magtugtog ng piano.
Lumaki ako sa isang ampunan... totoo rin yun...
huwag kayong maawa sa kalagayan ko...
alam ko namang may dahilan ang lahat ng 'to....
Kahit iniwan man ako ng aking ina....
alam kong may dahilan sya...
at kung ano man yun ay nauunawaan ko...
Sabihin mo man na ako'y kaawa-awa'y nag-iba ang lahat noong nakilala ko si Winston...
Palagi syang nasa isip ko kahit malayo sya sa aking piling.
BINABASA MO ANG
Althea's Love Story: Dreaming of You
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa pagmamahal na hindi nakikita yung kapintasan sa halip ay pag-unawa at pagtanggap ang ibinibigay. Pagmamahal na iisa lang ang sinisigaw ng puso kahit malayo pa sa isa't isa. Awit ng puso na tanging mahal mo ang nakakari...