Dreaming of you

153 26 43
                                    

Hindi ko maitanggi na mahilig akong kumanta lalo na kung sinasabayan pa yung pagtutog ng piano ko...

Malaki yung tulong ng braille dahil nakakabasa ako ng mga nota at sa tulong narin ng mga kasamahan ko dito sa ampunan.

Habang ako'y umuupo napansin ko yung malalakas na patak ng ulan at malamig na simoy ng hangin... hindi ako nagkakamali umuulan talaga...

Isa sa mga kanta na gusto ko ay yung Dreaming of you ni Selena...

"Late at night when all the world is sleeping

I stay up and think of you

And I wish on a star that somewhere you are

Thinking of me too" damang-dama ko yung bawat salita ng kanta hanggang sa...

"Cause I'm dreaming of you tonight

Till tomorrow I'll be holding you tight

And there's nowhere in the world I'd rather be

Than here in my room dreaming about you and me" tinig ng isang lalaki? sinabayan nya ako?

Napatigil ako sa pagkanta at pagtugtog ng piano para tanungin yung lalaking nakisabay sa pag-awit ko. "mahilig karing kumanta?"

"medyo... Maganda kasi yung mensahe ng kanta..." sagot nya.

 Hindi ko man nakikita yung lalaking 'to nadadama ko naman na mabuti syang tao.

"totoo yung sinasabi mo..." bahagya akong ngumiti dahil sa sagot nya.

May naalala kong  mahala ga sa akin na kung tatanungin ko'y yun din ang isasagot nya.

"may nakakatawa ba sa sinabi ko?" ramdam ko yung pagbulong nya sa kaliwang tenga ko habang tinatanong nya yun.

"huh? Huwag mo na yung pansinin..." bigla kong iniba yung pinag-uusapan namin at kinapa ko yung tungkod ko.

"heto..." agad nyang binigay yung tungkod ko pero ang ikinabibigla ko ay yung paghawak nya sa kamay ko na ang tagal...

"Sir... yung kamay ko..." sabi ko sa kanya na agad nya namang binitawan... Hindi ko alam kung kung ano ang reaksyon ng mukha nya dahil nga sa bulag ako.

"maari ko bang malaman ang pangalan mo Ms.?" nabigla ako sa tanong nya at nag-disesyong umalis.

Hindi ko alam kung mapagkatiwalaan sya kaya umiwas na ako.

"kailangan ko nang umalis... Paalam na..." tumayo na ako at nang akma akong umalis bigla akong nadapa.

"mabuti na lang na nandito ako." yung hininga nya na nararamdaman ng mukha ko... Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang lakas nang kabog ng dibdib ko...

 Yung halong pakiramdam... Inis at kilig...

"ma..ari mo na ak..ong bitaw..an..." pautal-utal na sabi ko... Habang yakap ako ng mga bisig nya.

"aah... Sige..." Tinulungan nya akong tumayo. Hindi nya na hinawakan ang kamay ko sa halip ang kanang pisngi ko ang unti-unting nakaramdam ng paglapat ng malambot nyang kamay.

Hindi na ako nakaimik hanggang makapagsalita sya hawak parin ang pisngi ko. "Althea nag-balik na ako mula sa America at isa na akong Doctor... matutulungan na kitang masilayan ang mundong nakikita ko ngayon... Sana hindi mo nakalimutan ang pangalang Winston Reyes..." si Wi..ns.t..on? walong taon na kaming hindi nagkikita noong may umampon sa kanya ng 17 pa lang kami...

Yung ulan ay naririnig ko parin pero yung puso ko'y umiiyak sa saya dahil dumating na sya...

Hindi ko na napigilang umiyak sa harap ni Winston...

"Althea... huwag ka nang umiyak!! shhh..." sabi nya habang pinupunas nya ang mga luha ko.

"Winston..." yinakap ko na lang sya ng mahigpit.

"ako mismo ang gagamot sa mga mata mo at aawitan kita... sa araw na makikita mo na ako...

Wonder if you ever see me

And I wonder if you know I'm there

If you looked in my eyes

Would you see what's inside

Would you even care?" ang sarap pakinggan yung tinig nya at yung lamig dulot ng malakas na ulan ay napalitan na ng init nang pagkakayakap nya.

"I just wanna hold you close

But so far all I have are dreams of you

So I wait for the day..." napatigil ako sa pagkanta at hinawakan ko ang mukha nya... "Kay tagal kitang hinintay... salamat at nag-balik ka sa piling ko." patuloy ang pag-iyak ng puso ko kasabay ng aking mga luha dahil sa tuwa at galak.

"And the courage to say how much I love you

Yes I do!.... Palagi kang nasa isip at puso ko.... mahal na mahal kita Althea...." awit nya habang naglalapat ang mga ilong namin sa isa't isa.

"Winston... mahal na mahal rin kita.... palagi kong dinadasal sa Panginoon na maayos at masaya ka" hindi ko mapigilan ang tuwa... na magkatulad yung pakiramdam namin sa isa't isa.

"matagal ko ring hinintay ang pag-kakataong ito..." bigla syang lumuhod at... "Althea will you marry me?..."

Hindi na ako nag-dalawang isip na sumagot ng "Yes... Winston... Yes..." isinuot nya ang singsing sa daliri ko at muli akong niyakap.

Noong bata pa kami tanging si Winston ang naging malapit sa puso ko.

Minahal nya ako kahit ako'y isang bulag.

Ngayon ay nagbalik sya para gamutin at mahalin ako habang buhay...

Kasabay ng awit ng aming damdamin ay yung pagtila ng ulan...

Althea's Love Story: Dreaming of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon