Chapter 6

5 0 0
                                    

Scarlet POV

"oy bestie dalian mo naman uwian na oh" sabi ni kris habang sumisilip siya sa labas.

"teka lang naman kris excited?pag uwian at break time talaga ang bilis mo"

"huh hindi nuh" sabay irap niya.

"sus tara na nga gutom na din ako e tsaka baka andyan na si tatay at baka nag aantay na si max sa labas"

"osigee tara na"

"nakakainis naman ang daming assignment tinatamad kaya akong gumawa e"

"naku naman kris katamaran mo talaga mahilig ka namang magbasa pero pag madaming assignment tinatamad kana"

"anu ka ba scar mahilig lang akong magbasa ng mga nakakakilig na babasahin nuh pero di ko hilig ang mag aral"

"naku paano ka magugustuhan ng lalaking gusto mo kung tamad ka?"

"waaaa grabe ka scarlet!nakakainis ka!alam mo bang may girlfriend na siya!"

"hays bestie tahan na madami namang iba dyan e" sabay yakap ko sa kanya.

"oo na!"

"dalian na naten tayo nalang oh" kaya naman napatingin siya sa Paligid

"oo nga nuh pati sa kabilang building wala na ding tao.Tara na nga" sabay takbo niya papuntang hagdan.

Bago pa man ako Makalapit kay kris ay may narinig akong nagsisigawan.kaya naman tinignan ko sila at nakita ko namang may hinabol nanaman yung grupo nila scarlet.Kaagad namang nanlaki yung mata ko ng makita ko kung sinong hinahabol nila.

"mico?!audrey?!" kaagad naman akong napatakbo papunta kay kris.

"bestie hawakan mo to saglit may susundan lang ako!"

"huh?scarlet naman ang bigat ng mga libro e!"

"saglit lang"

Sabay takbo ko at hinabol ko sila mico at audrey.pagkadating ko sa dulo ng school ay nakita kong pabalik na sila violet kaya naman nagtago ako sa gilid.

"ts ang bobo niyo kase!edi dapat nabugbog na naten yung dalawa yun!" sabi ni violet habang ang sama ng tingin niya dun sa mga lalaking kasamahan niya.Habang nasa likod niya naman si vincent.

"tama na nga yan violet tigilan mo na sila"

"tigilan?!alam mo namang kaaway naten ang gang nila!"

"Tama na!umuwi na tayo!" sabay lakad niya kaya naman sumunod na sila violet sa kanya.

Di maaari.Ibig sabihin may gang sila mico at audrey!hindi pwede to  kailangan ko silang makausap mamaya.

Pagkalabas namin ay naabutan ko sila maxine at tatay sa labas na nag aantay.napansin ko naman na medyo pinagpapawisan si maxine kaya kaagad ko naman siyang tinanong.

"Anung problema mo?maxine?bakit pawis na pawis ka?"

"Huh! Ah wala ate may tinaguan lang kase ako e"

"Sige tara na at umuwi na tayo"

Pagkadating namin ay naabutan namin si nanay na naghahanda ng tanghalian namin at tinutulungan naman siya ng mga katulong namin.

Pagkatapos kong kumain ay kaagad akong umakyat sa taas at nagpalit na ng damit. Matutulog nalang din muna siguro ako at mamaya ko nalang gawin ang dapat gawin isa pa inaantok talaga ako.

At mamaya ko nalang din kakausapin sila mico at audrey tungkol sa nakita at narinig ko kanina sana talaga di totoo yung hinala ko.bahala na.

Maxine POV

Andito ako ngayon sa kwarto ko habang binabasa ko yung lecture namin kanina sa math na di ko maintindihan.bwesit naman kase yung lalaki na yun laging nanggugulo.at nakakainis din tong bestfriend ko di man lang nagsabi na mag a-absent pala siya kanina.

Habang binabasa ko yung lecture ko  ay bigla ko nalang naalala yung nakita ko kanina.sila kuya at ate hinahabol nung sikat na babae sa school violet atah pangalan nun.kaya kaagad ko silang hinabol kaso bigla kong nakita si ate scarlet na palabas ng room nila kaya di na ako tumuloy pa.at alam kong nakita din ni ate yun.

Alam ko namang may gang sila kuya mico at ate audrey. isang araw umalis sila ng palihim sunday nun.kaya pahinga nila nanay at tatay yun kaya mabilis silang nakatakas. At sakto din nun tulog si ate scarlet kaya sinundan ko na din sila. Nakita ko silang pumasok sa lumang bahay malapit sa park.kahit medyo natatakot ako ay sinundan ko pa din sila.

Kaagad naman akong nagtago sa likod ng mga drum buti nalang at di nila napansin yung anino ko.pagkatingin ko kila ate ay bigla nalang akong napatakip sa bibig ko dahil nakita ko sila na nagyoyosi.aalis na sana ako ng biglang magsalita si ate Audrey

"Anu ng plano naten?magpapatalo ba tayo sa gang na yun? May isa na saten ang nabugbog nila!di ako papayag na may isa pa"

"Chill kalang lil sis mag iisip tayo ng plano okay?relax kalang"

Kaagad namang akong napatakbo palabas ng bahay na yun. narinig ko pang may natumba na drum kung saan ako galing kaya mas binilisan ko pa yung pagtakbo ko.pagkatapos ng 10 minutes na pagtakbo ko ay nakarating na din akong bahay at dumeretso akong kusina.kaso wrong move andun pala si ate scarlet at kumakain siya.kaagad naman siyang napatingin saken.

"Oh maxine bat pagod na pagod ka at pawis na pawis?"

"Ate may kailangan kang malaman!"

"Anung kailangan malaman ng ate mo?"

Nagulat nalang ako ng may biglang nagsalita mula sa likod ko si tatay na kakababa lang galing sa taas.

"Tatay andyan ka pala" sabay yakap ko sa kanya.

" bat sobrang pawis na pawis ka anak?nag jogging kaba?sa gitna ng sobrang init?"

"Parang ganun na nga tatay" sabay tawa ko pero sa totoo lang kinakabahan ako.

"Oh sige na umakyat kana at magbihis sumabay kana samin ng ate mo kumain"

"Opo tatay"

Hanggang ngayon di ko pa din alam kung kaylan ko sasabihin kay ate at di ko alam kung paano hays.

My Life Full Of Gangsters(slow update)Where stories live. Discover now