Ang bigat parin ng pakiramdam ko at ang mga luha ay patuloy pa ring tumutulo. I tried my best to calm myself pero hindi ko talaga kaya. Ang hirap. Sobrang sakit.
Ilang buwan na ang nakalipas pero sa tuwing naaalala ko yung mga panahong umalis siya, parang kahapon lang nangyari ang lahat.
Totoo nga siguro na mahirap lumaban. Other people may think na ito na yung pinakamahirap na gawin kaya nga yung iba mas pinipili na lang na sumuko. Iniisip kasi nila na baka hindi para sa kanila yung taong pilit nilang ipinaglalaban. Na baka may mas deserving pa para sa kanila. I can't blame them kasi mahirap naman talagang lumaban kapag wala kang kasiguraduhan, lalo na sa isang relasyon. Sobrang pagta-take risk kasi yung gagawin mo. Hindi mo kasi alam kung magagawa mo pa ba siyang ibalik sa buhay mo o hindi na.
After what happened that day, I chose to fight. Mas pinili kong magstay kasi naniniwala ako na meron pang pagasa yung relasyon namin. Na baka pwede pa naming maayos. Sabi nga nila diba? Kapag napagod ka, magpahinga ka lang pero huwag kang susuko kaagad. Sabi ko sa sarili ko babawiin ko siya kasi hindi ko talaga kaya kapag nawala siya sa akin ng tuluyan.
Nagsesend parin ako sakanya ng message. I always greet him 'good morning' pagkagising ko sa umaga, at nagsesend naman ako ng 'good night' message bago matulog. Lagi ko rin siyang sinasabihan na kumain palagi sa tamang oras. Yung mga bagay na ginagawa ko sa kanya noon, ginagawa ko parin hanggang ngayon. Masakit nga lang kasi hindi niya nasusuklian yung mga bagay na ginagawa ko para sakanya. Pero ayos lang yun para sakin. Ganun talaga siguro kapag mahal mo yung isang tao. Handa kang masaktan ng paulit ulit para lang maiparamdam sa kanya kung gaano mo siya kamahal. Tanga ko diba?
Pero kahit ganun masaya parin ako. Sobrang thankful parin ako kasi kahit papaano nage-effort parin siyang magreply. Kahit na maiikli lang yung reply niya tulad ng 'okay', masaya na ako. Minsan nga siniseen niya na lang yung mga messages ko eh. Madalas inboxed. Pero wala akong pakealam. Ang mahalaga nararamdaman niya kung gaano ko siya kamahal.
Looking back, ang dami ko na palang nagawa. Pero bakit parang hindi padin sapat? Wala na ba siyang nararamdaman? Sumuko na ba siya ng tuluyan?
Ilang buwan na rin akong lumalaban. God knows how much I love him and God knows how much I really want to keep him. Yes, I sound stupid. Pero wala eh. Kahit na nauubos na ako, mas pinipili ko parin na lumaban. Kahit na paulit ulit na akong nasasaktan, ipaglalaban ko parin.
"Hanggang kailan ka magiging tanga? Hanggang kailan ka aasa na babalik pa siya sayo?"
Napangiti na lang ako ng malungkot nang maalala ko yung tanong ng kaibigan ko sa akin noon. Hanggang kailan nga ba? Hanggang kailan ako maghihintay at aasa na babalik pa siya? Hanggang kailan ko papaasahin yung sarili ko na baka mahal niya pa ako?
"Hindi ko rin alam kung kailan ako titigil. Siguro kapag alam ko na sa sarili ko na ginawa ko na ang lahat. Siguro kapag naramdaman ko na wala na talagang pagasa na maayos to. Siguro kapag nasabi ko na sa sarili ko na 'tama na'. Siguro kapag napagod na rin ako."
Naramdaman ko na naman na tumulo ang luha ko. Parang tinutusok yung puso ko ng paulit ulit habang inaalala yung mga salitang sinabi ko sa kaibigan ko noon. Sobrang sakit. Gusto kong mawala yung sakit at bigat na nararamdaman ko ngayon. Pero alam ko na wala akong magagawa dahil yung makakapagpaalis lang ng sakit na nararamdaman ko ngayon, ay yung taong naging dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.
"I love you, love. Sobrang saya ko ngayon kasi kasama kita. Mahal na mahal kita. Tandaan mo yan palagi ah." he said. I saw him smile, a genuine smile. Kapag talaga siya yung kasama ko, lahat ng problema ko nakakalimutan ko. He can make me smile, simply by just existing! Ghad this man's making me crazy!
"I love you too, Mhark. I feel lucky because I have you in my life. Thank you for everything. Thank you for being my happy pill. Mahal na mahal kita." I said and show him a smile. Dahan dahan siyang lumapit sakin at saka ako niyakap ng mahigpit. This is my favorite place on Earth.
"I will never let you go. I promise." He said then he kissed me on my forehead.
Mas lalong bumuhos ang mga luha ko dahil sa alalaalang iyon. Siguro ito na nga yun. Yung panahon na susuko ako. Yung panahon na bibitaw ako. Yung masasabi ko sa sarili ko na 'tama na. Sobra sobra na.'
Pagod na ako.
I checked my phone. Napapikit pa ako dahil sa liwanag na nanggaling sa phone ko. Tinignan ko kung anong oras na. It's already 1:06am.
I searched on my phone and the moment I found my messenger app, I open it. Hinananap ko ang pangalan niya sa contacts ko.
Sinubukan kong pigilan ang mga luha na gusto na namang tumulo mula sa mata ko. I compose a message for him. My last message.
'Hi. It's me again. Sorry for disturbing you. Pero don't worry, last na talaga to pangako. Hindi na ako mangungulit sayo. Gusto ko lang malaman mo na sobrang namimiss na kita. Ang sakit pero kailangan kong tiisin. I always cry at night. Parang part na nga yata ng daily routine ko yung pagiyak tuwing gabi. I always keep on asking myself, saan ako nagkulang? Bakit hindi ka lumaban? Bakit mas pinili mong umalis at iwan ako? Bakit? Am I not enough? Sorry sa mga tanong ko ah. Don't worry. Iniintindi naman kita. Pilit kong tinatanggap yung desisyon na ginawa mo. Be happy always. Yun kasi yung gusto ko para sayo. Gusto ko na maging masaya ka kahit na hindi na ako kasama sa mga dahilan. Mahal na mahal kita pero kasi pagod na rin ako eh. Hindi ko maipaglalaban yung relasyon natin kung pati ako ay pagod na rin. Nakakaramdam man ako ng pagod ngayon, mamahalin parin kita. I hope in God's time, we will meet each other again continue the love that we lost. I love you so much."
I read my message again and the moment I hit send, my tears started to fall again.
Akala ko ang pinakamahirap na gawin sa lahat ay ang lumaban. Pero ngayon ko lang narealize na mas mahirap sumuko. Mas masakit sumuko. Kapag kasi sumuko ka, parang sinasabi mo na rin na wala ng pagasa. Giving up means accepting your fate, accepting the situation, and accepting the fact na hindi na kayo pwede.
He will always have a special place in my heart. May lugar siya sa puso ko na hindi kayang mapalitan ng kahit na sino. Yes, he broke my heart, yet I can still manage to love him with the pieces left. Alam ko sa sarili ko na kahit anong mangyari, yung pagmamahal ko para sa kanya ay hindi mawawala. It will remain that way.
Because it's endless.
BINABASA MO ANG
Endless
Short StoryHi guys. Here's my 2nd short story here in wattpad. i hope you like it :))