"Do you know what's the hardest thing to do in life? Do you know what makes it hard?"
I believe that all of us already encountered that question. Diba? People around us always ask that. Minsan nga may choices pa. Kunwari tatanungin ka "anong mas mahirap? Matulog ng maaga o gumising ng maaga?" Funny isn't it? It's just a simple question pero ang hirap sumagot kasi honestly speaking nahihirapan akong gumising ng maaga at mas nahihirapan akong matulog ng maaga that's why I can't choose.
Pero sabi nga nila, huwag tayong masanay ng walang pinipili. Huwag neutral palagi. Dapat merong nakakalamang. Huwag nating ikulong yung sarili natin sa thinking na 'bakit pa pipili eh pareho namang mahirap'. Kaya kung pipili ka, base dapat sa feelings mo, sa sitwasyon mo, and sa experiences mo. So for me, mas mahirap matulog ng maaga kesa sa magising ng maaga. Ang hirap hirap kayang matulog ng maaga kapag sobrang dami ng iniisip ng utak mo, kagaya ngayon.
Overthinking really sucks.
It's already 12:15am but I'm still awake. Mukha na naman akong zombie bukas. Yung tipong mas malusog pa eyebags ko kesa sakin.
What I usally do sa mga oras na to ay makinig ng music and of course, magtwitter.
My favorite song is playing,yung Kahit Ayaw Mo Na ng This Band. Mas nilakasan ko yung volume ng phone ko para mas mafeel ko yung lyrics. Ang ganda ng kanta pero ang sakit nung lyrics. Siguro kaya ko to naging favorite kasi mas nae-express ng kantang to yung nararamdaman ko.
I visited my twitter account at nagcompose ng tweet.
'Kahit na ikaw ay nagbago na iibigin parin kita kahit ayaw mo na'
Tinweet ko yung isang line na nasa kanta, my favorite line actually. After that nagscroll down na lang ako hanggang sa mabasa ko yung tweet nung classmate ko.
'Even if you give me a lot of reasons to stop and to give you up, I'll still find a reason to fight for us'
Yan yung nakalagay sa tweet niya.
Napangiti na lamang ako. Kasabay nun ang pagkirot ng puso ko at ang pamumuo ng luha sa mga mga mata ko. Siguro nga mahirap talagang lumaban. Mahirap lumaban kapag alam mong sa huli, ikaw din yung matatalo. Ang hirap lumaban kapag yung pinaglalaban mo ay tuluyan nang sumuko. Ang hirap kasi kasabay ng paghahanap mo ng rason para lumaban, ay ang paghahanap niya ng sarili niyang dahilan para umalis. I think staying is really hard nowadays.
Kasi siya? Sobra siyang nahirapan.
I closed my eyes. Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan, at kasabay nito ang mga alalaalang pilit kong binabalikan.
Ako noong mga panahong nakakasama ko pa siya.
Yung mga kamay niya na sobrang higpit kung humawak sa kamay ko.
Yung mga yakap niya na sobrang higpit na para bang ayaw niya na akong pakawalan.
Yung mga ngiti niya na kumukompleto sa araw ko.
Yung bawat paghalik niya sa noo ko na nagsasabi sa akin na magiging okay din ang lahat.
Yung mga salitang binibitawan niya na nagiging dahilan ng pagngiti ko araw araw.
Yung mga messages niya na nakakapagpakilig sa akin.
Ang saya.Pero bigla na lang nawala.
"Tama na. Nasasaktan na kita eh. Sorry kung ganito ako. Ilang beses na natin tong sinubukang ayusin pero wala namang nangyayari. Ganun padin. Magbabati tayo tapos magaaway ulit. Nakakapagod na. Huwag na nating pahirapan yung mga sarili natin. I don't want to hurt you again. Please. Tama na."
Nakipagkita ako sakanya para maayos yung gulo namin. Para mapagusapan yung mga bagay na lagi naming napagaawayan. I want to fix this mess. Ayoko ng ganito kami. But hearing those words from him, parang alam ko na kung anong mangyayari. Ayaw niya na. Sumusuko na siya.
"Ito ba talaga yung gusto mo? Baka naman pwede pa nating maayos? Please let's fix this. Ayoko ng ganito tayo." I said pero umiling lang siya. My tears began to fall. Ang sakit. Bakit ayaw niyang lumaban? Bakit sumusuko na siya agad? Bakit ang bilis niya namang bumitaw?
"Tama na. Ayoko na." Sabi niya. Sinubukan kong tumingin sa mata niya pero umiiwas siya.
"Tell me. Meron bang iba?" I asked him. Ang sakit pala kapag ikaw na mismo yung nagtatanong ng ganitong bagay sakanya. Natatakot ako sa magiging sagot niya pero I want to know if he already found someone else na papalit sa pwesto ko bilang girlfriend niya.
Ramdam ko ang pagkagulat niya dahil sa tanong ko. Hindi niya siguro ine-expect na itatanong ko yun.
"Walang iba. Never nagkaroon ng iba kasi ikaw lang. Nagiisa ka lang." He said. Tumango ako. Naniniwala ako na wala siyang naging iba. Walang naging third party. Naniniwala akong mahal niya ako o baka naman pinapaniwala ko na lang yung sarili ko?
"Then why? Bakit ayaw mo na? Bakit biglang ganito?" I asked him again.
"Masyado na kitang nasasaktan. Nawawalan na ako na oras sayo. Hanggang salita lang ako. I can't make this work anymore. I know na napakatanga ko para gawin to pero ito lang yung paraan na naiisip ko para hindi na tayo magkasakitan. Para hindi na kita masaktan. I'm sorry. Sana mapatawad mo ko. You'll be fine without me. I'm sorry. I'm really sorry." Sabi niya. Nakita ko ang mga luhang pilit niyang pinipigilan. Nasasaktan din siya.
Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak at umasang mawawala din agad ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Umaasa na babawiin niya yung mga salitang binitawan niya kanina at mapapalitan ng salitang 'mahal kita'. Umaasa ako na lalapit siya at yayakapin ako ng sobrang higpit upang pawiin yung sakit na nararamdaman ko.
Pero wala.
Nakita kong pinunasan niya ang luhang tumulo mula sa mata niya. Kasabay nun ay ang pagtalikod niya. Ramdam ko ang pagbigat at ang paninikip ng dibdib ko dahil sa ginawa niyang pagtalikod sa akin. Sa bawat hakbang na ginagawa niya, ay parang may karayom na tumutusok sa puso ko.
Napaupo na lamang ako sa daanan dahil sobra akong nanghihina. I didn't expect na mangyayari to. Hindi ko inaasahan na magagawa niya akong sukuan. At mas lalong hindi ko naisip na magagawa niya akong iwan sa ganitong paraan.
Kasabay ng pagtigil ng kanta ay ang pagtigil ng mga alaala.
I slowly open my eyes.
BINABASA MO ANG
Endless
Short StoryHi guys. Here's my 2nd short story here in wattpad. i hope you like it :))