Chapter 23

612 24 5
                                    

A/N: I'm really sorry for the Long wait. Here it is❤️

---

"Ms.Dela Fuente, Are you listening?" Napaayos ako ng upo ng tawagin ni Ma'am ang pangalan ko.

"Y-yes, Ma'am."

"What is the Formula of Arithmetic Sequence?" Biglang tanong niya.

Pasimple akong tumingin sa board para maghanap ng sagot pero burado na ang mga writings doon. Muli akong tumingin kay Ma'am at ngumiti. Pilit kong inaalala ang formula pero wala talagang pumapasok sa isip ko.

Bakit ba naman kasi hindi ako nakikining eh!

"What now, Ms. Dela Fuente?" Kinabahan ako ng magtaas siya ng kilay sakin.

Napayuko ako. "M-ma'am—"

Napatigil ako ng may magbulong ng sagot mula sa likuran.

"An=A1(n-1)d." Isinagot ko ang aking narinig.

Napatango si Ma'am at akmang uupo na ako ng umiling siya. "What is the difference between Arithmetic and Geometric?"

I know this!

"Arithmetic is Addition while Geometric is Multiplication."

"Okay, Sitdown. Stop thinking nonsense." Siniringan niya ako at bumalik sa pagtuturo.

Nang lumayo ang tingin niya sakin ay mabilis akong tumalikod para pasalamatan ang nagbigay ng sagot sa'kin kanina.

"O-oh it's you?" Hindi ko alam kung statement ba 'yon o tanong.

Tinignan lang niya 'ko saglit at ibinaling na ulit ang tingin kay Ma'am.

"A-anyway Thanks." Bahagya akong ngumiti kahit 'di naman siya nakatingin sa'kin.

"The war is on." Bulong sa'kin ng katabi ko.

"Hindi ko naman kasi alam na totoo pala yung sinabi niya eh." Nakanguso kong sagot.

"Bakit ba kasi hindi ka naniwala? Ayan tuloy."

Nagkibit-balikat nalang ako at muling sinulyapan si Steven sa likod ko.

"Okay, Exchange your Books and Notebooks, We'll check your Assignments."

Yumuko ako para kunin ang Book ko sa Ilalim ng Upuan ngunit Ilang beses ko nang Hinanap, hindi ko pa rin makita. At kung dala ko man iyon ay wala pa rin akong gawa dahil hindi ko rin iyon naiuwi kahapon.

Kagat labi akong umayos ng upo at pasimpleng naghahanap ng kaklase kong wala ring dalang libro. Naghahanap ako ng kadamay para hindi lang ako ang mapagalitan ngunit lahat sila ay meron.

"Asan yung iyo?" Bulong ni Sam.

"Naiwan ko yata sa Locker. Malas." Inis na sabi ko.

"Lagot ka na naman diyan." Nguso niya sa Taong nasa harap.

Diretsong tumayo si Ma'am sa Unahan at tinignan kung lahat kami handa na.

Huminto ang mata niya sa'kin at tumingin sa Desk 'ko tapos sa'akin ulit. Gusto kong magtago sa likod ng nasa harapan ko ng maramdaman kong sisitahin na naman niya 'ko.

Crazy Inlove With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon