Chapter 26

542 14 1
                                    

Pumasok ako sa C.R at Napasandal sa pinto no'n. Ilang beses ko nang pinalo ang noo mula nang iwan ko si Steven kanina.

Anong katangahan 'yon, Mira?! Baka isipin non may gusto ka sa kanya at umaasa ka!

Wala nga ba?

Inuntog ko ang ulo ko sa pader sa naisip.

Ang tanga tanga! Ang tanga tanga! Ahhh! Okay na sana eh! Mataray ka na! Bakit bigla ka nalang naging marupok sa dulo? Argh!

Ang dami daming salita sa diksyunaryo pero yun pa ang naisip mo! Sana naman slow siya para hindi magets ang sinabi ko! Mamamatay na ata ako kakaisip! Hindi pa naman ako marunong bumasa ng tao!

Huminga ako ng malalim bago lumabas. Sinigurado kong kaya kong panindigan ang mga sinabi ko.

Sumalubong sakin ang nagmamakaawang mukha ni Steven pagdating ko ng room. Iniwas ko nalang ang aking tingin at tumama ito sa mga kaibigan kong naghaharutan.

"Tama yan, Miracle. Wag marupok. Pahirapan kung nagkasala." Pabulong na sabi ni Sam upang hindi marinig ng pinsan.

"Hayaan mo muna 'yang gagong yan, Hindi marunong mag-alaga ng babae." Gatong ng Lalaking nakaakbay sa kanya.

Bakit parang mas pinsan pa nila ako kaysa sa totoo nilang pinsan?

Pero sabagay, Kung ako rin naman sila hindi ko kakampihan yung lintek na lalaking 'yon!

Tumayo si Steven at Lumapit sa'min. Kinuha niya ang Armchair sa tabi ko at umupo doon.

"Heaven, Talk to me." Mahinang sabi niya pero hindi ko siya pinansin.

Nagkunwari akong nakikipag-usap kila Sam tungkol sa napanood ko nung nakaraan.

"Napanood niyo na ba yung 'Hanggang sa Huli'?" Masiglang tanong ko.

Nagtaka sila nung una dahil hindi naman 'yon ang pinag-uusapan namin pero ng makita ang pinsan ay agad din nilang nakuha ito at nakisakay sa'kin.

"Ah, Yung palabas tuwing gabi pagkatapos ng news?" Tanong ni Sam kaya agad akong tumango.

"Grabe yung mga scenes nila do'n lalo na yung mga batuhan ng linya, Talagang tatatak sa isip mo."

"The Love Story about Sisters became Rival because of a boy?" Sabat ng katabi ko. Pinipilit pa rin niyang kunin ang atensyon ko kahit hindi ko man lang siya tinitignan.

Napansin naman yata iyon nila Sam kaya siya na ang sumagot dito.

"Oo, 'yon nga Couz! Nanonood ka pala ng T.V?" Ngunit hindi siya nito pinansin at nananatili lang ang tingin sakin.

Ang sarap niyang sapakin dahil naiilang ako sa ginagawa niya. Ano bang problema nito?!

"Uy Heavs." Sinundot niya pa ang pisngi ko na parang bata.

Nang hindi ako sumagot ay inulit-ulit niya ang ginawa niya kaya inis ko siyang tinapunan ng tingin.

"What?!" Napatigil siya at bahagyang nagulat ngunit agad ding nakarecover.

"I'm sorry about yesterday, Please? I really didn't mean to leave you." Sasagot sana ako ng unahan ako ni Jason.

"Wag mo munang patawarin 'yan, Mira! Pahirapan mo muna ng sobra!" Sinamaan siya ng tingin ni Steven dahil sa sinabi niya at Napaaray ng sipain nito ang upuan niya. "Oh kita mo na, Mira! Mahilig talaga siya manakit!" Turo niya dito.

Crazy Inlove With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon