Flash Fiction #01

8 0 0
                                    

Nagising ako mula sa mahimbing na pag kakatulog.

Alas kwatro na pala ng madaling araw.

Kinapa ko ang aking cellphone sa ilalim ng aking unan at bumungad sa akin ang larawan naming dalawa.

Namalayan ko na lang na nakangiti na pala ako habang bina balik balikan ang mga ala ala namin sa kabila ng mga larawang aking pinag mamasdan.

Mga ngiti sa aming labi ay hindi maipinta.

Hindi ko mapigilang ngumiti at matuwa pero hindi ko din mapigilan ang maging malungkot.

Maya maya'y naramdaman ko na lang ang init sa gilid ng aking mga mata. Oo, napaluha na ako.

Napaluha na ako ng tuloy tuloy na kaulana'y ang aking iyak ay sinamahan na rin ng hikbi.

Pinigilan kong makalikha ng ingay ngunit hindi ko mapigilan ang hikbing patuloy na kumakawala.

Pinalis ko ang aking mga luha pero para itong gripo dahil sa patuloy na pagtulo nito.

Tinitigan kong muli ang kanyang larawan. Oo, ang kanyang larawan, sabay sabing, "I miss you, baby".

Binalot na naman ako ng lungkot. Binalot na naman ng lungkot ang aking puso.

Kung maari lamang ibalik ang panahon, gagawin ko, bumalik ka lang sa akin.

Paulit ulit akong pinapatay ng mga ala alang di mawala sa aking isipan.

Akala ko, okay na. Sabi ko kasi noon, "Makita ka lamang na masaya, magiging masaya na ako". Pero mahirap pa rin pala. Nakaka selos pa rin pala. Na kung dati ako ang nagbibigay sayo ng kasiyahan, ngayon ay hindi na, dahil may iba na.

*kring kring* (alarm clock)

Nagising ako sa ingay ng aking alarm clock.

Napagtanto kong panaginip lang pala ang lahat.

Panaginip na paulit ulit kung dumalaw sa aking pag tulog.

Patunay lamang na hanggang sa aking pag tulog, isa ka sa mga bagay na aking huling iniisip.

~Hopeee

Flash Fictions Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon