CHAPTER: TWENTY TWO (TONKATSU)

1.5K 42 4
                                    


Maricar's phone rang as she washed her hands. Pinunasan niya ang kanyang mga kamay at agad na kinuha ang telepono upang sagutin ang tawag.

And she cried after hearing the news. She was devastated. Agad siyang lumabas ng banyo at pinuntahan ang binatang si Marquis na ka kasalukuyang nakatingin sa labas ng bintana. Lumapit ang dalaga sa kinatatayuan nito kaya't nakita niya kung sino ang tinitignan ng binata.

It was pretty lady standing beside the rose garden. Sa tingin niya ay kaedad lang din nila ito.

"Marquis..." Kinalabit niya ang binata kaya't napaharap ito sa kanya.

"What happened? Why are you crying?" agad na tanong sa kanya nito nang mapansin ang mugto niyang mata.

"Yung exams... I failed it. Bagsak daw ako sa final exams," anito saka na ngumawa.

"Hey. It's alright. Shh." Agad siyang niyakap ni Marquis at pinatahan.

"What have they told you?"

"Sabi ni Julia, kailangan ko raw mag-retake ng exams. Kapag daw hindi pa 'ko pumasa, ibabagsak na 'ko ni Sir."

"You reviewed your notes, right?"

"Oo. Pero ang hirap naman kasi ng exams, e."

"Okay. I'll help you with your notes. When will you have to take it?"

"Sa susunod na araw."

"What? But..." agad na tanong ni Marquis.

Lunes pa lamang kasi at sa susunod na linggo pa dapat ang uwi nila pabalik ng New York.

"Marquis. Wahhh!" muling palahaw ng dalaga.

"Shh. Don't cry. I'll see what we can do."

Tumango na lamang ang babae at mahigpit na yumakap sa binata. Bahagya namang lumingon ang dalaga sa bintana ngunit nakaalis na ang kaninang tinitignan nito.

Minabuti na lamang ng dalaga na mag-ayos na ng kanyang gamit dahil kailangan nilang bumalik kaagad. Nagpalit siya ng damit tapos ay nagpasya nang bumalik sa burol. Naglakad siya papasok ng hall at doon natanaw ang binatang si Marquis. Maging ang dalagang kanina pa nito tinitignan.

She even noticed that Marquis held the hand of the girl sitting beside him. Napahinga siya ng malalim.

Were they really that close? She kept on asking herself.

The way Marquis looked at that woman was really different. Too different that it hurts her.

Mahal niya si Marquis at hindi naman iyon lingid sa kaalaman ng binata. At sa nakikita niya ngayon, mukhang iyon ang dahilan kung bakit hindi siya magawang mahalin pabalik ng lalake.

Naglakad pa siya palapit at napansin niyang nakatingin sa kanya ang dalaga. Bumitaw ito sa pagkakahawak sa kamay ng binata saka nginitian.

"Marquis," tawag niya sa lalake kaya't hinarap siya nito.

And she almost lost hee balance after seeing his face.

Parang iiyak na ang lalake anumang oras at nangingilid na rin ang luha sa gilid ng mga mata nito.

"O, nandito lang pala kayo." Pareho silang napalingon nang dumating si Yvonne.

"The food is ready. Let's eat," aya nito saka pinuntahan si Ishi at hinawakan sa balikat.

"Halina kayo, Marquis, Maricar." The woman smiled kaya't napansin niya ang pagkakahawig ng dalaga sa kanya.

Tumayo na si Marquis at sumunod sa kanila kaya't kumapit siya sa braso nito at sinabayan ito sa paglalakad.

The Weakest Link (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon