ELLAY'sNakaramdam si Seungcheol ng guilt dahil sa nagawa niya sa bata. Nailabas niya pa yung init ng ulo niya sa TAAS sa bata. Napabuntong hininga siya at tumay para sundan ang anak niya sa kwarto nito.
Pagkadating niya sa kwarto ni Seunghan ay dahan dahan niyang binuksan ang pinto nito. Nakita niya ang bata na nakahiga sa kama habang yakap yakap ang paborito nitong laruan.
Nilapitan niya ang anak niya at nakita niyang may tutong luha pa sa gilid ng mga mata nito. Mabigat ang paghinga ng bata pero may kasamng hikbi pa ito.
Bumigat ang pakiramdam ni Seungcheol sa nakikita niya. Gusto lamang ng anak niya na makasama ito ngunit nasaktan at nasigawan niya pa ito.
Umupo si Seungcheol sa tabi ng anak niya at dahan dahang hinaplos ang buhok nito. Pinagmasdan niya ang mukha nito at nakikita niyang magkamukha sila, parehas rin silang mahaba ang pilik mata.
Biglang naalimpungatan ang bata dahil sa paghaplos ni Cheol sa buhok niya. Dahan dahan niyang minulat ang mata niya at pagkakita niya kay Cheol ay nagulat siya kaya napaupo at napaatras siya.
Gulat ang makikita sa mukha ni Seungcheol sa inasta ng bata.
"Appa, s-soly p-po kanina. Please wag mo s-saktan s-si H-Hannie" nanginginig na pakiusap ni Seunghan sa kaniyang ama.
Mas lalong bumigat ang pakiramdam ni Seungcheol sa sinabi ng bata. Kahit ganun lang ang nagawa niya nagtanim ito ng sobrang takot sa bata. Hahaplusin sana ulit ni Cheol ang buhok ng bata ngunit biglang napapikit ng mariin si Seunghan. "A-Appa, w-wag *sniffs* p-po. S-soly na p-po" maiyak na pakiusap ni Seunghan sa pag aakalang sasaktan siya si Cheol.
Binuha ni Seungcheol ang bata at niyakap. "Shhh baby di ka sasaktan ni Appa hmm? Sorry kanina ha? Mainit lang ulo ni Appa. Wag ka na iyak. Shh" pagtatahan ni Seungcheol sa anak niya.
Ngunit umiiyak pa rin ang bata kaya di alam ni Cheol ang gagawin. "Uhmm baby tama na iyak. A-Ano gusto mo bili tayo ice cream tapos punta tayo ng park?"
Unti unting humina ang pagiyak ni Seunghan at tumingin kay Cheol. "Talaga Appa? Aalis tayo?" tanong ni Seunghan habang pinupunasan ang mga luha. Tumango si Seungcheol at ngumiti.
Pinunasan ni Cheol ang mga luha ni Seunghan at dinala niya sa banyo para mag hilamos. Inayusan niya ang bata at binihisan.
"Ate G, labas muna kami ni Seunghan. Dyan lang kami sa park. Yung bahay pakibantayan" sabi ni Seungcheol kay Gan Damo at lumabas na.
"Sige Ser! Ingat po kayu" iyan ang narinig ni Seungcheol bago sila nakalayo.
Hawak kamay silang naglalakad ng anak niya papuntang park. Okay lang naman lakarin kasi malapit lang ito sa bahay niya.
Nang makarating sila sa park ay agad bumitaw si Seunghan at dumiretso sa swing.
"Hannie-yah, dahan dahan baka madapa ka!" Sabi ni Seungcheol at agad na sinundan si Seunghan. Pagkalapit ni Seungcheol kay Seunghan ay nakita niya ito sa Swing.
"Appa, tulak mo si Hannie. Bili hihi" napangiti si Seungcheol nang marinig niya ang tawa ng anak niya. Pumunta siya likuran nito at tinulak ang swing na sinasakyan ng bata.
Matapos ang 30 minutes na paglalaro n bata ay umupo na sila sa isang bench.
Pinupunasan ni Cheol ang likod ng bata dahil puno na ito ng pawis. "Appa bili na tayo ng ice cream" pag aaya ng bata.
"Sige baby wait lang. Palit ka muna damit pawis ka na ehh" sabi ni Cheol sa bata kaya ng bata ay humarap kay Cheol at tinaas ang dalawang kamay. Pinalitan na ni Cheol ang bata ng damit.
Inayos niya ang gamit nito at pinasuot ulit ang My little pony na backpack nito sa bata."Tara na Hannie baby. Bili na tayo ice cream" hinawakan ni Cheol ang kamay ng bata ngunit binawi ito ng bata. Tumingin siya kay Seunghan na nakataas ang dalawang braso.
"Appa buhat. Hannie pagod" sabi ng bata. Hindi na tumutol si Cheol at binuhat ang kaniyang anak at pumunta sa ice cream stall na malapit sa park.
Pagkadating nila sa ice cream stall ay agad silang bumili.
"I want stlawbely ice cleam in a waffle cone please" sabi ni Seunghan sa ice cream vendor. Nagulat si Cheol dahil parehas sila ng favorite ng anak niya.
"Sa inyo po sir?" tanong ng vendor kay Seungcheol
"Same lang rin" sabi ni Cheol at ngumit sa ice cream vendor. Tumango na lang ang ice cream vendor at sinabi kung magkano lahat. Nagbayad si Seungcheol at inantay ang order nila.
Pagkabigay ng order nila ay naghanap sila ng nearest bench at umupo dun.
"Baby, wag makalat kumain ah? Wala ka ng pang change" pagpapaalala ni Seungcheol kay Seunghan. Tumango ang bata at kinain na nila ang kani kanilang ice cream.
Naupo lang sila dun hanggang sa naubos nila ang kanilang ice cream. "Tsk baby ang dungis mo na oh" sabi ni Cheol kay Seunghan at pinunasan ang ice cream sa gilid ng labi nito. Pati na rin yung tulo tulo na nasa damit ni Hannie.
"Hihihi soly Appa, dami tulo di kaya Hannie dila lahat" masiglang sabi ni Seunghan kay Cheol. Napangiti na lang si Cheol at binuhat si Hannie.
"Tara na uwi na tayo and then shower ka okay?" Tanong ni Cheol kay Seunghan. Tumango si Seunghan bilang sagot.
Nagsimula ng lumakad si Seungcheol pauwi. Ngunit di pa siya nakakalayo ay may tumawag sa kaniya.
"Seungcheol?"
'Shit' sabi ni Seungcheol sa sarili.
____🌻🌻🌻____
Hanggang ngayon wala pa rin kaming WiFi. Isang linggo na di pa rin nirereconnect ni Globe :<
-Ellay
BINABASA MO ANG
Appa Cheol || Jeongcheol ff
Krótkie OpowiadaniaChoi Seungcheol is a very famous actor in Korea for 5 years. Little did he know that he is already in the father job. Date started: 06/02/18 Date finished: