Yie, anong klaseng title yan? Hahaha. :) Btw, Io is pronounced as Ay-oh.
\\
Io's point of view.
Tahimik akong naghihintay ng paparating na bus dito sa waiting shed, umuulan nanaman. Palagi na lang, hindi na tumigil ang ulan simula ng dumating ang buwan ng hulyo.
Hinawakan ko ng mahigpit ang payong ko, puno na kasi ang upuan sa waiting shed ng mga taong walang dalang payong, ayaw ko namang makisiksik pa sa kanila dahil baka matamaan lang sila ng bakal sa dulo ng payong ko.
Maya maya pa'y dumating na ang hinihintay naming bus, nagkagulo ang mga taong nasa loob ng waiting shed at naguunahang pumasok sa sasakyang wala namang laman.
Kahit nabubungo na sila ng payong ko ay sige pa rin silang unahan kaya pinauna ko nalang sila, marami pa naman atang natitirang upuan.
Ng makapasok na silang lahat, umakyat na ako ng hagdan at papasok na rin sana ng may biglang bumungo sakin, isang lalaking may dala dalang backpack at may nakasabit na headphones sa tenga.
"Ho-hoy, kuya!" sita ko sakanya ngunit tila wala siyang narinig, oo nga pala, mayroon siyang headphones sa kanyang tenga.
"Aish. 'di man lang magpakagentleman at paunahin akong pumasok. Tsk tsk, kalalakihan ngayon." nginitian ko nalang ang drayber ng bus at pumasok na rin sa loob ngunit wala na akong nakitang bakanteng upuan.
Ay hindi, meron pala. Sa tabi nung lalaking nakabanga sa'kin kanina.
"Hoy, kuya." kinalabit ko siya at tumingin siya sa'kin habang tinatangal ang headphones mula sa tenga niya.
"Nag-kuya ka pa kung magho-hoy ka rin naman." nag-'tss' pa siya nun at tinignan akong muli. "Bakit ho 'yun, ate?" tanong niya sa tono ng 'may-galang-ako-wag-ka'.
"Pwede bang umurong ka duon sa dulo, mauupo kasi ako eh." tinaasan niya pa ako ng kilay at nakalaan ay umurong na din.
"Thanks, kuya." nginitian ko siya at inirapan niya lang ako. Aba, ako na nga 'tong nagpapasalamat iirapan niya pa ako?!
"Walang anuman, ate." binalik niya na ang headphones niya at sumandal na lang sa bintana sa tabi niya.
Bakit ganun? Parang may mga lumipad sa tiyan ko?
--
Dumating na ang bus sa aking destinasyon kaya't tumayo na ako't kinuha ang mga gamit ko, ngayon ko lang napansin na ang dami ko palang dala dala na nakakasagabal lang, tulad ng isa kong bag na wala namang laman kundi ang mga librong hiniram ko pa sa silid aklatan, dapat pala'y iniwan ko nalang ito sa classroom namin.
Hinintay kong huminto ang bus para makababa na ako, pagkahinto nito ay inilagay ko na ang card ko sa makinang kumukuha ng bayad at nginitian ulit ang drayber na kumaway pa sa akin. Akala mo talaga close kami eh noh?
Pagkababa ko ay agad agad akong pumara ng isang trisikad at sumakay na sa loob nun.
Ng makarating kami sa tapat ng bahay namin ay kinapkap ko na ang bulsa ko para hanapin yung wallet ko ngunit wala akong nakapa, sa kaliwang bulsa.. wala pa rin.
"Nako, manong, sandali lang ho ah? Hahanapin ko lang ang pitaka ko sa bag ko." um-oo lang si manong drayber kaya binuksan ko ang bag ko para hanapin ang wallet ko pero wala talaga akong nakita kaya naman tinawag ko nalang ang isa sa mga kapatid ko.
"Dionne! Pakibuksan ng pinto!" sigaw ko mula sa tapat ng bahay namin, pinahintay ko muna sa drayber ang bayad ko, mukhang naiinip na nga si manong eh.