Chapter One

259 4 0
                                    



Celestine

"Uy bakla,matunaw" bungad sakin ni Chloe pagkapasok ng room

Inirapan ko lang sya,at kunyari may hinahanap ako sa bag ko,

"Nako palusot.com ka pa,bistado na kita,don't worry beshy,your secret is safe with me" sabi pa nya,na hindi ko nalang pinansin,at pinagdiskitahan ang phone ko.

Actually hindi kami close netong si Chloe,transferee lang sya dito,pero napaka jolly at friendly nya kaya di na ko magtataka kung mas marami syang friends kesa sakin at kung bakit sya ang mas naunang mag approach.

"Anong secret pinagsasabi mo dyan,as if naman close tayo" pagtataray kong sagot habang kunyari mey kinakalikot sa phone.

"Ano ka ba naman Celestine,almost one semester na tayong seatmate at magkaklase sa subject na 'to,tingin mo ba hindi ko nahahalata na mey gusto ka kay Marcus?duh!"at pinaikot pa ang mata,kunyare nagtataray na sya sa lagay na yan.

Itinigil ko ang ginagawa ko at humarap sa kanya,

"Hinaan mo nga boses mo baka marinig ka nyan ano ka ba!"bulong ko sa kanya

Napahagikgik lang ito sakin at nag peace sign

"Pero seryoso,you can trust me on this,friends naman tayo eh"nakangiti pa nyang sagot sakin,nakapa cool lang nya sa lahat,sya yung taong di mo kakikitaan ng kahit na anong pinagdadaanan sa buhay.

Muli akong sumulyap sa kabilang side ng room kung saan na roon ang man of my dreams.hindi lang naman ata ako,marami kami or should I say halos lahat ng kababaihan dito sa campus nagkakagusto at humahanga sa kanya,hindi naman sya matatawag na campus heartthrob kung hindi sa mga taga hanga nya,yung iba pa nga halos ibigay na ang kaluluwa mapansin lang nya.

Since first year college,unang araw ko palang dito sa university sya ang kauna unahang nakilala ko.

"Ahm excuse me sir,itatanong ko lang po sana kung saan ang building na 'to" kanina pa ko paikot ikot dito pero kahit siguro maghapon akong magbalik balik kung hindi ako magtatanong walang mangyayari sakin,hindi ko alam ang pasikot sikot dito.

Tinignan nya ang papel ng hawak ko saka tumingin sakin

"Don't call me sir,hindi naman ako prof dito,same course lang pala tayo,tara sabay ka na" saad na at nauna ng maglakad.

Napanganga ako sa sinabi nya,alam ko mas matanda sya sakin kaya nga tinawag ko syang Sir,though naka poloshirt lang sya at maong pants pero hindi sya mukhang estudyante sa dating nya.

"Hey miss,tatayo ka nalng ba dyan,malalate tayo" sigaw pa nya na ikinagulat ko kaya dali dali akong sumunod sa kanya.

From then akala ko sya nag una kong magiging kaibigan,pero habang tumatagal parang nakakaintimidate lumapit sa kanya,dahil bukod sa marami syang kaibigan,napakatalented din nyang tao,halos lahat ata ng club sinalihan nya,magaling syang sumayaw at kumanta kaya naman kapag may event sa university ay lagi syang kasama,at bukod sa talented na matalino pa,kaya naman napabilang sya sa isa sa mga student counsel at marami ding babaeng naka palibot sa kanya at halatang mga anak mayaman pa.kaya naman mula noon ay alam ko na kung saan ilulugar ang sarili ko,walang sino man ang hindi magkakagusto sa kanya,pero nagkasya na ko sa masulyapan ko lang sya kontento na ko.

"Nag di-day dreaming ka na naman,dyan,andito na si prof" siniko ako ni Chloe hindi ko alam na nasa harapan na pala ang prof namin.

I mouthed her sorry,at na pa iling nalang sya,kaya naman mas nag focus na ko sa lessons,nakakahiya.

Forever YoursWhere stories live. Discover now