-for dean cornelius ortigoza the fifth of the metaphoricals ❤
Sa paraan ng iyong pagkalabit sa kwerdas ng gitara,
Dinadala ako nito sa ibang planeta
Sa pagsabay ng liriko sa binibigkas mong melodiya
Hatid nito'y dagundong sa puso kong namamahinga.Ang buhok mo'y sumasayaw sa ihip ng hangin
Nalulunod ako sa paraan ng iyong pagtingin
Nauupos ako at nagiging pinong buhangin
Ako'y tignan at sa paraang ito muli akong buhayin.Ngunit naalala kong ako lang pala ang natangay sa ibang planeta
'Pagkat ikaw ay mananatili lamang sa aking pantasya
Ikaw at ang kaluluwa ng iyong musika ay iisa
At ako ang maiiwan sa malungkot kong planeta.
BINABASA MO ANG
sad.
PoetryThis is where I put all of my poems that I made when I was sad, moody, and gloomy. So expect negativity in this area and please if triggered, immediately leave and stop reading. My works are sometimes grammatically incorrect so please understand...