Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Prologue

915K 12.9K 2.5K
                                    

Shocks. Guwapo pa rin ang loko.

Pinanood ni Tori ang kamay ng lalaki habang pormal na sumisimsim ng kape. Pinagpapawisan ang kamay niya. May pumimintig sa kaibuturan niya.

Wait, mali. Puso dapat ang titibok, hindi ang pagitan ng mga hita.

Nag-inhale, exhale siya. Dati pa naman itong guwapo. Matangkad, nakahulma ang katawan, bahagyang moreno ang kutis pero sobrang kinis, pantay-pantay ang mga ngipin. Dati ay kinakagat-kagat lang nito ang bagay sa pagitan ng kanyang mga hita.

Uhmm, ahh.

"Stop biting your lips, Tori."

Napatuwid siya ng upo. Grabe, Inglisero na rin. Ang laki talaga ng nagagawang pagbabago ng limang taon. Bumaba ang tingin niya sa V-line nito, ang puti nitong shorts ay masyadong manipis at libreng nagpapasilip ng umbok sa pagitan ng hita nito. Ang bagay na na-miss niya.

Hello, old friend! Long time no see!

Nakahalata ata itosa paninitig niya kaya itinagilid ang katawan. Dahil walang pang-itaas, balewala iyong pag-iwas nito dahil nabusog pa rin naman ang kanyang mata.

"Ano 'yan?" Tumaas ang kilay ng lalaki at ibinagsak ang tingin sa dala niyang envelope.

"Annulment papers. Kailangan ko kasi para sa trabaho."

Umangat ang gilid ng labi nito. "Lalabas ka rin pala sa lungga mo kung kailangan mo ako. Paano kung ayoko?"

Kinabahan siya. Cannot be, tutubi! Kailangan niyang pumirma! Ang sabi niya sa recruiter niya, single siya. Baka kasuhan siya kapag malaman nitong kasal talaga siya limang taon na ang nakararaan.

"Ito naman..." Malambing siyang ngumiti. "Hati naman tayo sa annulment fee."

Tumaas ang kilay nito. "Hindi ba ikaw ang may gustong makipaghiwalay? Bakit makikihati ako sa 'yo?"

Hala siya, tikoy pa rin pala ang asawa niya! Makunat pa rin ito sa gulong.

"Kasi Claude, makikinabang ka naman kapag nagkahiwalay tayo. You are as free as a bird. Makakapagpakasal ka na—"

"Who says I want to get married again?" Nagpamaywang ito. "After what I've been through?"

"Ay, 'di pa rin nakaka-move on?"

Dumilim ang mga mata nito, nag-peace sign siya.

Umupo ito sa harapan niya. Ang bilog na lamesa lang ang nasa kanilang pagitan. Nagsalubong ang makapal na kilay nito. Literal na tumatanda itong paurong, mas naging baby face ito nang tumagal. Sumandal ito sa upuan at mayabang siyang tiningnan.

"Ano, nagpapabayad ka pa ba? Tumaas kasi magaling ka na o bumaba dahil matanda na?"

Napalunok siya at napakurap-kurap.

"Magkano?" tanong nito. "Alam kong dapat libre 'yan dahil asawa mo naman ako pero ayoko namang sabihin mong masama ako sa negosyo. Business is business, hindi ba?"

Kinuha nito ang wallet nito at pumulot ng lilibuhin. Natakam siya sa kulay asul na papel. Kailangan niya iyon. Kailangang kailangan.

"Ten thousand," usal niya.

Mahinang natawa ang asawa. "Pucha, mahal na, ah." Muling nagbilang ito ng pera at inilatag sa lamesa.

"Maligo ka muna. Hintayin kita sa kuwarto."

Inamoy niya ang sarili nang mawala na ito sa paningin. Naligo naman siya bago pumunta rito. Hindi pa naman siya mukhang mabaho.

Maiinsulto ba siya?

Hindi. Kailangan niya ng pera. Naglakad siya patungong banyo ng magarang condominium unit at inisa-isa ang saplot.

Kailangan niya itong gawin. Isa pa, gusto niya rin itong makaulayaw muli sa kama. Nasasabik siya, ramdam din niya ang init na nararamdaman nito.

Kung tutuusin, naka-jackpot pa siya dahil binigyang pansin siya ng asawa pagkatapos ng limang taon na pang-iiwan niya rito.

Temptation Island 4: Rekindled Fire (PUBLISHED under RED ROOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon