Prolouge

61 21 0
                                    

Tag.

Paano nga ba nag simula ang lahat? Paano nga ba ako napunta sa sitwasyong ito? Basta nagulat na lang ako isang gabi nasa isang kwarto ako na halos mangalahati sa katawan ko ang tubig.

Sobrang dilim ng silid na iyon. Hindi ko maaninag kung sino ang mga kasama ko sa ka madilm na kwarto. Naririnig ko ang tampisaw ng iilan at palahaw ng iba.

Wala akong maalala sapagkat kakagising ko lamang mula sa mahimbing na pagkakatulog. Masakit pa nga ang batok ko dahil tila ba hinampas iyon ng kung ano mang makapal na bagay. Kahoy? Metal? Hindi ko alam.

Sinikap kung kumapit sa fence na nakapalibot sa kwarto. Nagmistula iyong hawla dahil sa fence na iyon. Hindi hawla ng kung anong hayop. Kundi hawla ng mga tao.

Sa aking pag galaw nakarinig ako nang mga pagsinghap.

"Wag kang gagalaw." narinig kong bulong ng isa sa kasamahan ko. Sino? Hindi ko alam.

"Bakit?" pabulong na tanong ko din.

"May mga pating sa silid na to. Kaya kung gusto mo pang mabuhay. Wag kang gagalaw." pagbabanta ng kung sino man sa akin.

Napasinghap ako sa tinuran niya at napalunok ng aking laway. "Pa-paanong may pating dito?" naguguluhan kong tanong. "Masyadong maliit ang silid na ito para dun." hindi makapaniwalang tanong ko.


"Nagkakamali ka. Hindi mo maiintindihan ang mga nangyayari. Basta wag ka na lang gumalaw." sa sobrang hina ng boses niya,, hindi ko mawari kung babae ba siya o lalaki.

Napakamot ako sa aking ulo kahit hindi naman makati iyon. "Paano ba tayo napunta dito?" Hindi ko na napigilang mag tanong.

"Nang dahil sa Tag." napakunot-noo ako sa sagot nito at napa-isip.


"Tag? Yung sa facebook?" Naguguluhang tanong ko. "Anong konek non dito?"

"Hindi. Mali ka. Mahabang kwento. Pero pwede ba manahimik ka na muna?" asik ng kausap ko. Dun ko lang napagtanto na lalaki pala ito.

"Ah, okay. Pero last na. Paano tayo makakaalis dito? Ayokong mamatay no." pabirong saad ko pa sa binatang kausap ko sa kawalan.

"Manahimik ka yun ang sagot." napa-ikot na lang ang mata ko sa ere. Masyadong maarte ang lalaking to.

Nanahimik na lang ako at nag-isip ng paraan para makaalis sa pesteng silid na to. Sa aking pag-iisip, bigla na lang bumukas ang nakakasilaw na ilaw mula sa itaas. Bahagya pang sumakit ang mata ko dahil sa pagkabigla. Napakurap-kurap ako ng ilang beses para maka adjust ang aking mata mula sa dilim patungong liwanag.

Nang makapag-adjust ang mata ko sa wakas, inilibot ko ang aking paningin at ako'y halos maduwal at mapasigaw.

Malalim ang aking paghinga habang pinagmamasdan ang tubig na aking kinasasadlakan. Kung tubig pa nga ba iyon. Pulang pula na ngayon ang tubig. May mga parte pa ng tao ang nakalutang doon. Halos maduwal ako sa aking nakikita. Napahawak ako sa fence wire na nasalikod ko. Kaya pala masang-sang ang amoy ng kwartong ito.

Napatingin ako sa buong silid. Hindi lang ito kasing liit ng inaakala ko. Parihaba iyon na parang nasa barko. Maraming katulad ko ang nandirito. May nanginginig sa takot, umiiyak ng walang boses at kung ano-ano pa. Kinabahan ako ng matindi.


"Good evening dear tag mates! Kamusta ang gabing may bantay na pating? Nakakangatog ba ng tuhod? Baka naman gusto niyong Piranha ang ilagay ko dyan? Mas brutal yun." Anang taong nagsasalita na boses lamang niya ang naririnig namin mula sa naglalakihang speaker sa bawat sulok ng silid. Humalakhal ito ng humalakhak. "Sa ngayon. Drill muna. Okay? Igihan ang pag kapit sa wires. Good luck." at humalakhak pa itong muli.

Nagulohan ako sa tinuran niya at hindi ko masyadong naintindihan. Bigla na lang alertong nag si akyatan o kumapit sa wires ang mga kasama ko rito sa silid.

Napatingin ako sa lalaking malapit sa akin. Nagsisimula na din siyang umakyat sa fences. " Kung ayaw mong lapain ka ng pating dyan at mamamatay mag simula ka na ding umakyat." Sigaw nito sa akin.

Nang dahil na rin sa adrenaline rush at pagkagulat napa-akyat na din ang sa mga wires. Sinuguradong kong maayos ang pagkakapit ko doon para hindi ako mahulog.

Sa aking pag-akyat, rinig ko ang kung ano mang pag bukas ng isang bagay na nagmumula sa ilalim ng tubig. Halos malagutan ako ng hininga nang mula doon ay isa isang nag silabasan ang pating na animoy handang handang sumakmal sa mga katulad kong naririto.

Binilisan ko ang pag-akyat maging ng iba kong kasama rito. Halos manginig ang buong katawan ko dahil sa takot. Halos hindi ko kayang kumapit sa mga wires. Bigla na lang akong natigilan nang biglang nag-sigawan ang mga tao. Napatingin ako sa buong silid at halos mapabitiw ako sa aking pagkakapit ng makita ko mismo ang pagkain ng pating sa babaeng nahulog mula sa pag-akyat. Napuno ng sigawan ang silid. Laha ay nataranta. Lahat ay natakot. Binilisan ko ang pag-akyat at hinigpitan ang kapit sa mga wires. Doble doble ang kaba ko at takot pero tinabayan ko ang aking loob upang hindi mahulog sa tubig.

Ngayon ko lang napansin na mataas pala ang ang kwartong ito. Mukhang kalahating dingding niyon ay dinisenyo para mga wires na napakalibot doon. At sa bandang dulo malapit sa bubong ay mga jealousy. Sapat na para makapasok ang sinag ng araw mula sa labas.

Nasa itaas na parte na ako ng fence, siguradong hindi na ako maabot ng mga naglalakihang pating. Inilibot kong muli ang aking paningin na dahilan upang pag pawisan ako ng malamig. Pulang pula na ang tubig dahil sa pag danak ng dugo. Ang laki ng mga pating. Nag mukhang swimming pool ang silid pero pula ang tubig na niyon.

"Alright! Times up. Pasok na mga baby sharks ko." anang lalaki sa speaker. At tila ba robot ang mga pating na sumunod sa utos nito at muling bumalik kong saan man sila nanggaling. "I had so much fun. You are great guys. Let's go tag mates!" masaya ang boses nito na para bang taga cheer. "Have a calm night. Don't sleep. Bye." pagpapa-alala nito sa amin.

Napabuntong-hininga ako ng malalim.


Narinig ko ang iyak at palahaw ng mga kababaihang katulad ko. Habang ang ibang lalaki ay walang tunog na umiiyak. Hindi katulad ng lalaking katabi ko. Walang bakas nang kahit anong emosyon sa mukha niya. Napatingin ako sa babaeng nag patihulog mula sa pagkakapit nito sa wires at maingay na bumagsak sa tubig. Tila nawawalan ng pag-asa. Napaiyak na din ako. Nang dahil sa takot at kaba.

Hindi ko alam kung anong nangyayari. Wala akong ka ide-ideya sa nagaganap. Baka mamaya ako na ang susunod na kakainin ng mga sharks na andirito. Hindi natin masasabi ang mga susunod na mangyayari. Umiyak lang ako ng umiyak.

Tang-ina! Asan ba ako? Paano ako napunta dito?

TagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon