Chapter 1: Letters and Pictures

38 15 0
                                    

Chapter 1

"Cynthia." napatingin ako sa kaliwa ko nang marining ang aking pangalan. Si Dexter iyon, ang kaibigan ko mag mula pa noong elementarya hanggang ngayong pasukan namin sa MU o mas kilalang Mercy University. Di ko nga alam kung bakit ganyan ka wierd ang pangalan ng university o sadyang maawain lang sila.

Tinaasan ko siya nang kaliwang kilay saka nagsalita, "Bakit?" casual na tanong ko kay Dexter, saka pinatuloy ang pagkain ko nang popcorn.

Andito ako ngayon sa cafeteria kasama si Dex na kumakain naman nang palabok. "Dadalo ka ba sa freshman night?" walang siglang tanong nito sakin. Base sa tono nito parang ayaw nitong pumunta.

"Hindi ko alam. Required ba?" tanong ko sa kanya at itinuon ang atensyon ko sa kinakain.

"Hindi naman, pero baka pumunta ako. Pupunta kasi si Nancy e." pagbibigay alam nito kaya napatango na lang din ako.

"Umm, baka pumunta na lang din ako. Ang boring sa bahay." wala sa sariling sang-ayon ko saka nilantakan ang popcorn. "Teka, bili lang akong juice." paalam ko kay Dexter saka nagmamadaling tinungo ang Juice station.

"Pabili po." tawag pansin ko sa tindero na kumakain, agad naman niyang binitawan ang platong pinagkakainan saka nakangiting lumapit malapit sa mga lalagyan ng juice.

"Anong flavor?"

"Honey lemon po. Yung tag twelve." sagot ko naman. Tumango lang ito saka kumuha ng plastic cup na may design at doon inilagay an order ko. Pagkatapos noon ay binigay niya sakin at ini abot ko din ang bayad ko. "Thank you." pasasalamat ko pa saka mabilis na bumalik sa pwesto namain ni Dex.

"Painom." tukoy ni Dexter sa juice ko kaya napairap na lang ako sa kanya sabay abot niyon. "Salamat." tuwang-tuwa naman niyang tinanggap iyon kaya napailing na lang ako. Buraot talaga kahit kailan.

"Yung tipong di pa ako nakaka-inom humingi ka naman agad? Napakagaling  kaibigan." sarcastic kong pasaring sa kanya kaya napahalakhak siya.

"Ito naman, parang isang sipsip lang e. Hindi nga naka abot sa tiyan ko yung juice. Hanggang lalamunan lang." pabiro naman niyang sagot saka inilapag ang juice ko sa lamesa.

"Isang sipsip lang? Eh halos mangalahati nga yung juice ko oh! Tsk" sabay batok sa kanya at hindi siya nakailag kaya naghagikhikan kaming dalawa.

Panay tawa lang kami na tila ba walang taong nakatingin samin sa paligid, yet there are pairs of cold eyes looking and staring at us but we don't care and we don't give a shit. As long as wala kaming inaapakang tao at may sarili kaming mundo wala kaming pakealam kung ilang mata pa yan.

"Tara, akyat na tayo sa next class." aya ko sa kanya dahil tapos na akong kumain.

"Anong next class ka dyan? Diba nga U-week ngayon? Walang klase. Kakapasok lang e. Saka hindi naman class yun kanina. Orientation lang." pagbibigay alam niya sakin. Napakibit-balikat na lang ako.

"Sabi ko nga, ano bang laro ang magaganap ngayon? May sinalihan ka ba?" Walang interes kong tanong, may matanong lang.

"Oo!" masaya niyang wika kaya napalingon ako sa kanya, "Tug of War." napatango ako saka tumunganga. "Eh ikaw?" balik tanong niya sakin at umiling lang ako bilang sagot.

Ayokong sumali sa mga ganyan, nakakatamad. Saka wala naman akong interes na sumali sa mga ganon. Manunuod na lang ako. Mas mainam pa iyon. Tinignan ko ang kaibigan kong si Dexter na busy na ngayon kaka cellphone, tiyak tumpak ka usap nito ang girlfriend nitong si Nancy, isa itong  Mass Communication student, matangkad, maganda, mayaman, at matalino. Swerte na si Dexter doon, pero hindi rin naman lugi si Nancy sa kanya dahil mayaman, pogi at matalino rin si Dexter, not to mention his height. 6'0 lang naman ang tangkad niya. Mukha siyang kapre.

TagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon