Chapter 02: Journey to the Unknown

46 3 1
                                    

Kinabukasan, after a lot of planning for back up plans, the guys and I got ready to scout the mart's area. As we were nearing the mart, nakakarinig na kami ng mga ungol ng mga zees.

Nagtago kami sa isang abandoned construction malapit sa may mart. Kumuha ng binoculars si Carlos at tumungtong siya sa mga nakastack na hollow blocks. Narinig ko siyang bumuntong-hininga.

"We have about ten to fifteen sa labas ng mart. I couldn't see kung ilan sa loob but I think mas marami. It's unfortunate we can't claim the mart back," sabi niya at bumaba sa hollow blocks.

Nadismaya ako at naguilty. I know it's my fault. Kung hindi sana ako nagpaiwan at nagmarunong, edi sana hindi nangyari 'to.

"Don't worry too much about it, Ai," nag-angat ako ng tingin at nakita si Carlos and Gio na nakatingin sa akin.

"Yeah, tama si Gio. I guess sign lang 'to na we should move to a new location and also a lesson," Carlos said, patting me on my shoulder.

Pilit akong ngumiti, this is still my fault and alam kong they are just trying to make me feel better. Pero I know deep inside dismayado rin sila sa akin.

"Cheer up, Ai. Let's go back. Kailangan pa natin magpack-up." nakangiti aya sa akin ni Gio.

Wala na rin naman kaming magagawa. It's a suicide if we even try to fight the zees in the area. I sighed and merely nodded my head, looking back at the mart. Kung nag-isip lang sana ako ng mabuti.

Agad kaming umalis palayo sa lugar at pabalik sa safe house. Tumingin ako sa unahan kung saan naglalakad yung dalawa. Naririnig ko silang naguusap kung saan ang next location namin.

Ever since nagka-outbreak sila na ang nakasama ko. Magkakasama kami when all hell break loose. Hindi na namin alam nangyari sa family namin other than the last phone calls we received during the outbreak sa main city. All of our families told us to get out of the city and to be careful and that they love us. After that, wala na.

Nakabalik na kami sa safe house and packed our things. Wala rin naman kami masyadong dadalhin aside sa food and supply na naipon namin, kaunting mga damit din and weapons.

Maingat naming nilagay sa pick-up 'yung mga gamit. And when we are done double checking our stuff, sumakay na kami.

Nasa backseat ako, habang si Carlos ang Gio ang nasa harap. Napagdesisyunan that we should head up north, sa probinsya.

"Bakit sa probinsya?" tanong ni Carlos kay Gio habang nagdi-drive. Nasa highway na kami.

Nag-angat ng tingin si Gio from his book. "Bakit hindi?"

Inambahan ni Carlos si Gio na natawa naman. "Gunggong. Ang ibig kong sabihin bakit mo naisip sa probinsya?"

"Kasi, my friend. Pwede kang magtanim sa probinsya," simple at maikling sagot ng isa.

"Oo nga. And your point?"

"Ang bobo mo naman, Carlos. Meaning to say pwede rin natin source of food ang pagtatanim," iritang sagot ko. Most of the time talaga slow 'tong mokong na 'to eh.

"Ahhh... Galing naman pala, eh kung ibangga ko na lang kaya 'tong sasakyan para mamatay na tayong tatlo?"

"Eh kung pakain ko sayo 'tong makapal na librong binabasa ko? Masarap 'to, may mga anay-anay pa," sagot ni Gio habang hawak ang libro na tila isusuksok niya sa bibig ni Carlos.

"Eh kung--"

"Eh kung magdrive ka na lang dyan, ang daldal mong letse ka," putol ni Gio bago pa makabuo ng sentence si Carlos.

Natawa kaming dalawa ni Gio nang marinig namin si Carlos na bumulong ng kung anu-ano. Napangiti tuloy ako habang nakatingin sa dinadaanan naming palayan.

D-DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon