Astrid's POV
Omyghad
Kalalabas ko palang ng airport at ang init na. First time experiencing this
Habang hinintay ko yung taxi na ipinareserve pa ni mom sa korea ay may nagsalita sa harap ko
"Maam bili na po kayo ng bagong sim. Mura lang po"
Tatarayan ko na sana ito pero naalala ko na kailangan ko pala to kaya bumili ako ng isa at nagpaload na din sakto na dumating yung taxi kaya sa taxi ko pinalitan yung sim ko
"Nandito na po tayo maam" sabi ng driver kaya kinuha ko yung bag ko at nagpasalamat sa driver
"wow" ang salitang lumabas sa bibig ko pagkakita ko sa bahay na titirahan ko
"So ito ang dreamhouse ni mom noon?" bulong ko habang papalapit sa bahay
Gawa sa salamin ang bahay na ito. May mini garden din sa harap pero patay na yung mga halaman.
Pumasok ako sa loob at nakita ang grey na couch at marbled floor
Pagkatapos kong mamangha ay agad akong nakaramdam ng gutom kaya kinuha ko yung wallet at cellphone ko saka lumabas.
Habang palabas ng bahay ay may naalala ako na nagpabago ng expression ko sa mukha.
Saan ako kukuha ng pagkain? Hindi ko alam ang pupuntahan ko dito.
Wala akong naging choice kaya nagpatuloy akong maglakad. Habang naglalakad ako ay puro mga gusali lamang ang naririto
Napatigil ako sa isang pader na may mga sari saring sulat tulad ng 'Selena ♡ Jerico'. I grimaced at the sight
Pero may naisip akong paraan. May tatlong number akong nakikita na nakasulat sa pader kaya pumili ako ng isa sa kanila
idinail ko yung number na iyon at naghintay
'sorry----' inend ko agad yung tawag dahil alam ko na kung ano ang sususnod na sasabihin.
Mukhang inimbento lang yung number na yun. tsk
pumili ako ulit sa natirang pagpipilian at idinail ito
Haloas mapatalon ako dahil finally ay may sumagot na "Hello?" kinakabahang tanong ko
"Sino ka?" tanong ng ng lalaking nasa kabilang linya.
"Malamang sa malamang ay hindi niyo po ako kilala pero desperada na ako ngayon. May alam po bang masarap na kainan? Kahit saan basta located dito sa Manila" tuloy tuloy na sabi ko
"Kainan? Yun lang ba? Dito sa Crex' Dinner mag-order ka ng sisig nila. Masarap yun" saka niya ito in end call
Tumingin tingin ako sa paligid tsaka tinawagan ko siya ulit
"Ano nanaman?"
"Ehh. There is no taxi here" sabi ko
"Nasan ka ba?" tanong ng nasa kabilang linya
"Nasa xxxx street"
"So--" inend call niya ulit yung tawag
Magmumura na sana ako pero may text akong nareceive
"Wait there" sabi niya
After a few minutes ay may dumating na taxi
"Thank you" simpleng text ko sa lalaking tumulong sa akin