Twenty One : The Killer's Identity ✨

47 3 0
                                    

The Killer's Identity

Author's Note: We've come this far. (GE ENGLISH! HAHAHAHA) So yun nga, haha 21 Chapter isn't a Joke. Salamat sa support mo. Salamat din sa nag-i-sponsor nang load ko. Si Momc. (GE MOMC! HAHAHAHA). Baka pala paabutin ko na nang Chapter 25 pag kaya pa nang utak ko. Baka lang naman pero paghindi edi hindi. Yun lang, sklwmp.

~~~~~

Amber's Point of view.

Nanginginig ako sa takot. Nakita ko kung pano nila pinatay si Blythe. Nakita ko, iba yon sa mga nakita ko nang pagpatay. Kakaiba sila pumatay. Kitang kita ko ang galit sa kanila. Iba pala talaga pagnakikita mo nang personal ang aktwal na pagpatay.

Si Mang Cardo at Aling Alyana, sila ang pumapatay. Kasama ang isa na hindi ko makilala. Nakajacket sya at hood! Nakafacemask din. Tatlo ang killer.

Ang isa ay walang habas na sinaksak si Blythe, pinaghahampas din nila nang bato ang ulo nito kahit hindi naman ito lumalaban dahil nga wala namang malay. Matindi ang galit nang nakahood kay Blythe.

Sinubukan ko pang mas lumapit pa sa kanila upang naninagin ang isang Killer ngunit hindi ko talaga makilala kung sino sya. Sa pwesto ko ay kita rin ang walang buhay na katawan nang iba ko pang nawawalang kaibigan. So kinuha nga nila? Halos di ko na makilala ang mga ito.

Matapos nilang patayin si Blythe ay basta na lang nila itong iniwan. Nilapitan ko si Blythe. Hindi ko alam kung bat kailangan ko pang lumapit. Tiningnan ko ang basag nyang mukha. Ang dugo nyang humalo na sa tubig ulan.

Dahan dahan akong lumuhod para yakapin sya.

"I'm sorry Blythe. Wala akong nagawa para iligtas ka."

"Amber. Calm down. You're safe now." Nabalik ako sa ulirat ko nang hawakan ako ni Kishna.

"Com'on Drake! Come back now!" Hindi mapakali si Azi. Inaabangan si Drake sa bintana.

Nataranta na ako kanina at hindi ko na sya nahila pabalik sa mansyon. Wala na sa isip ko iyon dahil sa titig ng mga killers sa akin. Oo, nakita nila ako. Hinahabol pa nga nila ako e. Nawala na sa isip ko si Drake noon.

"Shhhh. Hinga, Amber." Patuloy ang paghagod ni Kishna sa likod ko.

Kasabay nang lakas nang ulan ang pag dilim nang paligid. Inabot na nang hapon at wala pa si Drake. Nawalan na ako nang pag asa na makakabalik pa sya. Sa nakita kong pagpatay kay Blythe. Alam kong brutal sila. They're ruthless.

"Drake is a tough guy. Makakauwi sya." Kishna assured me. Yumakap na lang ako sa kanya.

"Paparating na sila. Takbo sa kwarto!" Azrael suddenly announced at ipinagtulakan kaming dalawa sa hagdan. Agad kaming tumakbo sa kwarto.

I never expect na matatakot ako sa kamatayan. I am so used to it. Iba't ibang klaseng pagpatay na ang napanood ko. I even watched the actual video of a serial killer. I adore the smell of blood. The picture of brutal killing excites me. Pero iba pala pag ang sarili mong kamatayan ang paparating.

Iba ang kabang dulot pag alam mong ikaw ang papatayin. Tahimik lang kaming tatlo. Nakahanda din ang kutsilyo namin. Mabigat ang bawat hinga namin dahil sa kaba. Narinig naman ang lagitlit nang pagbubukas nang malaking pintuan. They're here.

Sumenyas si Azi na wag kaming maingay. Pinipigil ni Kishna ang kanyang pagluha. Ako naman ay malapit na ding maiyak sa kaba. Ganito ba matatapos ang bakasyon namin? Kelangan ba talagang ganito.

Nagkatinginan kami sa paggalaw ng doorknob. Indikasyon na may taong gustong makapasok.

It is so desperate but I am still hoping that it was Drake.

Humigpit ang kapit ko sa kutsilyo. Maya maya pa'y tumigil na ang galaw nang doorknob. Siguro ay dahil narin sa nakalock ito kaya sumuko na agad ang kung sino mang gustong magbukas nito.

Tahimik ang paligid. Walang maririnig kundi ang patak ng ulan. Mahina na din ang hangin. Malamang ay papalabas na nang bansa ang bagyo. Nakaupo lang kami. Walang nagsasalita, mabagal ngunit mabigat ang paghinga.

Ano bang hinihintay namin? Habang buhay ba kami sa loob ng kwarto na ito? Alam namin na nasa labas lang ang Killer at hinihintay na mainil kami. Ngunit hindi ba namin kukumprontahin? Magtatago lamang ba kami?

Nakarinig muli kami nang mabibigat na hakbang papalapit sa pintuan. Maya maya pa'y may pumihit na naman nito. Natigilan kami sa pag click nito. Nabuksan ang pinto.

Dahan dahan itong bumukas at tumambad samin si Mang Cardo. May dalang itak. Agad inipit ni Azi ang kamay ni Mang Cardo sa pinto. Tumulong kami ni Kish. Nabitawan ni Mang Cardo ang kanyang itak at sinipa iyon ni Azi palayo.

Patuloy parin kami sa pag-init sa kanyang kamay rinig na rinig namin mula sa labas ang kanyang mga daing.

"Kish, get that dagger." Utos ni Azi at sinunod naman ito ni Kish.

May kung anong dumagdag sa pwersa mula sa labas kaya mas dinoble namin ni Azi ang pagtulak para maisara ito.

Ayokong mamatay, gagawin ko ang lahat para mabuhay. Yan ang nasa isip ko nang mga oras na yon.

~~~~~

[Darker]

It's official! Ang Probinsyano lovetheme nga ang killer. Pero sino pa ang isa? Pamysterious masyado.

Ge Eut! Feeling ko last 2 chapters na to. Hahahaha di ko na kayang i-expand e.

Game Of Death Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon