chapter 02

5.2K 78 0
                                    


Sunshine POV

Matapos ang pagbibigay ng sing sing ay agad na Kaming bumalik sa table namin kung asan ang mga magulang namin , nakangiti sila ng sinalubong kami

" jack ! Shine ! Oo nga pala kailan pa kayo ?" Tanong ni future mom ,

" it's been years mom and I realize I really love her so I decided to marry her " sabi ni jack at hinalikan ako sa noo

Ang sweet nya kaso bakla  sya nakita ko si mommy and daddy nakatingin sa akin nagtataka sila kaya lumaki ang mata ko sa kanila na sinasabing wag na silang umangal

Dahil pag ginawa nila yon ala na buking na !

" you two are going to be best couple ever ! Can't wait for the wedding " sabi ni future mom , excited at masayang masaya

" Ay Tita mom kamusta po pala kasama si jack sa bahay ?"  Tanong ko

" Nakuh malinis yan"  sabi ni future dad

Malinis talaga yan babae yan eh

"Ah mabuti naman po at Hindi ako mahihirapan Kay jack " sabi ko na pabiro at nakatingin Kay jack , ngumiti rin naman sya sakin

Bravo ang galing Kong artista bading !

" Ahm.... By the way maglambingan muna kayo riyan kakausapin muna namin ang parents mo shine"  sabi ni future mom , tumango naman ako at bumaling kay jack

" Jack nagugutom na ako !"  Bulong ko sa kanya

" Oh ano ?"  Tanong niya , nag susungit

" Order ka na"  sabi ko

" Ikaw nalang"  sabi nya , nagsusungit paren

" Hoy jack ! Sungit mo ah daig mo pa yung babaeng may dalaw "  mahinang sabi ko para kami lang ang makarinig

" Ikaw ang kulit mo babaita ka"  sabi nya ito na babakla bakla  nanaman sya mag salita

" Sumbong kita kila Tita mom eh " sabi ko , nambabanta

" Sumbong mo di mo naman kaya"  sabi nya sa akin

Oo nga pala Hindi kami nag sisigawan mahina lang kaming nag aaway dahil sa operation pagpapagap mag Asawa namin

" Tita mom ! " Tawag ko Kay future mom , nilakihan naman ako ng mata ni jack

" Hmm.... " Sabi nya at bumaling sakin

" Nagugutom na po ako ayaw po omorder ni jack"  sabi ko na parang nagsusumbong na bata

" Jack !! " Sabi ni future mom at tumingin Kay jack , nananaway

" OK fine, waiter !"  Sabi ni jack , agad namang lumapit ang waiter sa kanya

" Sabi ko sayo kaya ko eh " nagmamalaking bulong ko ,  nang iinis

Umorder na sya at ayan na ang foods nilantakan ko agad iyon kumain narin si jack pero pabebe OK lang gwapings naman

Pagkayari namin kumain , niyakap ko agad sya na ikinagulat nya pero hinayaan nya rin dahil nakangiting  nakatingin ang mga magulang namin

Chansing one o one brother!

Agad akong napapikit ng maramdaman ng kamay ko ang mga pandesal nya , taray diba ! Bakla may pandesal , kase nga kahit beki ang isang toh , eh nagagawa nya pareng maging disiplinado sa katawan , nagagawa nya pareng maging sexy at magkaroon ng maraming pandesal

Witwiw !

" Ahm.... Shine I reready ko na ang wedding natin OK"  sabi nya

" OK"  sabi ko habang ninanamnam ang kanyang mga pandesal

" Oh gabi na masyado buti pa ay umuwi na tayo "  sabi ni mom at hinatak ako. Kulang nalang mag morokolyo ako sa ginagawa nya

Mom naman eh Sayang yung pandesal !

" Mom magpapaalam muna ako kila  Tita mom at jack "  sabi ko tumango naman sya

Nilapitan ko si jack na nakasimangot ngayon baklang toh ! Kasungit

" Bye jack " sabi ko at niyakap ko ulit  sya, pero hindi na tulad Ng kanina na ninanamnam ko , kundi saglit nalang

" Bye shine "  sabi nya , walang gana

" Bye Tita and Tito"  sabi ko at niyakap rin sila

" Ingat kayo shine " sabi ni Tita , nauna na silang umalis , sumunod Naman na kami. Wala naman na kameng gagawin don

Nasa  byahe kami tahimik lang sila mommy and daddy habang  ako kinikilig tuwing naiisip ko si jack kahit bakla  yun pogi yun

" Uy shine anak anong sinasabi ni jack na it's been a years ?"  Tanong ni mommy , nagtataka

" Mommy babayaran po ako ni jack para magpakasal sa kanya"  pagpapaliwanag ko , hindi ko Naman kase nasabi sa kanila ng buo kaya alam kong mangunguwestyon sila

" Ano yung kasal nyo legal ?" Pag uusisa ni daddy

" Opo legal po yun at totoo " sabi ko habang tumatango tango

" Siguraduhin mo lang shine " sabi ni mommy habang nakaturo sakin ang index finger

" Opo"  sabi ko

Hindi ko sinabi na beki si jack mag iissue pa si mommy and daddy for sure mabilis lang kami naka uwi  pumunta ako sa room ko para humiga at mag pahinga papikit na sana ako nang tumunog ang phone ko , agad ko yun kinuha at tinignan kung Sino ang umabala sa patulog kong katawan

Jack :

Uy shine mag ready ka na sa kasal

Ako :

OA mo ah next week pa

Jack :

Parang di ko kaya yung kiss the bride girl !!

Ako :

Hoy ! Ikaw bakla  ka ah pag di mo ginawa yun mahahalata tayo , wag kang panira tatadyakan kita

Jack :

Che !  matulog kana

Ako :

Bye jack boy ! Goodnight

Jack :

Do you mean girl !, goodnight

Ako :

Ang bakla mo talaga !

Jack :

Matagal na !

Hindi na ako nag reply pa matutulog na talaga ako

Kinabukasan

Sunshine POV

" Good morning !! " Sabi ni mommy sa akin na halos marinig na sa outerspace

" Mommy ang aga pa"  nagrereklamong sambit ko

" Hoy mag ayos ka na nga " sabi ni mommy at hinampas ako ganto talaga kami parang magkapatid lang ba , pero pagdating sa respeto mag nanay talaga

" Bakit ?"  nagtatakang tanong ko

" Andyan si jack aalis raw kayo"  sabi ni mommy, agad ko naman namulat ang mata ko 

" Talaga ! " Sabi ko at ngumiti ng abot  tenga

" Oh edi nag ning  ning  yang mukha mo, mag ayos ka na nga  dalian mo!  "   sabi ni mommy

" Pakisabi andyan na ako maliligo lang"  sabi ko at tumakbo sa banyo , tatawa tawa namang lumabas si mommy sa kwarto ko

Why so agad papi jack ?? Hahahhaa

MY GAY   HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon