chapter one

26 0 0
                                        

CHAPTER ONE

“Are you coming, Cyan?”

Napatingin ako kay Sheena na nakangiting nagyayaya sa labas ng pintuan ng kwarto.

“Um, you go ahead. I still have a lot of work to do.” Sabi ko sabay turo sa mga boxes na katabi ko sa kama.

“Oh. Well, I’m going downtown with a bunch of my old classmates. Is there something you want me to get for you?”

Wala naman akong alam kung anong klaseng mga bagay ang meron dito sa lugar na to eh. Bakit ba kase ako naisipang isend ng mga parents ko dito? Unang-una, wala akong kamuwang-muwang sa mga bagay-bagay. Tapos, hindi rin ako marunong ng wikang yan. Ano na mangyayari sa akin nito? Mabuhay pa kaya ako?

“That’s really sweet, Sheena but I’m not very familiar with things around here in Korea.” I admitted sheepishly, smiling shyly at her.

She chuckled. “That’s okay. I’ll just buy some noodles for dinner. They have the best one in town.”

Napangiti ako. Bukod sa pagiging mala-supermodel ang beauty nito, sobrang bait pa. “Sure thing. Bring home their masterpiece.”

She giggled. “Okay, Cyan. Call me when you need something.” Sagot niya na nakagesture ng phone yung kamay.

“Sure. Bye, Sheena.”

“See ya, roomie.” Sabi niya tapos nawala na siya sa doorway.

 Buti na lang at sa isang International School ako pinasok kundi patay na ako pagdating sa communication. Hindi kase ako marunong ng Korean. Yep. My parents are completely insane for sending me here in Korea without even knowing Korean. Paano na kung sa labas ay dapat ang gamit ay yung wika lamang na yan? Eh di nganga ako nun?

Tiningnan ko na lang yung mga boxes na nakapatong sa kama ko. Nailagay ko na sa drawer yung mga damit ko, including yung cute naming uniform. Ngayon naman, kelangan ko ng ayusin tong mga gamit ko. Yung personal things. Showerthings. Schoolthings. Gadgets. And yung pamana rin ng bansang Pilipinas.

Kinuha ko kaagad yung Philippine flag na nakalagay sa isang folder tapos idinikit siya sa wall na kaharap ng desk ko. Yan. Kahit medyo malamig dito sa lugar na to at halatang malayo ka sa inyo, nandyan pa rin ang presence niya kase nakikita mo yan. Haha. Cheesy ko talaga minsan.

Anyway, ginawa ko na rin ang ilan kong mga dapat gawin. Inilagay dun sa one and only bathroom namin yung shower materials ko and other things. Inayos yung mga school things ko and nilagay dun sa desk. Yung mga boxes nilagay ko na sa ilalim ng kama ko. Speaking of the bed, inayos ko na rin siya.

Kinuha ko na rin yung mga picture frames na nakapatong sa kama.

Una kong dinampot yung kay Papa. Siya lang naman kase yung may idea nito eh. Sabi niya dapat daw muna akong magstay sa school na to habang nakasettle muna sila dito kaso sa ibang lugar lang. Eto lang kase ang pinakamalapit na International School na merong mga dorms. Pinagdorm muna nila ako para makapagfocus muna sila sa work.

Siguro para sa ibang anak, masakit na tanggapin na walang time yung parents mo para sayo. Well, sanay naman na ako eh. Matagal naman na silang nakafocus sa trabaho nila. Simula pa maliit ako and everything, priority nila yan. May time rin naman sila sa akin kaso tuwing bakasyon lang kung saan may break sila from all their work. Pero kapag pasukan na, trabaho time ulit.

No. Di naman ako resentful. I know naman na ginagawa nila to for me eh. Di naman ako selfish na gustong sakin lang lahat ng attention. Natutugunan pa naman nila yung mga kelangan ko eh. Tumatawag naman sila every once in a while para kamustahin ako.

That Boy in the BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon