Part 12: Horse Back Riding

20 2 0
                                    

Nang matapos na kaming kumain pumunta ako sa kwarto para kunin yung kumot at unan
pagbaba ko
Nakalatag na yung sofa.
Sofa na pwedeng maging kama
Dito sa baba matutulog ang mga lalaki
Sa kwarto ko naman kaming tatlong babae

"Hey Gracey Anong oras na?" Tanong ni Edna na nagaayos ng bedsheets
Tumingin siya sa Relo niya

"7:21 bakit?"tumingin siya kay Edna

"Maaga pa naman para sa beauty rest natin manood muna tayo"pinagpagan niya yung bedsheet at Tumayo

"Oi sakto may kabibili lang akong CD a Chinese Drama A love si Beautiful"tumakbo si grace papunta sa Mesa at kinalikot ang bag

"Maganda yan Nakita ko sa YouTube"sabi ko

"Sige ayos mo na yung TV at Player"inutusan pa talaga ako ni Edna
Tumayo ako at nagtungo sa Tv at Player. Linagay ko yung mga chords pero ayaw magsound
White yung chord para sa sound pero bat ayaw niya
Isasaksak ko sana ulit pero may humawak sa kamay ko at inalis yung chord
Tumingin ako sa kanya

"Mali yang isinaksak mo yung white dito sa baba ng red"sinaksak na niya at ayan nga nagkaroon ng sounds
Magaling sa technology si Patrick gusto niya ng mechanics

"Good magaling ka talaga eh"nagthumbs up ako sa kanya binaba niya lang yung kamay ko at humiga sa tabi ni Aries

"Girls ano nga ulit ang papanoorin natin?" Tanong ni Naye at umupo

" Eto o" pinakita ni grace yung lalagyan ng CD

"What Chinese?"taas kilay niyang tanong

"Babae talaga gustong gusto ang mga romantic movies" humiga ulit siya

"Mas lalo na Kay Hazel ang dami niyang Collection ng k-dramas at c-dramas"sabi ni Grace

"Kilalang Kilala mo talaga ako gracey no" sabi ko at umupo na rin sa tabi ni Naye
Nanood kami Hanggang 5 episode lang at tumaas kami at natulog na

***

"Hey Girls gising na nagluto na si Patrick ng pagkain"yinugyog niya ako

"Naye ano ba puyat nga kami diba"napabalikwas ako ng Bigla niyang hinila yung kumot ko

"Ano ba! Akin na nga yan!"pero mas lalo niya lang nilayo

"Hhhmm dun nga kayo umagang umaga ang ingay niyo" reklamo ni Edna at nagtakbun ulit ng kumot
Humiga din ako at naki kumot Kay Grace ng hinila na naman ni Naye umupo ako at sinamaan siya ng tingin

"Ano na ba ang oras?"umupo si grace

"8 na ah"
Nagcross arms si Naye at umirap Eto na naman yung style niya parang bakla
Ngumiti ako

"Oh anong ningiti ngiti mo Dyan?"tinaasan niya ako ng kilay.

"Wag ka ngang ganyan para kang bakla alam mo ba yun?"nagsmirk ako
Mas lalo pa siyang umirap

"O sige Tara na nga"Tumayo ako pababa ng kama
Ginising naman ni grace si Edna

"Ahh ok ok wag mo nakong hilain"inalis niya yung kumot at sabay sabay na kaming lumabas
Pagkababa namin
In fairness naayos na yung pinaghigaan nila
Pagdating namin sa kusina nakahanda na yung mga pagkain. Hotdog, itlog, pancit Canton, at sinangag
Mukhang kelangan ko na namang magmarket
Ubos na ata ang laman ng ref
Woah pati gatas natitimpla na

"Woah talagang tinimplahan niyo pa kami ng kape ha?"ngumiti si edna at umupo.

"Kaya nga sino nagtimpla?"tanong ni Grace at umupo na rin

"Ako"sabi ni Aries na tutuk na tutuk sa cellphone niya
Tumango tango lang si Grace
Alam namin ni Edna na crush niya si Aries

"Hey bro, tama na muna yang kakaML mo dyan"sinipa ni Naye yung paa ni Aries
Hindi parin natinag tuloy parin siya sa paglalaro
Sakto namang dumating si Patrick na may dalang juice umupo siya

"Kain na tayo"pagkasabi niya yun

"Yes, Finally" lahat kami napatingin kay aries na tumatawa na nakatingin sa cellphone niya
Napansin niya kaming nakatingin sa kanya unti unti niyang iniangat ang Ulo niya

"Yes, Finally nakuha ko na ang next character sa ML Kako"ngumiti at binulsa ang cellphone niya at nagsimula na kaming kumain

"Aries nasosobrahan ka na sa paglalaro ng ML"sabi ni Patrick at nagsmirk

"Hindi ah" depensa ni Aries at sinubo yung hotdog niya

"Adik haha"sabi ni grace at tumawa kami

"Ano nga palang gagawin natin ngayong Araw?" Tanong ni Edna

"Di ko Alam. kayo? Anong gusto niyong gawin ngayon?" Tanong ko

"Punta na lang kaya tayo sa kabilang barangay may horse back riding sila eh" suggest ni Naye yung barangay nila Aries at Grace

"Maganda yan"

"Gusto ko yan" sabay naming sabi ni grace at tumawa

"Sige. Patrick alam mo na Ikaw ang may sasakyan"Si Aries naman ang nagsabi

"Yeah I know"at sumubo ng sinangag
Pagkatapos naming kumain si Grace daw ang maghuhugas ng pinggan at si Edna naman ay magpupunas ng lamesa habang ako magwawalis yung mga lalaki naliligo na Sila
Nung natapos na kaming maglinis naligo na rin kami pagkatapos ulit umalis na kami ng bahay

Walang 10 ten minutes nakarating na kami dito malapit lang naman sa bahay nina aries at grace
Nagtungo kami sa venue ng horse back riding
At naglakad

Lagpas 30 minutes na kaming naglakad di pa rin kami nakakarating
ang layo huta

"Ano ba yan Naye ang layo sakit sa paa" reklamo ni Edna at hinawakan ang kanyang tuhod

"Nakalimutan kong sabihin eh"Nagkamot siya sa Ulo
Umiling lang ako

Wala kasing kalsada rito kaya kelangang lakarin
Ilang minutes pa andito na kami
ang Ganda malawak. ang dami ring kabayo
Parang Chocolate hills yung mga pinagtatakbuhan ng mga kabayo.
Maysumalubong saming staff

"Good morning Ladies and gentlemen. Maghohorse back riding po ba kayo?"tanong Niya samin pero kay Patrick ko tumitingin napakalagkit pa

"Miss saan po dito?" Tanong ko tsk di pa niya aalisin yung tingin niya kay Patrick

"Sundan niyo po ako"at naglakad kaya sinundan namin siya

"Napakalagkit ang tingin niya kay Patrick mo no"bulong sa akin ni Edna

"Tss oo nga. Ang Tanda niya lumalandi pa sa bata" umirap ako
Nagsmirk lang siya
Natapos ulit ang paglalakad andito na kami sa isang kulungan ng kabayo

"Pili lang po kayo ng gusto niyong kabayo"ngumiti siya samin
Ay hindi pala kasi kay Patrick siya nakatingin
Humarang ako sa harap niya
Sumimangot yung staff

"Magkano po ang mababayaran?"tanong ko

"Kapag whole day po total student kayo kahit 200 na"
Mabuti

"Tara na Patrick pili tayo ng kabayo" hinila ko si Patrick palayo sa babaeng yun pero alam kong sinusundan niya kami ng tingin
Bumitaw ako sa kamay niya at nagsimula ng pumili

"Ang Ganda nito!"

"yan po ba ang gusto niyong  kabayo ma'am?" Halos mapatalon ako sa gulat lumingon ako
Siguro siya ang illustrator kung paano sasakay ng kabayo
Siguro nasa late 30 years old siya

"O-opo"maikling sagot ko at inilabas niya yung kabayo
Pure black yung kabayo ko astig tignan

"Teka manong mabait po ba yang kabayo niyo"tanong ko

"Oo naman"sagot niya at inugod yung kabayo palabas ng kulungan niya

THE HIDDEN UNIVERSITYWhere stories live. Discover now