Part 26:GUGA

14 3 0
                                    

3 Inch

2 inch bumaba siya para tumapat ang mukha niya

1 Inch

*Creak*
Bigla akong tumingin sa pinto ng kwarto ni Pyro
Sakto naman dumapo ang labi niya sa pisngi ko

"Sorry, nakakadisturbo ba ako?"napakainosente niyang tanong

"Perfect timing Pyro, thank you ha?"muntik na yun thanks to that door!
Di ko Alam ang gagawin ko kanina

"Better later na lang ako lalabas, sige pagpatuloy niyo lang ang ginagawa niyo!"nakakalokong ngiti niya at pumasok ulit sa kwarto niya
Tiningala ko si ice, parang walang nangyari

"E-excuse me, ba-balik na ako sa kwarto ko"inalis ko ang kamay niya sa balikat ko

"No"mas lalo niya akong sinandal sa pader

"May sakit ka ba na di mo sinasabi?  Anong nangyayari sayo?"sarkastiko kong tanong

"whatever,go on"binuksan niya ang pinto ng kwarto ko at

"Aba't!"tinulak ba naman ako papunta sa loob

*Blag*
Alam niyo ba?padabog pa niyang sinara ang pinto
Galing no? Siya pa talaga ang nagalit wow lang ha?

"Bullshit mong yelo ka!"umupo ako sa kama ko

Di ako maka move on sa nangyari kanina muntik na yun!
Matulog na nga lang ako.

*******

"Honey gising na! Papasok na Tayo!, Honey!"

"Ano ba ice Mamaya na! Gusto ko pang matulog!Honey"

"Honey malelate na tayo"dumilat ako
Ikikiss ako ng honey ko wahhhh ng biglang
May nanghila sa kumot ko
Maya Maya pa Bigla niyang inalis ang unan ko

"Hoi magising ka nga riyan
Yucks! Ano yan pinapatulan mo yang teddy bear na yan! Kinikiss niya eww"
Bigla kong dinilat ang mga mata ko
Kaharap ko nga ang regalo ni Patrick noon nung Christmas nung grade 8
Damn it! Anong klaseng panaginip yun??
Napabalikwas ako ng pinalo palo pa ako ni Spade ng unan

"Ano ba? Magigising na nga lang!"Tumayo ako
Sumilip ako sa bintana
Madilim pa naman ah

"Ano bang oras? Madilim pa naman ah"

"4:43, mag-ayos kana nga hindi tayo pwedeng malate ngayon baka madiaqualified tayo"

"Sa GUGA ba na naman yan?"

"Malamang, alam mo bang dapat babae ang unang magigising sa umaga hm hm"tinuro niya ako gamit yung unan ko

"Whatever"lumabas na ako at bumaba sumunod siya
Nakita ko si Pyro na kababa lang niya sa hagdan habang nagkakamot pa ng buhok

"Kagigising lang naman pala ni Pyro eh"sabi ko

"Halina nga kayo, pinagtimpla ko pa kayo ni pyro ng kape, hinanda ko pa ang pagkain"

"That's my mom!"turo ko sa kanya sanayin ko nga ang sarili kong tawagin siyang mom haha

"Come on"sumunod kaming tatlo kay Ash sa kusina
Nauna na pala si ice nagkakape na siya
Shit naalala ko yung kagabi ahh

"Dito ka Princess!"turo ni Ash sa tabi niya

"Hazel, nag-enjoy ka ba kagabi?"tanong ni Pyro
Habang hinihigop niya ang kape niya
Pinanlakihan ko siya ng mata
Pakiramdam ko nagiinit na ang mukha ko

"Ano bang ganap kagabi?" Tanong ni Spade

"Di mo narinig?, mantika ka kasing matulog"
Gusto kong batukan si Pyro kaya Lang kaharap siya ni Ash at kaharap ko si ice

"Sino? Si flat?"tanong ni Spade habang ngumunguya ng pancake

"Yep tanungin mo sila ni Ice"ngumuso siya kay Ice

"Anong ginawa niyo ba?"talagang curious

"We played"nabulunan ata si spade Bigla na lang umubo ubo

"Ahhem talaga ba?"pinanlakihan niya ako ng mata

"No way!"defense ko dahil hindi naman talaga

"Masyado kang defensive!"iniismiran pa ako ng Pyro na yan ah

"We really played"talagang sinakayan pa ni Ice ang sinasabi nila ah

"Ouch! What was that for!?"malakas na tanong Niya
hinawakan niya ang paa niyang sinipa ko sa sulok ng mesa
Lahat napatingin sila kay Ice

"Ang aga aga sumisira kayo ng mood!"bulyaw ko

"Ang aga aga ang ingay mo!"sumbat ni Spade
Sinamaan ko siya ng tingin
Inubos ko na ang kape ko at
Tumayo

"Where are you going?"tanong ni Ash

"Mag-aayos na ako"

"Yung comfortable ka para makagalaw ng maayos"tumango ako
Tumaas na ako at ginawa ang morning routine ko
Pagkatapos pumasok na kami GSU(gangster state university)
Kay ice ako umangkas paano naman kasi iniwan kami ng tatlong ugok na yun

After one week eto yung araw na pinakahihintay ng lahat ang Battle ng 2 high rank gansters...

"Bakit dito tayo sa likod ng school?"tanong ko Kay ice na tuloy lang sa paglalakad

"GUGA"maikling sagot niya
May parang isang bahay may thumb detector sa gitna ng pinto
Hinihintay kami ng tatlo sa labas nun
Nauna na si pyro linagay niya ang thumb niya sa detector
Biglang may lumabas na picture niya at info sa taas ng detector
At biglang bumukas ang pinto pero pagkatapos pumasok ni Pyro Bigla rin nagclose
Wow ang astig! Screen pala yun
Tinulak ako ni Ice

"Alam kong maglakad no need to push me!"inirapan ko siya
Linagay ko ang thumb ko ganun din kay pyro may lumabas na picture ko at info sabay ng pagbukas ng pinto
Pumasok na ako, muntik na akong matumba
Para akong hinihila pababa
Wala pang isang minuto tumigil na
Bumukas ang pinto
Madaming pyro ang nakikita ko pati ang
Mukha ko 
Wow ang dami ko, nandun ako sa taas, sa harap, sa magkabilang gilid ko pati sa likod ko
Mirror lahat, ang pader, ang ceiling, ang sahig

"Astig ba?"napalingon ako andito rin pala si pyro

"Yeah"tumango ako
Naaamaze ako sa GUGA na to ah
Wala rin isang 30 sec lumabas si Spade
Sumunod si Ash then last si ice
Sinunod ko lang silang maglakad
Kung kanina ang liwanag ngayon madilim naman ang nilalakaran namin
Hanggang sa binuksan ni Pyro ang isang matangkad na pintuan
Mas lalo akong naamaze dahil ang lawak ng loob
Parang school ground
Mas malawak kesa sa school ground namin parang gym siya sa gitna may malawak na parang fighting ring
Pero parang kulungan ang itsura niya may pintuan
Pinapalibutan ng parang audience seat
Madaming tao, grupo grupo
Bigla na lang akong hinila ni Ice sa loob Hanggang sa front seat kaming Lima

"Be ready, hinihintay na lang ang royal vipers, magsisimula na tayo mamaya pag dumating na sila"binitawan ako ni  Spade at umupo siya sa tabi ko
Bigla ako kinabahan ng lahat ng tao rito nagsigawan
Pagtingin ko sa matangkad na pintuan,

Shit!

THE HIDDEN UNIVERSITYWhere stories live. Discover now