Kabobohan 06

105 2 4
                                    

Nandito na nga kami ni Eziquel my boyfriend sa loob ng mall. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mamangha sa laki nang mall na to. Tapos ang dami-daming tao, nakahawak ako sa may braso ni Eziquel dahil yun ang bilin niya, kaya no choice ang ati niyo, Ewan ko ba kung bakit niya ako dinala dito, bukod daw kasi sa bibilhan niya ako nang mga damit ipapaayos din daw niya ako sa Salon para prinsentable niya akong iharap mamaya sa mga kaibigan niya bilang girlfriend daw nito. So ang ibig sabihin ngayon na ang pagpapangap ? Hindi naman daw ako na update.

"HaLuHhhh!" Gulat akong napatakip sa bunganga ko, dahil sa nakita ko ang hagdan na gumagalaw. "Ohh ..bakit?. Para kang nakakita nang multo diyan?" Gulat na tanong ni Eziquel sa akin, tanga-tanga nito eh, hindi ba sila takot sa hagdan na gumagalaw? "Yun ohhh —" sabay turo ko sa walang tigil paring pagtaas baba nang nakakatakot na hagdan. "May sapi yata ang hagdan na yan ehhh" takot na takot akong napahawak sa mga braso ni Eziquel, ang bango bango ni boyfriend. Tapos ang gwapo gwapo pa niya sa suot niyang white V-neck t-shirt niya. "Don't act like ignorant nga...." Sabi nito sakin, "escalator yan..." Sabi nito ulit.  Ngayon alam ko na, yan pala yung sinasabi nilang escalator.

"Pwede ba tayong sumakay?" Nahihiya kung tanong sa kanya.  

"Okay..sure" sagot nito sakin at naglakad na kami papunta sa escalator daw. Tuwang-tuwa ako habang nakasakay kami ni Eziquel sa hagdan na gumagalaw. Hawak-hawak ko parin ang braso ni Eziquel dahil baka mawalan ako nang balanse tiyak na BooOom! Good bye Bebang pag ganun.  Pumasok kami ni Eziquel sa loob nang Ladies ware boutique ,

"Have a good day ma'am . sir" salobong nang mga magagandang dilag sa amin ni Eziquel.

"Pumili ka na diyan kung ano gusto mo." Sabi ni Eziquel sa akin habang busy siya sa pagtingin-tingin nang kung ano-ano sa sa cellphone nito.

"Sige " sabi ko, tiyaka ko siya iniwan sa kinatatayuan niya. Feel na feel kung sinusuot ang mga damit sa loob ng boutique, kung ano ang magustuhan ko , ..kukunin ko, kaya lubos-lubosin ko na. Sabi nga nila  Hindi daw dapat tinatanggihan ang grasya.. Kaya ba't ko naman tatanggihan.

"Miss Ano tó?. ." Tanong ko sa babaeng kanina pa sunod nang sunod sa akin, na akala mo naman mag-nanakaw ako .

"Ate ...ba't mo kinakagat yan?" Gulat na tanong nang babaeng kung makasunod sakin wagas. Masama bang kagatin ang gintong high heel na hawak-hawak ko?.

"Gaga—sinusuri ko lang kung tunay .." Sabay irap ko sa kanya at ilinagay ko na nga ang gintong high heel sa may basket na hawak-hawak ko. Isasangla ko talaga yan sa mag-aalahas pag nagipit ako, ginto pa naman.

"Tapos kana?" Tanong sakin ni Eziquel my boyfriend nang makasalubong ko siya.

"Oo.." Sabay abot ko sa kanya yung mga pinamili kung damit kasama na ang gintong high heel. Na ipinapangako ko sa sarili ko na isasangla ko sa mag-aalahas pag nagipit ako. Pumunta na si Eziquel sa may counter? Basta hindi ko alam ang tawag dun. Ako naman hinintay ko nalamang siya dito sa labas habang abala ko namang kinakausap ang babaeng pansin ko pang kanina pa ito nakatayo.

"Hi ako si Bebang... Ano pangalan mo?" Nakangiting tanong ko sa kanya, pero in fairness ang ati niyo inisnob lang ang ganda ko.

"HoooOy ..kinakausap kita" at  dinuro duro ko na siya, bastos niya kasi eh diba siya tinuruan nang magandang asal ng mga magulang niya.

"Ginagawa mo?" Gulat akong napatingin sa likod nang narinig ko na ang boses ni Eziquel my boyfriend. "Yang babaeng yan kasi ehh" sabay turo ko sa babaeng kanina pa nakatayo at ganun parin ang posisyon nito, diba siya napagod ? Kanina pa kasi nakataas ang kamay niya.

"Tinatanong ko lang naman yung pangalan niya pero inisnob ako nang walang hiya.." Ako ulit.

"Seryoso ka?..kinakausap mo siya?" Tanong ni Eziquel my boyfriend habang tawang-tawa ito.

"Oo bawal ba?" Sarkastikong tanong ko. "Ehh paano ka niya sasagotin?..walang buhay yan Lol." Sabi nito sakin na kung makatawa wagas . "maniquen lang yan .." Pahabol ulit nito, now I know. 

"Tara na nga—" sabay hila sa kamay ko at panay parin siya sa pag tawa.

*****
"Miss pagandahin niyo ang girlfriend ko" sabi ni Eziquel sa mga stuff sa loob nang Salon. Graveehh kilig ako dun . pero syempre hindi ako padadala sa mga sweets though nang Koya niyo, hangang pagpapangap lang ang lahat ng ito. Kaya never akong mahuhulog sa mga salita niya nú.. N..... .E...VER. Siya kaya mismong nag-sabi sa Rule nito na bawal akong ma fall. "Oo naman po. Sir mas lalong papagandahin namin si Miss, mas dodoblehen namin ang ganda nito'' nakangiting tugon naman ni Operator number one. Ene be ..ganda ganda ko ba talaga?.. Maliit na bagay.

Inumpisahan na nga nila ang pag mamake over nila sakin. Hindi ko nga alam kung anong tawag sa ginawa nila sa mahaba kung curl na buhok kung bakit biglang tumuwid na wala sa oras, tapos naging kulay .....

" anong kulay nitong buhok ko?" Tanong ko sa kanila. Kasi naman kung makalagay sila nang kung ano-anong pampaganda sa katawan ko parang hindi ako na update na tinanong nila ako kung ayos ba sakin ang ilalagay nila. Kung gusto ko ba. Kesyo ganito ...ganyan.

"Ash gray po yan ma'am" sabi ni Operator number 2. Nanahimik nalang ako kasi hindi ko naman talaga alam ang kulay na yun.

"Ma'am ito po ba yung damit niyo?" Tanong ni Operator number one. "Oo bakit?" Sarkastikong tanong ko sa kanya, kung makapan lait naman kasi sa duster na suot ko kala naman niya kung maganda siya. "Kasi po ma'am ang ganda ganda niyo.. tapos gwapo ang boyfriend mo ..tapos ganyan lang po yung—" inginuso pa ni Operator number one ang nguso niya sa duster na damit ko, kung hindi niya lang sinabi na maganda ako ... " meron akong damit ,  duster ang sinuot ko kasi alam mo na, masyado kasing seloso ang boyfriend ko, ayaw niya kasing may tumitingin sakin na iba...gusto niya siya lang. " pag-sisinungaling ko sa mga pakialamerang operator. ''Sweet naman... " sabay -sabay na sabi nang mga gaga.

********

"Wow.. .." Sabay sabay nilang saad sa loob ng Salon. "Ang ganda ganda niyo na ma'am ha....what I mean.. Mas lalo kayong gumanda sa suot niyong puting off shoulder na yan tiyaka tenernohan nang black na palda at tiyaka yang simpleng white shoes niyo..." Nakangiting sabi ni Operator ko kanina, kung pumuri naman tó wagas kala mo naman kung  bibigyan ni Eziquel my boyfriend ng tip ...bruhang tó.

"Oo naman..Eziquel my boyfriend... Let's go" pa rich kid kung pagyaya sa boyfriend ko na hangang sa pag papanggap lang. Naglakad na kami palabas  ni Eziquel my boyfriend at ang mga tao naman sa loob ng mall parang nakakita nang artista. Sabagay hindi ko sila masisisi , ako kaya si Bebang na Mutya nang IDIOT sa baranggay namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hindi naman ako Boba (Slight lang!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon