1
"Hmm." Napadaing ako dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Masakit ang buong katawan ko na umabot pa sa pagkababae ko. Pinilit kong iminulat ang mga mata ko pero agad ko ring isinara ang mga iyon dahil sa tindi ng sikat ng araw na tirik na tirik at parang sinasadya nitong itutok sa akin ang liwanag.
"Sh*t!"
Mura niya sa kanyang isip. Dahil napagtanto niyang umaga na at kelangan na niyang umalis dahil mamayang gabi na ang flight niya. At dahil doon ay napabalikwas siya ng tayo. Na agad din niyang pinagsisihan dahil sa iniindang sakit sa katawan at ulo, hindi lang iyon, bigla din siyang nilamig kaya napayakap siya sa kanyang sarili.
"Bakit parang balat ko rin ang nahawakan ko?"
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng mapagtanto niyang wala nga siyang suot kahit na isang saplot. Nagpalinga linga siya para alamin kung kaninong kwarto ang napasukan niya.
Nasa ganoong estado siya ng may maramdaman siyang pag-galaw sa kanyang gilid.
Ganoon na lamang ang kanyang pagkasindak ng tumihaya ito at makita niyang isa itong lalaki, isang napakagwapong lalaki. "Oh come on Lana, get a grip!" saway niya sa kanyang sarili, hindi ito ang tamang panahon para magpantasya. Tiningnan niya ang lalaki ngunit noon niya lang napansing tulad niya'y wala rin itong saplot sa katawan. Napasinghap siya "hindi kaya?" Dahil doon, kahit masakit ang lahat ng parte ng katawan niya, ay napagpasyahan niyang tumayo at umalis na sa lugar na iyon bago pa magising ulit ang lalaki.
"Paano ako napunta doon? Bakit wala akong maalala? God! Please give me answers." Piping usal niya habang naghihintay ng masasakyang taxi.
Nang makita niyang may palapit na taxi ay dali dali niya itong pinara. "Manong sa Phoenix Bar po." Mabilis niyang sabi sa driver ng sa wakas ay nakapasok na siya sa sasakyan, naiwan niya kasi doon sa bar iyong kanyang nirentahang sasakyan. Biglang nanginig ang katawan niya dahil sa parang unti unti na niyang naalala ang lahat ng pinag-gagawa niya ng nagdaang gabi.
"Gaga! Nasisiraan ka na ba ng bait? Akala ko pa naman ay kung ano na ang nangyari sayo tapos iyon lang pala ang hihingin mo? Naku Lorena ha, tigil tigilan mo ko sa out of this world plan mo." Sabay irap niya sa akin. Binanggit na niya ang pangalan ko ibig sabihin ay seryoso na siya.
"Sige na naman Ikay tulungan mo na ako, hindi ka ba naawa sa akin? Mag-ti-trenta na ako pero wala pa ring nanliligaw sa akin, nawawalan na talaga ako ng pag-asa, at ngayon ito lang ang mahihiling ko, ang magkaroon ng anak."
"Hoy babae ang tanda na natin Ikay pa rin ang tawag mo sa akin?! Kung gusto mong tulungan kita sa gusto mo, umpisahan mo na akong tawaging Ericka okay?"
Na agad ko namang tinanguhan. Desperada na kung desperada, pero ito na lang kasi ang naiisip kong paraan para hindi ako tumandang mag-isa. Balak ko kasing mag bar hopping, doon ko hahanapin ang magiging ama ng anak ko. Isa kasi akong dakilang NBSB dahil isa kong NERD at certified BOOK WORM. Wala akong ginawa noon kung hindi ang magsikap para makaalis sa kahirapan. Dahil doon nawalan ako ng panahon sa sarili ko at sa opposite sex. Mula noon itinanim ko sa sarili ko na kailangang mabili ko ang lupa sa lugar namin, nang sa gayon ay matupad ko na ang pangarap kong maging haciendera, at ngayon ay natupad ko iyon at maganda ang tinatakbo ng farm. Ngunit isang araw umuwi ako sa bahay ko, nagkataong day off ang halos lahat sa mga kasambahay ko kaya pagbukas ko ng pintuan ay katahimikan ang bumungad sa akin, napuno ng kahungkagan ang pakiramdam ko at doon ko napagtanto na hindi ko pa pala natutupad ang lahat ng pangarap ko. Gusto kong magkapamilya, pero sa hitsura kong ito ay sino ba ang magkakamaling pumatol sa akin? Kaya napagdesisyunan kong baguhin ang pangarap ko, naisip ko ng kahit wala ng asawa basta't meron akong anak ay pwede na. Doon ko naisip na kailangan kong lumuwas ng Manila para doon hanapin ang magiging ama ng anak ko. At iyon nga ang dahilan kung bakit ako narito ngayon sa bahay ng best friend ko.

BINABASA MO ANG
That Unforgettable Night
General FictionMaria Lorena Magbagay is a 28-year-old single, and a certified NBSB. In her younger years she was proud of it, she'd admit that she's a conservative type of girl, the fact that she wore an ankle length skirt and loose kind of blouses won't think of...