"Ay butiki!" Nagulat ako nang biglang nagring ang cellphone ko. "Naman! Bakit kaya ang daming natawag sa akin ngayong araw na 'to?" Tiningnan ko kung sino ang natawag. "Si doc Herrera?"
"Hello doc bakit ho kayo napatawag? May problema po ba sa mga alagang hayop?"
Nakakapagtaka kasing tumawag siya kapag ganitong gabi na unless may napansin siyang problema sa mga farm animals ko. Isa kasi itong veterinarian at hinire ko siyang maging resident vet ng farm ko, noon kasi ay magsasara na ang clinic niya dahil sa tumal ng clients sakto naman na nangangailan ako ng vet at ayun nga siya ang available.
"Si mrs. Herrera ito Lana."
"Ma'am Lannie? Bakit ho kayo napatawag?" Bigla akong kinabahan dahil hindi naman tumatawag sa akin ang ginang lalo't gabi pa.
"Ah kasi'y inatake ng highblood si Henry eh, gusto ko lang sabihin sayo na magtatagal siya rito sa ospital. Baka hindi na muna niya mabisita ang mga alaga mo."
"Po!? Inatake? Kamusta naman po siya? Okay naman po siya diba?" Para ko na ring ama si doc Henry dahil napalapit na din ng husto ang loob ko sa kanya. Ganoon naman din siya sa akin dahil daw para na rin daw niyang nakasama ang anak na nasa Maynila. Kaya gayon na lamang ang pag-aalala niya sa nalaman lalo na't namatay sa parehong sakit si tatay.
Bahagyang napatawa ang ginang sa tanong ko. "Oo naman hija, okay naman siya salamat sa pag-aalala."
"Salamat naman po kung ganoon. Uhm mga ilang araw ho siya diyan sa ospital?"
"Ah eh, iyon nga dalawang buwan siyang i-co-confine dito dahil pasaway kasi itong isang ito kasi madalas na tumatakas para kumain nung mga paborito niya kaya iyon kailangang i-monitor siya para maging stable na siya."
"Ho? Pero paano na po yung weekly check up nung mga hayop tapos po may binabantayan po kaming dalawang baboy na manganganak ngayong buwan."
"Hay hija, nasabi nga rin iyan ni Henry pero kasi mas priority ko ang kalusugan niya ngayon eh. Hindi ba pwedeng maghanap ka muna ng pansamantalang papalit sa kanya?"
"Naiintindihan ko ho kayo, sige po maghahanap na lang po muna ako ng papalit sa kanya. Mas maigi na rin siguro iyon para makapagpahinga siya."
"Salamat hija, napakabait mo talagang bata. Kailan ba kasi kita magiging anak?" Napataas ang kilay ko sa sinabing iyon ng ginang.
"Ho?"
"Ah wala wag mo na lang intindihin ang sinabi ko. O siya sige na't nagmamaktol na ang alaga ko. Bye hija salamat ulit."
Matapos niyang ibaba ang kanyang cellphone ay napaisip siyang mabuti kung bakit bigla na lang nasabi iyon ng ginang. Aminado siyang hindi sila gaanong naguusap ng ginang dahil hindi nga siya gaanong magaling pagdating sa pakikisalamuha sa mga tao. Pero minsang nabanggit ni doc na naiku-kwento niya ako sa kanyang asawa at na tuwang tuwa ito sa akin. Pero sapat na ba iyon para gustuhin niya akong maging anak? At sa pagkakaalam ko ay may anak ito na nag-aral noon sa ibang bansa at kasalukuyang nakabase sa Maynila.
"Hay, di bale na nga." Nagkibit na lamang siya ng balikat. At nagumpisa ng bumaba para kumain.
Napabuntong hininga na naman siya habang tinatahak ang daan niya pababa at papunta sa dining area. Nang matingnan niya ang picture nila ng itay niya ay hindi niya maiwasang mangulila sa kanyang ama. Ang bahay na ito ang dream house nila, nang magkatrabaho siya ay lahat ng suweldo niya ay dito sa bahay na ito napunta at pati na rin ang lupa. Pero bago ko pa matapos ang malaking bahay ay binawi na agad sa akin si itay. Muntikan ko ng pabayaan ito noon pero naisip ko na ito ang pangarap namin ni itay kaya kailangang maisakatuparan iyon. Nang matapos ito at unti unti ng nagiging functional ang farm ay nakikita ko dito ang sigla at ito ang nagbibigay sa akin ng lakas sa bawat araw, ngunit ngayon habang tinitingnan ko ang bahay ay puro kahungkahan ang bumabalot sa aking pagkatao. Dahil kung gaano ito kalaki ay ganoon din ang laki ng espasyo ng kakulangan sa buhay ko.
Aanhin ko pa ang napakalaking bahay na ito kung wala namang pamilya sa loob na magsasabing ito ay isang tahanan.
Mas maigi pa noon sa maliit naming kubo kahit kulang at salat kami ni itay ay puno naman iyon ng tawanan at pagmamahal, isang matatawag mong munting tahanan.
Ito ang dahilan kung bakit ako humantong sa kalokohan ko isang buwan na ang nakararaan, ang kahungakagan at kalungkutan na bumabalot sa akin sa tuwing mapapag-isa ako dito sa bahay ang siyang nagtulak sa akin para gawin ang walang kapararakang desisyon na iyon.
"Hija, ano pa bang ginagawa mo jan? Halika na kumain ka na. Baka kasi hindi ka na naman kumain ngayong gabi eh. Naku talagang makukurot na kita dahil pinapabayaan mo na naman ang sarili mo." Wika ni manang Cecille
Napangiti naman ako bigla ng marinig ko ang sinabi ni manang. Nakalimutan kong hindi nga pala ako nag iisa, nandito nga pala si manang Cecille ang tumatayong nanay-nanayan ko ngayon. Limang taon na si manang Cecille sa amin, buhay pa si tatay noon at kasalukuyan ko pa lang na binubuo ang mansyon at ang ilang bahagi ng farm, kinuha ko siyang kasama sa bahay para may mag-aalaga kay itay, na kasalukuyang may sakit na noon, habang wala ako. Siya din ang katuwang ko sa pag-aasikaso ng burol at libing ni itay, hindi niya talaga ako iniwanan at lagi siyang nakaalalay sa akin.
"Bakit nga nawala sa isip ko na hindi pala ako nag-iisa? Edi sana hindi ako nagda-drama ngayon.Lalo tuloy siyang nagsisi at nanghinayang sa naisip niya. Pero tama rin naman si Ericka, na nangyari na ito at nagawa ko na at wala ng magbabago kahit ilang beses pa akong magsisi at magmukmok. "Tsaka at least gwapo at mabait ang lalaking nakauna sa akin. Hay." Hindi niya napigilan ang managinip ng gising.
Hindi na niya talaga mapigilan ang kiligin sa tuwing maalala niya ang mukha ng lalaki sa bar.
"Aray!"
Dahil sa panandaliang pagkawala sa sarili ay hindi niya tuloy napansin ang pader na nagsisilbing pagitan ng dining area at sala.
"O ano na naman ba ang nangyari sa iyong bata ka?" Sabi ni manang habang dali daling sinuri ang mukha niya. Pinisil nito pisngi niya at sapilitang siyang inilingon sa kanan papunta sa kaliwa, na para namang mababali na ang kanyang leeg
"Aray, manang iyong noo ko ho ang masakit. Pero parang madadagdagan kung hindi niyo ho tatanggalin iyong kamay niyo. Okay lang naman po ako."
"Aba! Mabuti kung ganoon. Naaalala ko kasi na sa tuwing umaaray ka eh talaga namang matindi ang nangyayari sayo."
Hindi ko tuloy maiwasang mapasimangot dahil talaga namang medyo matindi ang mga naranasan ko noon. Kung sabagay hindi ko talaga masisisi si manang. Bagong record nga ito kung tutuusin, ito na siguro ang pinaka mild na aksidente sa lahat. Siguro ang pinaka malala ay iyong nahulog ako sa likod ng baka noong minsang magmagaling ako na kaya ko ng mag-isa na ihatid ang ilan sa mga bagong aning mangga. Napuno ako noon ng pasa at gasgas sa likod at kanang braso, nagkaroon din ako ng bukol at isang linggong napa-confine sa ospital dahil na din sa pagpipilit ni manang.
"Ayan kasi ang sinasabi ko sa iyong bata ka! Ilang beses ba kitang pinagpaalalahanan na huwag ng ikaw ang gumawa noon at hindi ka naman masyadong magaling sumakay ng baka!?"Hay, hindi ko alam noon kung saan ang mas masakit, kung iyon bang mga pasa at gasgas ko sa katawan o iyong tenga ko dahil sa tindi ng inabot kong sermon kay manang.
Dahil sa naisip ay hindi niya naiwasang mapangiti.
"O siya tara na. Ano pa bang ngini-ngiti-ngiti mo riyan? Masamang pinaghihintay ang pagkain."
"Opo manang, nasabi ko na po bang napakaganda niyo ngayon?"
"Kuu at binola mo pa ako. Nga pala may dumating na sulat sa iyo kanina, nasa itaas ka kasi kaya hindi na kita inabala muna."
Napakunot ako ng noo sa sinabi ni manang. Kasi'y wala naman akong inaasahang kahit anong sulat.
"Di bale na, mamaya ko na lang babasahin pag katapos kumain."

BINABASA MO ANG
That Unforgettable Night
General FictionMaria Lorena Magbagay is a 28-year-old single, and a certified NBSB. In her younger years she was proud of it, she'd admit that she's a conservative type of girl, the fact that she wore an ankle length skirt and loose kind of blouses won't think of...