4

7.8K 150 0
                                        

Tatlong araw na ang lumipas nang huli silang nagkausap ni ma'am Lannie, tatlong araw na rin siyang namo-mroblema kung saan kukuha ng pansamantalang papalit kay doc Henry. Isabay pa na nakakahiyaan niyang bisitahin ito dahil sa alam niyang naroon ang ginang at hindi niya rin alam kung paano ito kakausapin. Nasa ganoon siyang estado nang makarinig siya ng marahang katok sa pinto.

"Lana may tawag ka sa telepono. Ikokonekta ko na ba iyon sa telepono mo riyan?" Putol ni manang sa isipin ko.

Pinasadya ko talagang i-private ang linya ko dito sa kwarto, na ginawa ko na ring opisina, dahil ang gusto ko ay walang gagambala sa akin kapag nandito ako sa kwarto ko. Ito lang kasi ang takas ko sa labas, sa mga mapanghusgang mata.

"Opo manang, ikonekta mo na po."

Ilang sandali pa muna siyang naghintay bago niya sinagot ang telepono.

Si Ikay pala ang tumawag.

"Hello Ikay bakit dito ka sa landline tumawag?"

"Eh kasi naman po kanina pa ako natawag doon sa cellphone mo pero hindi mo sinasagot."

Dahil sa sinabi nito ay agad niyang tiningnan kung totoo nga ang tinutukoy ng kaibigan. 10 missed calls. Nanlaki ang mata niya sa nabasa, naka sampung tawag ito ng hindi man lang niya narinig? Ganoon ba kalalim ang iniisip niya kanina at hindi man lang niya naramdaman o narinig iyong cellphone niya?

"Oh ano natahimik ka na naman? Ano bang ginagawa mo at hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?"

"Ah wala naman medyo nakatulog lang sandali." Pagsisinungaling ko, tiyak kasing hindi na naman siya titigil sa kakatanong kapag sinabi ko ang tunay na dahilan. "Bakit ka nga pala napatawag? At parang napaka-importante niyan dahil talagang tumawag ka pa sa landline."

"Napatawag ako kasi itatanong ko sana kung ready ka na para sa party bukas ng gabi?"

Nanigas naman siya sa narinig, Party? Anong party? Wala kasi siyang natatandaang pumayag siyang dumalo sa isang party. At kung may magyaya man ay siguradong tatanggi siya agad.

"Ano bang party ang pinagsasasabi mo?"

"Hoy Maria Lorena, nagpadala ako ng sulat sayo three days ago, nakalimutan ko lang sabihin noong nagkausap tayo dahil nga nag-away iyong mga anak ko. Invitation ang laman noong sulat at dahil nga hindi ka tumawag man lang ay inisip ko nang pumayag ka."

Kailan pa naging rules na por que hindi tumawag ay OO na ang sagot? Parang hindi yata siya aware doon.

"Hoy Ericka Janine, hindi ako nakasagot dahil nga hindi ko pa nakikita iyong sulat, nakalimutan ko kasi iyong tingnan noon. At hindi ibig sabihin noon ay pumapayag na akong pumunta sa party na iyan. Alam mo naman di ba?"

"Hay, Lana sige na naman o. Party kasi iyon ni daddy, kung kaya ko rin lang ay ako ang pupunta doon. Ang kaso ay nakaka-oo na ako sa mga bata na magbabakasyon kami dahil nga summer. Please? Ako naman ang tulungan mo ngayon, kahit isa lang sa atin ang dumalo sa party niya, kahit magpakita ka lang sa kanya tapos umalis ka na din."

Hay, paano ko ba naman ito matatanggihan ginamitan na ako ng pagmamakaawa, kapag ganyan na talaga ang tono niya ay hindi na ako makatanggi. Kung sabagay noong lumuwas ako ng biglaan at humingi ako ng tulong sa kanya ay tinulungan at sinamahan pa niya ako kahit pa nag away sila ni Mark pagkatapos noon.

"Sige na nga, magpapakita lang ako kay tito tapos uuwi na ako ah."

"Yes! Yup yup kahit magpakita ka lang. Thanks Lana, the best ka talaga. Nga pala baka magkita kayo ng kaibigan ni Mark doon, magkakaroon na rin kayo ng chance na magkita."

That Unforgettable NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon