portin; goodbye

3.6K 139 42
                                    

Kim Jongin: 

“Let’s stop this.”

Seryoso?

Pagkatapos niyang sabihin ‘yon parang gumuho ang mundo ko. Kasalanan ko naman lahat eh, niloko ko siya.

Eto naba yung bayad sa mga ginawa ko? Ang sakit rin kasi eh. Kung kailan nagmahal na’ko. Kung kailan natuto na’kong magmahal ngayon pa nangyari ‘to.

“No.. p-please.. Soo,”

 

“Gusto kitang saktan, gusto kitang hagisan ng sofa para mamatay kana, para matauhan ka.” Sinusuntok niya ako ngunit binaliwala ko iyon. Ayoko siyang mawala, ayokong mawala yung taong nagpapasaya sakin.

“Sana pwedeng balikan yung panahon na hindi kita kilala, para hindi na’ko nasasaktan ng ganto.”Mas lalo akong nasaktan nung sinabi niya iyon.

“Sige pa, Jongin. Lokohin mo pa’ko. Ano paba hindi ko alam ha? Sabihin mo na lahat. SABIHIN MO LAHAT PARA DI AKO MUKHANG TANGA RITO!! SOBRA NA KASE EH! ANO PA!?”

Wala akong magawa, pinagmamasdan ko lang siya habang umiiyak sa harapan ko. Hindi ko man lang magawang magpaliwanag sakanya, hindi ko man lang kayang yakapin siya. Bakit ganto? Bakit ang sakit..

“Soo—“

*PAK*

“ANG G-GAGO MO.. SANA HINDI NA LANG KITA NAKILALA.” Tumakbo siya papalayo sakin, habang ako parang nasemento ang mga paa at hindi siya hinabol.

Ganto ba talaga?

Ang sakit pala.

---x

Do Kyungsoo: 

Tumakbo ako at alam niyo yung masakit? Hindi niya ako hinabol. Kaya ko siyang patawarin, kaya kong magpakatanga ulit sakanya, kaya kong tiisin yung sakit pero wala eh. Wala siyang ginawa, ni hindi siya nagpaliwanag.

Hindi ko na alam kung nasan nako ang alam ko lang iyak ako ng iyak. “Ang saya talaga, pati ulan nakisama. Hahaha”

Ang galing.

“ANG SAYA! WOOOO!” para akong tanga nag kukunwaring masaya, wala akong pake kahit may makakita sakin.

“WOOO! HINDI NAMAN MASAKIT EH! HINDI MAN NGA AKO NASAKTAN HAHAHA!” Iyak ako ng iyak habang sumabay lalo ang lakas ng ulan. Gusto kong magpasagasa.

Gusto kong mamatay.

 

“Ayoko na, suko na ako.”

 

“Tama na oh? Di paba tapos ‘to?”

Talk DirtyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon