Chapter 9 : Parents

11 2 0
                                    

Alysa's POV

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Naman kasi ehhh.

* flashback *

Pagkatapos akong ipakilala ni Cheol sa kanila eh parang nagulat sila? Malamang Aly magugulat sila hayst. -.-

"Hello Alysa." Sabi ng mama ni Cheol sakin---while smiling. Wahhhh boto kaya sila sakin para kay Cheol? >~<

"Hello iha." Sabi naman nung tatay ni Cheol.

"H-hi po." Nahihiya kong sabi. Eh sino ba namang hindi mahihiya kung kausap mo ang mga magulang ng boyfriend/ girlfriend mo diba?


"Buti naman nakadalaw ka samin kuya." Sabi ni janine.


"At buti din na nagkagirlfriend ka na anak." Sabi naman ng papa ni cheol.

"Osya, buti naman at tamang tama ang dating nyo. Kakain na kami kaya halika na." Sabi ng mama ni cheol.

* end of flashback *




Nakain na kami ng sinigang. Ansarap nung mga gulay lalo na ng karne. Kaso maunti lang kakainin ko kasi nakakahiya naman kung lantakan ko to diba?

"Love kain ka pa." Sabi ni cheol na maganang nakain.



"Oo nga naman iha. Di ba masarap ang luto ko?" Nakangiti sabi ng mama nya.



"M-masarap na masarap po! K-kaso nakakahiya naman po hehe." Nahihiya kong sabi.



"Ay walang hiyaan dito ate Alysa!" Nakangiting sabi ni janine.




"Sige......salamat po." Nakangiting sabi ko.






************************



Pagkatapos naming kumain at pagdiskitahan ang mga baby pics ni cheol--na sobrang cute hihi, eh napagpasyahan na naming umuwi. Sabi pa nga nila janine sa guest room nalang daw kami kaso nakakahiya naman hehe.




Kaya ngayon were going home now.




"Love, nasan parents mo?" Tanong ni cheol habang nagdri-drive parin.




S.coups POV





"Love, nasan parents mo?" Tanong ko. And based on my peripheral vision parang natigilan sya.





"Punta tayong cemetery love......"





"Sa cemetery? Anong gagawin natin doon love?"




"Please love?"




"O-ok."







********************

Naglalakad na kami--- well nangunguna sya. Until we stopped sa tombstones na nasa harap namin.


Fernando Go Jr.       Elisabeth M. Go
                                  
      
Feb. 27,****              May 24,****
To Jan.05,****         To May 10,****



Yun yung mga nakalagay. Until she spoke............




Alysa's POV



I'm back. Nakalagay ang mga graves nila dito sa may puno ng mangga. May dalawang bench na pedeng upuan sa may tabi ng puno at pede ding higaan ang ilalim ng puno.





"Hi ma! Hi pa!............I'm back! Sorry kung di ako masyadong nakadalaw sa inyo ma, ha? Busy sa trabaho eh. Syanga pala ma! Si Seungcheol.......... boyfriend ko po." Sinabi ko habang nakangiti.



"Hello po Mr. and Mrs. Go. I'm Choi Seungcheol. Ako po ang leader ng isang sikat na boygroup sa south korea. Mahal ko po ang anak nyo kaya sana po eh payagan nyo ako kapag hiningi ko ang kamay ng inyong nag-iisang anak." Sinabi nya ng nakangiti. Seryoso sya. Nakikita ko sa mga mata nya ang sinseridad. Hayst.





Biglang lumakas ang ihip ng hangin, at napangiti ako."Salamat ma, pa."





Nagkwentuhan muna kami bago namin mapagpasyahang umuwi.


"Love, nagparamdam ba sila?"



"Oo, love. At masaya ako. Kasi naramdaman ko na ulit sila."





**************************





Carrot's CafeWhere stories live. Discover now