1: I hate birthdays

39 2 1
                                    

Hi readers :) good day, thanks for reading this novel, it's my pleasure :)

I hope you read the description of this story before reading :)

I also hope na mag enjoy kayo while reading this.

Please read the coming chapters :)

Thank you.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

PART 1: I hate birthdays

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday, happy birthday Sofhie"

(Kanta sakin ni Alex)

"Sabi ko naman sayo Nips [Tawag ko sa bestfriend kong si Alex] Libby Martins na ang pangalan ko! at walang pwedeng makaalam ng totoo kong pangalan!, at isa pa, I hate birthdays! especially my birthday so please stop singing such thing."

(Naiirita kong sigaw kay Alex, na ngumingisi lang)

Si Alexander Rodriguez nga pala ang nag iisa kong bestfriend at alam nya at ng parents nya ang lahat tungkol sakin, syempre isa na dun ung tunay kong identity, pero ung Plano ko, sya lang ang nakakaalam nun. Nag kakilala kami nung 12 years old ako. Nakita nya kasi akong sinasaktan nung mga kumupkop sakin sa isang Restaurant.

FLASHBACK

"Ang bobo bobo mo talagang bata ka!, ang dami mo na namang nabasag! sino nalang ang magbabayad ng lahat ng yun? Walang kang kwenta !!!"

(sigaw ng amo ko na si Mrs. Roces, habang hinahampas ako ng kahoy ng mop sa ano mang mahagip nito sa katawan ko)

nagdurugo na ang labi ko sa kakasampal nya at ang buhok ko naman ay gulong gulo sa pagkakasabunot nya sakin at pagkaladkad nito hanggang makalabas kami sa likod na pintuan ng restaurant.

Wala naman akong magawa dahil sa hinang hina na ang katawan ko dahil sa Hindi pa ko kumakain mula pa kaninang tanghali. dahil sa umaga at gabi lang ako pwedeng kumain. umiiyak na lang ako at nagdadasal ako sa isipan ko na sana matapos na ang lahat ng to.

At sa may gawing kanan, sa May parking lot, nahagip ng lumuluha kong mga mata ang isang batang lalaki na nakatingin sakin, at nung magkatinginan kami ng ilang segundo, bigla syang tumakbo pero di na naabot ng tanaw ko kung saan sya nagpunta dahil sa nag blangko na ang paningin ko.

Medyo nagkamalay ako at nakita kong nakahiga ako sa isang puting kwarto. akala ko nasa langit na ko pero biglang nakarinig ako ng boses sa gilid ko.

Nag uusap sila, dalawang lalaki, pero di ko marinig ng malinaw ang lahat.

"Daddy?..."

(Sigaw ko sa may higaan habang minumulat ko ang mata ko at pilit na ginagalaw at itinatayo ang katawan ko)

"No, Hija, stay there and rest"

(Sabi ng lalaking naka suot ng puti, isa syang doctor base sa pananamit nya.)

"Don't worry, you're safe now at wala ng makakapanakit sayo"

(Sabi naman ng lalaking naka formal suit. Damit na madalas isuot ng daddy ko dati. habang tinatapik nya ang balikat ko.)

Hindi ko mapigilan ang luha ko at humagulgol ako ng malakas dahil sa ramdam kong ligtas ako sa oras na to at may mga taong tumulong sakin.

Pinapatahan ako ng doctor at ng lalaking naka suit ng biglang pumasok ang isang batang lalaki at ang isang babae na mommy yata nung bata, sa may pintuan ng kwarto.

"Dad, is she alright?"

(Pag aalalang tanong nito, habang papalapit sa kama na kinalalagyan ko, sya ung batang huli kong nakita sa likod ng restaurant habang hinahampas ako)

Getting EvenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon