Buod: Metolohiyang Si Pygmalion at Galatea
Si Pygmalion ay isang makisig na binatang eskultor na ilag sa mga kababaihan dahil sa ugali ng mga ito. Ang kanyang oras ay iginugugol niya sa paglililok hanggang makagawa siya ng isang obra. Ang obrang ito ay isang babae na nagtataglay ng mga katangian na nais niya para sa isang babae.
Pinangalanan niya ito ng Galatea at minahal ng totoo. Hindi niya inalintana ang opinyon ng iba. Hanggang sa dumating ang araw ng pista at napag-alaman ni Aprodite, ang diyosa ng pag-ibig at kagandahan ang tunay na pagmamahal ni Pygmalion kay Galatea.
Siya ay naantig at kanyang binigyang buhay ang babaeng pinakamamahal ni Pygmalion. Sina Pygmalion at Galatea ay nakabuo ng isang masayang pamilya kasama ang kanilang mga anak na sina Paphos at Metharme.
Bilang pasasalamat sa kabaitan ng diyosa, ang kanilang pamilya ay taon-taon na nag-aalay sa templo ni Aprodite.