A/n: Guy POV po to okie? Don't be confuse. -L.
---
Isang araw sa tuwing ika'y naglalakad sa isang eskinita—umuulan non.
--
"PRE uwi na ako! Sa susunod nalang! " Tumango naman ang mga loko loko kong kaibigan.
Nagtatakbo na ako dahil medyo kumukulob na, sana naman makaabot ako sa sakayan para hindi ako masyadong mabasa.
Sa pagkakamadali ko ay may nakabanggaan ako. "Aray! " Tugon niya at napaupo pa sa lakas siguro ng empak. Tinignan ko siya at tinuoungan siyang tumayo. "Sorry Miss!! Sorry talaga. Sige una na ako. " Tapos tumakbo na ulit ako.
Ohh shit, buti nalang nakaabot ako sa sakayan atleast dito habang naghihintay ng jeep eh may masisilungan. Anlakas pa naman ng ulan na ito.
Bagyo ba to? Hays malas naman oh, naabutan pa. Tas wala padin akong masasakyan! "Buset na ulan! " Mahina kung mura dahil naramdaman kong may tumabi sa akin sa shed.
Tinignan ko siya at nakitang babae ito, may dala siyang puting payong at nakauniform din siya kagaya ko. Tumingin siya sakin kaya napaiwas ako ng tingin.
Maya maya pa ay may jeep na dumaan. Pasakay na ako nang marinig ko ang sabi ng babae.
"Okay lang yun, nakahara din naman ako kanina. "
Naguluhan ako pero binaliwala ko nalang yung sinabi niya. Psh, di ko nga yun kilala eh.
SA susunod na araw ay pinagdala ako nang payong ng mama ko kasi daw tag ulan daw talaga mas mabuti nang ready. Psh anong akala niya sakin babae? Pero dahil mabait akong anak, sinunod ko nalang ang sinabi ni mama na magdala nang payong pero nasa bag ko lang, syempre.
"OI! pre, karaoke bar daw mamaya? " Tanong ng kaibigan kong si Jeff. "Hay nako Jeff, nautusan ako ng inang reyna at kailangan ko yung sundin kung ayaw kong makutusan ng papa ko. Alam mo na. " nagtawanan naman sila sa sinabi ko at syempre nakitawa din ako, nautusan kasi akong bumili ng bulaklak para sa altar kaya bawal akong gumala.
"Sige mga pre. Mauuna na ako sa inyo at mukhang paulan na naman! " Naglakad na ako paalis ng school, papunta dun sa bilihan ng bulaklak malapit dito nang biglang bumuhos ang ulan kaya nagkandaugaga akong kunin sa bag at buksan ang payong ko.
"Hindi talaga nagkakamali si mama, umulan talaga at basa na naman ang aking sapatos. Just great! " Salita ko habang naglalakad ako papunta dun sa flower shop.
Pagdating ko dun ay may babaeng nakatambay dun sa flower shop baka bibili din. "Ale magkano po ba tong limang piraso? " Tukoy ko sa mixed na grupo ng bulaklak. "Ay nako boy.. 80 lang yan. Bili ka na para na din sa girlfriend mong naghihintay sayo. " kumunot ang noo ko habang kinukuha ko ang pera.
"Bibili po ako tsaka wala po akong girlfriend Ale. Palabiro pala kayo. " Natawa nalang siya at binigay na sa akin ang limang pirasong nakabaloy na ng lumang diyaryo. "Mga kabataan talaga, mga indenial masyado. " Di ko nalang siya pinansin tsaka na ako lumabas at nagpatuloy sa paglalakad papuntang sakayan.
Napansin ko naman na may tumabi sa akin sa shed habang naghihintay ako ng jeep. "Ang ganda ng bulaklak. " Napatingin ako sa kanya at siya nama'y nakatingin sa bulaklak na dala ko. "Ah.. syempre ako pumili eh, pinabili kasi ako ni mama. "
Tumingin siya sakin at ngumiti. "Alam ko. " Nagulat naman ako dun at tila nabuhusan ng malamig na tubig mabuti nalang at andiyan na ang jeep, dali dali akong sumakay ng hindi ko na siya nilingon pa. She's weird and creepy.
SA mga sumunod pang araw ay diritso uwi ang trip ko, natatakot ako na baka kausapin ako ng babaeng yun ulit eh. Nakikita ko pa siya minsang may gustong sabihin sa akin. Although medyo familiar siya sakin, di ko lang alam kong san ko siya nakita noon.
BINABASA MO ANG
The Girl In The Rain (ONE SHOT STORY)
Short StoryNapapansin mo man lang ba? Yung babaeng naglalakad mag isa sa ulan? Napansin mo ba? Yung pagtitig niya sayo tuwing nagkakasabay kayo sa paglalakad sa ilalim ng ulan? Kung hindi... Pwes, pansinin mo na.. Hangga't andiyan pa. -- This is a short...