Chapter 1 - Porridge

7 1 0
                                    

" You always surprise me, Ms. Lazarus. Masaya ako at ang Department namin ang napili mo. At hindi ako nagsisi na makilala ang isang katulad mo. Hindi ako nagka mali na ikaw ang kunin para sa nangyaring proyekto ng Unibersidad. At dahil ikaw ang patuloy na umaahon sa ating departamento, hayaan mong bigyan ka namin ng munting regalo."

" Naku, Sir.. Masaya rin naman po ako na maka tulong sa ating departamento, tsaka pangarap ko po talaga ang ganitong gawain. Karangalan ko po na tumulong sa inyo at sa departamento natin. Maraming salamat po sa regalo." Yumuko ako kay Sir Zamora at nagpaalam na.

" Kyaahhhh!!" Hindi ko mapigilan na magtatalon dahil sa saya.

" Congratulation!!" Masayang sigaw ng dalawa kong kaibigan at syempre ang gwapo kong kapatid.

" Very good work, baby." He hug me and kiss my cheek.
Ngumiti naman ako ng malapad sa kanila.

" Thank you.. Thank you so much for supporting me. Keighley.. September.. Alam ko na gusto niyo rin ang proyektong 'yon pero nandiyan parin kayo para suportahan ako at palakasin ang loob ko." Yumakap ako sa kanila.

" Sisiw.. Tsaka alam naman namin na ikaw talaga ang makakakuha ng proyektong 'yon dahil sa departamento natin, ikaw ang pinaka magaling at masarap magluto! Congratulation, Chef Lazarus.. " Napa tawa ako sa sweet words ni September.

" At dahil sa successful mo.. Treat mo na kami." Naka ngiting turan naman ni Keighley.

" Okay! Magpaka busog tayo ngayon!"

" Naaamoy mo na ba ang tagumpay at simula ng pagbabago ng buhay mo?" Limingkis ako sa braso niya at tumango.

" Sana lahat ng pangarap natin para sa sarili at pamilya ay makamit at makamtan natin.."

" Hoy, hoy, itigil niyo muna ang sweetness niyong mag kapatid. Celebration ang magaganap ngayon, hindi showing kung gaano kayo ka sweet sa isa't isa." Nagka tinginan lang kami ni Kambal at sabay na napa tawa dahil sa isinigaw ni September na kaagad namang binatukan ni Keighley.

Wala na yata akong hihilingin pang iba para sa kasiyahan na nararamdaman at nakakamtan ko ngayon.

May dalawa akong kaibigan na handang sumuporta at pasayahin ako.

May kakambal ako na pumoprotekta at nag aalaga sa akin..

At syempre.. Ang pamilya ko na laging nagtuturo ng mga tama at mali.. Sila ang nagpapadama sa akin ng tunay na pagmamahal..

Kaya lahat ng tagumpay na makukuha ko ay para sa kanila..

Sana lang ay matupad lahat ng mga pangarap ko hindi para sa sarili kung hindi para sa pamilya..


" Teka ano ba 'yang ginagawa mo?"

" Wag kang magulo Kei, baka mamali ang sulat ko."

" Welcome back, Prinsipe ko.." Pagbasa ko sa sinusulat ni Sept.

" Kailan ka ba titigil sa ginagawa mo?" Panenermon ni Kei na sinang ayonan ko.

Pag hindi ang ibang mga studyante dito, si Sept naman ang nakikita namin ni Kei na haling na haling sa mga Prinsipe na 'yon.

" Please hayaan niyo nalang ako. Ngayon na kasi siya darating eh. 2 years rin kaya siyang nawala, kaya bilang isa sa mga fans niya.." Tinaas niya ang banner na ginawa.

" Welcome back, Prinsipe ko!!Kyaaahhh!!"

" Manahimik ka nga! Kay ingay ingay. 15 minutes lang oras na ibibigay namin sa'yo, pagka tapos bumalik kana dito. May klase pa tayo." Masungit na turan ni Kei.

Fated To My Prince'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon