Chapter 1

47 0 0
                                    

@Airport

"sir, are you ready to go back to Korea?"

"I'm all set."

-----------------------------------------------------------

'tiktilaok! tiktilaok!! TIKTILAOOOK!!!!'

OO NA!! BABANGON NA!

grabeng mga manok yan! sarap prituhin! ang aga aga pa!

tsk! makabangon na nga at makapagsimula na.

"yahhhhhhhhhhhh" nag inat inat pa ko..

tpos nagsimula na magpakulo ng tubig..

tuwing umaga nakahiligan ko na kasi maupo sa maliit kong balkunahe habang pinagmamasdan ang pagsikat ng araw...samahan mo pa ng mainit na kape.. ang sarap!

ang lamig pang simoy ng hangin....

'TIK TIK TIK TIK TIK TIK'

ano yun?!

agad akong napalingon kung saan nangagaling ang tunog..

matagal akong nakatingin sa may bubungan ko...

pero mamya mamya hndi ko na lang ito pinansin..

simula nung tumira ko dito kung ano ano ng naririnig kong kakaibang bagay..

siguro dahil sa sobrang tahimik, tanging ingay lang ng kalikasan ang maririnig.

sa totoo lang magtatatlong taon na kong nakatira dito sa probinsya..

taga Maynila talaga ako..pero simula nang mamatay ang mga magulang ko dahil sa isang aksidente..

itong lupain ng daddy ko ay isa sa mga pamana sa akin..

wala akong kapatid, at nag iisa na lamang ako sa buhay..yung mga kamag anak ko?

ayun wala kong kilala sakinla... ang pagkakaalam ko..nagtanan ang mga magulang ko kaya itinakwil ang mommy sa kanyang angkan..si daddy naman halos lahat ng kamag anak nya lumipat na sa ibang bansa.. at bago mamatay ang kanyang lola na lola ko na din syempre.. eh pinamana nya ito kay daddy dahil na din sa hindi pag alis ni daddy sa ibang bansa.

hndi ko na tinapos ang aking pag aaral, hanggang 2nd year college lang ako..

ayoko ng mag aral.. dahil gusto ko na din lumagay sa tahimik..

gusto ko yung gantong pamumuhay.. simple lang.

hindi na kakailanganin pa ng pera..

kasi lahat ng pangangailangan ko para mabuhay ay nasa paligid ko na..

malayo layo din ang bahay ko sa sibilisasyon..

feeling ko nga hndi nila alam na may nakatira dito sa parte na to ng kagubatan..

pero dati may nakakita sakin sa kakahuyan....isang binata siguro mga 15 years old?

nang makita ko eh,, nagsisigaw ba naman? ano ko multo? tapos ayun kumaripas ng takbo.

napatingin tuloy ako sa salamin.

"akala ko bagay sakin ang gothic look" sabay bura ng make up.

ah! ako nga pala si Meissha Lin Rodriguez.. maputi, itim ang buhok mahaba hanggang bewang, at simple lang ang buhay.

Nang mataas na ang araw nagsimula na ko sa aking trabaho..

naglakad lakad ako sa kakahuyan para maghanap ng makakain para sa araw na ito.

meron naman kasi akong maliit na garden sa bakuran, meron din akong maliit na palayan medyo malayo sa bahay ko, tapos may batis din dito pero may malapit na balon sa bahay ko dun na lang ako minsan kumukuha ng tubig.

pero minsan ko lang din gamitin un mga in case na masama pakiramdam ko dun na lang ako kumukuha ng makakain.. pag kaya ko naman..naglalakad lakad ako sa kakahuyan para maghanap pa ng mga prutas at iba pang makakain.

habang naglalakad ako may napansin ako.

parang gumagalaw yung dahon...

unti unti akong lumapit para tignan..

hindi ko naman mapigilang ngumiti..

"ayos! sana malaking hayop to. >:)"

inihanda ko na ang itak ko at unti unting hinawi ang mga dahong nakatakip dito..

"aaaarghh.....Apeuda..."(it hurts...)

NAGSALITA!!

agad agad kong tinignan kung ano ba talaga to! 

ang lakas ng tibok ng puso ko..kabang kaba ko kung ano matutuklasan ko..

isang LALAKI!?

sino naman to!?

Lovers in Middle of NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon