Chapter 4

113 8 3
                                    

Bukas na ang Valentines. Chocolate na lang yung ireregalo ko sakanya. At syempre, ako ang gagawa nun. Nakipag talo pa nga ako sa nanay ko dahil humingi ako ng P300 para makabili lang ng recipes at doon gagawa kila Mildred. Sabi ko babayaran ko naman eh, hahanap ako ng part time job kasi kailangan ko rin.

        Papunta ako ngayon kila Mildred. Gagawa ako ng chocolate with full of love. Hihi.


        "Bes, sigurado ka ba dyan? Hindi chocolate jam ireregalo mo?" tanong ni Mildred.

        "Manyak. Gumawa ka na dyan. Gagawa ako ng chocolate with full of love. Hindi full of lust."

        "Wow English. Teka alam ba ni Clyde na pupunta ka sa condo niya? Tapos dadala ka fuds?"

        "Hindi nga eh, i-susurprise ko siya. Nag-aya nga siya ng date namin kaso tinanggihan ko. Gusto ko talaga siyang i-surprise."

        "Ikaw lang ang nakilala kong ganyan. Pinakatanga sa lahat ng tanga."

        "Heh."


        Nakauwi na ako at nakagawa na ko ng chocolate cake. Maliit lang naman iyon, mga kasing laki siguro ng mouse pad. Kinortehan ko ng heart at nilagyan ko pa ng pangalan namin sa harap ng cake. Clyde♥Dianne pa nga ang nakasulat.

        At siyempre, gumawa din ako para sa nanay ko. Mga cupcakes naman. Mga tatlong piraso para I love you. Di naman talaga kasi ako masamang anak.

        Nilagay ko yung cake sa binili kong box. Ang sarap tignan ng pinaghirapan, color red ang kulay ng box at nilagyan ko rin ng ribbon. Parang red ribbon. Bago ako matulog nilagay ko sa ref ang ginawang cake.

        "Hindi ako makatulog. Excited talaga ako bukas." Habang gigil na niyakap ang unan at nakangiti pa.

        Iniisip ko na ang mga gagawin ko bukas. Nakahanda na rin yung bistidang hiniram ko pa sa pinsan ko. At bagay na bagay sakin iyon. Naisipan ko rin mag make up. Baka sakaling mag mukhang tao ako.

        Pupunta ako sa condo niya, kakatok ako then "SURPRISE!" haha. Matuwa kaya siya?

        Hay Clyde Johnson Reyes. I love you. Sabay pikit ng aking mata para matulog na.

February 14.


          Nakapag-ayos na ako at okay naman ang resulta. Nagmukhang tao ako. Medyo kaputian naman ako kahit papaano no.

        Paalis na ako ng bahay at dala dala ang cake. Ang saya saya ko. First time ko lang gawin to. Syempre siya ang first boyfriend ko.

        "MISS! Tabi!!" Lalaking nakabisekleta na nawalan ng preno at mabubundol ako.

        "AHH!!!" nag panic ako bigla siyempre. Nakaiwas naman ako pero natamaan yung paa ko. Masakit.

        "Sorry miss nawalan talaga ako ng preno, hindi ko talaga sinasadya. Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?"

        "Hindi na. May lakad kasi ako eh, nakakalakad pa naman ako. Hayaan mo na."


        Ano ba yan. Kung kelan naman ako nag-ayos doon naman ako madidisgrasya. Buti nasagip ko yung cake. Tsk. Kung gwapo lang yung nakabundol sakin baka magpa-Ospital talaga ako. Joke. Hindi ko tatraydurin ang jowa ko no. Complete package na yun.

Miss Nobody [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon