I

236 53 15
                                    

Naaalala ko pa noong una tayong nagkakilala.
Nabunggo mo ako noon sa may tabi ng kalsada.
Mahuhulog na sana ako,
Ngunit ako ay iyong sinalo.
Hindi nga ako nahulog sa semento,
Ngunit nahulog naman ako sa 'yo.



Di nagtagal ay naging tayong magkaibigan.
Palaging masaya at palaging nagtatawanan.
Ngunit di ko na namamalayan,
Na ikaw ay unti-unti kong nagugustuhan.



Makalipas ang ilang araw ay napag-isip-isip ko,
Kung aaminin ko ba sa 'yo na ikaw ay aking gusto.
Tuwing gabi ako'y hindi makatulog.
Tinatanong sa sarili,
"Magugustuhan din kaya niya ako?"



Ngayon sa tingin ko'y dumating na ang tamang oras,
Upang sabihin sa 'yo na ikaw ang nilalaman ng aking puso.
Kaya naman pinuntahan kita sa lugar kung saan tayo unang nagkita.
Pero pagdating ko doon,
May kasama kang iba.



Agad akong lumapit sa inyong dalawa,
At tinanong ko sa 'yo kung sino ba siya.
"Kami na." Iyon ang mga binitawan mong salita.
Sa iyong sinabi, ako ay napatulala.



Pinilit kong ngumiti,
Ngunit sa loob ang nararamdaman ko ay tanging sakit at hapdi.
Naglakad ako papalayo habang tinitignan kayong dalawa.
Magkahawak ang kamay at masayang-masaya,
Habang heto ako, malungkot at napapaluha.



Ngayon, alam ko na.
Imposibleng maging tayo.
Alam kong sa akin ay kaibigan lang ang turing mo.
Gusto kita, pero hindi mo ako gusto.
Ngayon tanggap ko na.
Magkaibigan lang tayo.







Poems CaféTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon