Ilang beses ko ba sasabihin sa 'yo na tama na?
Wala ka ng pag-asa sa kanya.
Kaya please, huwag ka nang umasa,
Kasi magmumukha ka lang tanga.Pinakitaan ka lang ng kaunting motibo,
Kung anu-ano na ang iniisip mo.
Paano kung kaibigan lang pala ang tingin niya sa 'yo,
At hanggang doon lang talaga kayo?Palagi ka na lang umiiyak dahil sa kanya.
Hindi ka pa ba nagsasawa?
Pinaiyak ka na nga niya,
Pero heto ka pa rin, naghihintay at umaasa,
Kahit alam mong may mahal na siyang iba.Ayan, binalaan na kita.
"Nasa huli ang pagsisisi" sabi nga nila.
Pero kung iyan ang gusto mo, ikaw pa rin ang bahala.
Ayoko lang naman na sa akin ay matulad ka.
