Heto ka na naman,
Lumalapit ulit sa akin nang luhaan.
Kung ako lang sana ang pinili mo,
Hindi ka magkakaganyan.Ano ba ang meron siya na wala ako?
Kailangan ko bang maging katulad niya para lang magustuhan mo ako?
Sige na, sabihin mo,
Dahil handa akong magbago para sa 'yo.Kalimutan mo na ang nararamdaman mo para sa kanya,
Dahil alam naman nating may mahal siyang iba.
Hindi ka niya kayang mahalin, pero kaya kong mahalin ka.
Kaya ako na lang ang piliin mo, huwag na siya.Ngunit sa huli, ako pa rin ang talo.
Sa aming dalawa, siya ang pinili mo.
Sinasaktan ka lang niya, pero bakit siya ang minahal mo?
Bakit hindi na lang ako, na palaging nandiyan para sa 'yo?
