Nagising ako at mukang napahaba ang tulog ko dahil medyo madilim narin.
*Kringgg* *kringgg*
Hinanap ko bigla yung cellphone ko dahil may tumatawag sakin at ng makita ko na ang aking cellphone sinagot ko agad ito.
"Hello?"
"Hello unice pwede ba tayong magbar wala kasi akong magawa eh?"
"Ah ok sige mag aayos muna ako"
"Ok sige bye antayin kita ah"
"Sige bye"paalam ko sakanya at binaba ko na ang tawag.
Tumingin ako sa orasan at 5 o'clock na pala kaya dali dali akong naligo at nagbihis ng itim na dress at ng lagay ng pulbo at lipstick dahil di ko na kaylangan magpaganda ng sobra dahil maganda na ako charrr.
Bumaba na ako at nakita ko ang kaybigan ko na si michaela at yung boyfriend nya
Nagluluto si michaela habang yung boyfriend nya naman ay nag aayos ng mga gagamiting plato sa lamesa
"Uyy gising kana pala unice sabay sabay na tayong kumain,niluto ko yung paborito mong ulam"sabi ni michaela at nagsandok na sya ng mga kanin at ulam at nilagay nya iyon sa lamesa
"Mukang masarap yan ah"sabi ng boyfriend ni michaela
"Syempre specialty ko kaya to"pagmamayabang ni michaela.
Umupo na kami at kumain "hmm ang sarap mo pala talagang magluto michaela pwede kanang maging chef"puri ko at ng boyfriend nya sa kanya"Thank you,pero di ko pinangarap na maging chef eh"sabi nya sabay ngiti
"Ah ganon ba sayang naman"sabi ng boyfriend nya na may panghihinayang sa boses
Habang ako ay nakikinig lang sa usapan nila.
"Pero kahit na masarap ang luto mo mas masarap ka parin"sabi ng boyfriend ni michaela na ikinasamid ko.
*cough* *cough*
Inabutan naman agad ako ni michaela ng tubig at ininom ko ito agad.
"Ano ba naman yan nasa harap kayo ng pagkain ganyan pinag uusapan nyo"sabi ko sa kanila habang nakasimangot
"Uyy hindi ako yun ah sya yun"pagtatanggol ni michaela sa kanyang sarili.
"Hehe sorry"sabi ng boyfriend nya at nagpiece sign"BTW ba't naka bihis ka?" pagtatanong ni michaela sakin.
"Bakit masama bang magbihis?ano palang gusto mo nakahubad lang ako?"pamimilosopo ko sakanya
"Wag ka ngang mamilosopo ang ibig kong sabihin san ka pupunta bakit ganyan ayos mo tss..."inis na sabi ni michaela sakin.
"Linawin mo kasi,sa bar niyaya ako ni miranda"sabi ko sakanya sabay subo ng pagkain.
"Ah pwede bang sumama?"tanong sakin ni michaela
"Ok basta bilisan mo na"sabi ko sakanya at pinagpatuloy ko na ang pagkain.
Natapos na agad kumain yung magsyota at nagbihis na sila
"Sasama ka?"tanong ko sa boyfriend ni michaela
"Nope,pupunta ako sa bahay ng tropa ko"sabi nya sakin
"Ah ok,aantayin mo pa kami o mauuna kana?"tanong sakanya
"Mauuna na ako kasi kanina pa daw nila ako inaantay"sabi nya sakin
"Sige bye"sabi ko sakanya
"Geh bye,bye michaela"sabi nya at umalis na.
"Ano ready kana?"tanong ko kay michaela
"Yap let's go"sabi nya sakin at lumabas na kami ng condo ko
Nandito na kami sa loob ng elevator at isasara ko na sana ang pinto ng biglang may humabol na isang magandang babae.
Kaya hinold ko muna yung botton para di sumara ng makapasok na yung babae ay sinara ko na yung pinto at pinindot ko yung 1st floor
Kanina pa ako panay tingin sa magandang babae na katabi ko ngayon dito sa elevator dahil sa sobrang ganda nya para syang dyosa.
Napatingin ako kay michaela ng bigla itong tumikhim
"Anong problema mong babae ka?"inis kong bulong kay michaela.
"Ikaw ang may problema dahil kanina pa kita nahahalata na panay tingin ka dyan sa katabi mo"bulong nya rin sakin"Hi-hindi ah"utal utal kong bulong
"Asus kunwari ka pa e-"naputol ang sasabihin ni michaela sakin ng biglang bumukas ang pinto ng elevator sa 2nd floor.
Nagsipasukan bigla yung maraming tao kaya napunta ako sa sulok at nakatabi ko yung babaeng maganda.
Nangmakadikit ang balat namin ng babaeng maganda ay parang may kuryente akong naramdaman.
May powers ba sya kaya ako nakuryente?o baka nama--
Nagulat ako dahil biglang nagtulakan yung mga tao sa loob kaya natulak sya sakin at nahawakan ko sya agad para di sya matumba
Muntik ng magdikit ang mga labi namin,magkaharap na kami ngayon at nagtititigan lang.
*Ting*
Biglang tumunog yung elevator at bumukas yung pinto
Bigla naman syang humiwalay sakin"ah sorry"sabi nya sakin at lumabas na,ako naman ay natulala
Natauhan nalang ako ng bigla akong hatakin ni michaela palabas ng elevator.Habang hatak hatak ako ni michaela ay nakatulala parin ako
"Hoy babae anong problema mo? bakit ka nakatulala dyan?"tanong sakin ni michaela
Pero di ko sya pinansin at pumuntang parking lot para kunin yung kotse ko.
Nakasakay na kami sa loob ng kotse ng tanongin nya uli ako
"Unice ano ngang nangyari sayo ba't bigla kang natulala bago tayo lumabas ng elevator?"tanong nya sakin
"Yung babaeng maganda....."sabi ko at nakatulala parin
"Yung babaeng maganda kanina sa elevator?"tanong nya sakin
"Yiieeee kinilig ako"tili ko at bigla naman napatakip ng tenga si michaela
"Para kang sira kanina lang tulala ka ngayon titili ka?baliw ka na ba?sabihin mo lang para maagapan at madala agad kita sa mental hospital"sabi sakin ni michaela.
"Gaga,ganto kasi yan..."sabi ko sakanya at kinuwento ko na lahat ng nangyari
"Ah kaya pala ganyan ka makatili"sabi nya sakin.
"Yup"sabi ko sakanya at yung ngiti ko ay abot tenga"Halika na nga umalis na tayo kanina pa nag aantay sa atin si miranda baka mainip yun"sabi nya sakin kaya inistart ko na yung kotse ko at umalis na kami.
₤₪₤₪₤₪₤₪₤₪₤₪₤₪₤₪₤₪
Please support me and kindly tap the star below.To be continue...
BINABASA MO ANG
THE STRANGER(Lesbian)
PovídkySa araw ng mga puso ay may mga masaya,sweet,nagdedate,gumagawa ng mga kababalaghan,may mga bagong shota,bagong manliligaw,broken hearted at syempre ang mga single At isa na si unice dun at dahil nga sa single sya,bar ang naging takbuhan nya pero imb...